Chapter 21

819 47 0
                                    

Tatianna Blice Solais

"Taddieler, slow down!"

"Mommy, don't shout okay. Can't you see me Mommy, I'm a big boy now and I can run hella good. Ouch!"

Agad akong napatayo ng makita ko itong nadapa. Dali dali ko itong nilapitan at inalalayan.

"Tsk. Anong napala ng isang batang matigas ang ulo?" ani ko, napakamot na lamang ito sa kanyang ulo.

"Sorry Mommy. I love you hehe." nakangiting ani nito. Napabuga na lamang ako sa hangin dahil sa isinaad nito. Hindi ko talaga mataas ang isang to.

"I heard what you said earlier. Bakit ka nag mumura? Who taught you that word?" seryoso kong tanong sakanya tsaka kami naglakad papuntang bench.

"Tito Orion said that big boys do cussing because the boy who's cussing is strong. And Mommy, I want to be strong to protect you."

Gulat akong napatingin sa kanya, nagsalubong ang mga kilay dahil sa nalaman. Orion is such a pain in the ass! Kung ano ano nalang ang tinuturo sa anak ko eh. Lumuhod ako at pumantay sa taas ng anak ko.

"Listen carefully to Mommy. Do you know that cussing is bad?" umiling iling ito sa akin.

"Are you mad at me Mommy?" nababakas ko ang pagiging malungkot sa boses niya, bumitaw ako ng isang buntong hininga at tsaka umiling.

"Baby, I am not mad at you okay? Pero hindi tamang mag salita ka ng bad words kasi bata ka palang. Wag kang magpaniwala sa Tito Orion mo okay? What he said is not true. You can protect Mommy without cussing." paliwanag ko sakanya at tsaka ngumiti.

Ngumiti ito sa akin tsaka ako niyakap ng mahigpit. "I'm sorry Mommy. I will never cuss again, I promise!" ani nito. Tumawa na lamang ako sa ka cute-an niya tsaka kami naglakad papaupo sa bench.

"Are you tired now?" tanong ko sakanya ng makaupo na kami.

"I'm tired now Mommy. Can we rest here a little bit then we can go home after that." ani nito, napatango na lamang ako sakanya tsaka siya inabutan ng tubig. 5 years old palang anak ko pero mapapahanga ka dahil sa tuwid ng kanyang pananalita.

Napatingin ako sa tuhod niya, baka ay nagkasugat siya dahil sa pagkakadapa niya kanina. "Mommy, I wonder where is my Daddy."

Natigilan ako saglit dahil sa kanyang simabi. Hindi ako makasagot at nakatingin lamang sa tuhod niya na may sugat. "May sugat ka anak." Pag-iiba ko ng usapan.

"Mommy, it's not hurt at all. I'm a big boy now and that wound is a little peasy to handle. But Mommy, where is my Daddy?" tanong nito ulit at mukhang papaiyak na. Nataranta naman ako dahil sa nakita.

Hindi ko malaman kung ano ang gagawin ko. He's near to cry while looking at me, his two palm keep together. Napabuntong hininga muna ako bago ko sagutin ang tanong niya.

"Gusto mo bang makita ang Daddy mo?" tanong ko sakanya. Tumango tango ito sa akin habang pasinghot singhot na.

"He's near to die at kung magkita man kami papatayin ko talaga siya." mahina kong bulong. Napatingin ito sa akin ng naguguluhan.

"Mommy, I hear you. Don't worry Mommy, I don't love Daddy now because Tito Orion said to me that he hurts you that's why we ran away from him. Did he really hurt you Mommy? I trust Tito Orion but I want you to tell me the truth." bakas ang pagiging seryoso sa mukha niya, napakamot na lamang ako ng ulo.

Kaugali niya ang Ama niya.

"Nakaka nose-bleed ka anak." pag iiba ko ng usapan.

"I didn't see blood running from your nose, Mommy." nakahalukipkip na nitong ani. Tumayo na ito tsaka ako pinayuko para halikan sa pisngi. "I really love you my beautiful Mommy!" malambing nitong ani.

Napatawa na lamang ako sakanya tsaka ko siya kinarga at naglakad na para makaalis sa lugar na iyon. "Mommy, please put me down po. I'm a big boy now." pilit siyang umaalis sa pagkakarga ko, napahigpit naman ang hawak ko sakanya dahil baka ay mahulog ito.

"You're still my Baby Blessed. You're still my baby, okay?" saad ko dito at hinahalikan ang matatanbok niyang pisngi. Napasimangot ito sa akin kaya napatawa ako ng bahagya.

Nang makarating kami ng bahay ay isang malaking ngiti ni Orion ang sumalubong sa amin. Ibinaba ko si Taddieler kaya ito nakatakbo papunta kay Orion at niyakap ito ng mahigpit.

"Did you have fun big boy?" tanong nito, masigla itong tumango sakanya. Nasa likuran lamang ako nila, napatingin ako kay Orion ng mapatingin ito sa akin.

Malapad itong ngumiti sa akin tsaka niya ako inambahan ng yakap pero agad ko siyang sinalubong ng batok.

"Aray naman Tati! Sakit nun ah!" reklamo nito, napangisi na lamang ako sakanya.

"You deserve that! Kung ano ano nalang ang tinuturo mo sa anak ko eh!" sandali itong napakamot sa ulo niya at ngumuso.

"Alin duon?" halos mag salubong ang mga kilay ko dahil sa isinagot nito.

"So, marami ka palang tinuturo sa anak ko?" naiinis kong ani tsaka siya sinapak sa noo.

"Aray! Nakakarami ka na ha. Baka nakalimutan mong mas matanda ako sayo!" nakasimangot nitong ani, akmang babatukan ko siya ulit pero nakailag na ito.

"Isip bata ka nga eh!" naasar kong ani sakanya.

"Hoy baka nakalimutan mong ako si Orion Gellizer Tenorio!" nakapamewang nitong ani.

"Ano naman ngayon? Siraulo." masungit kong ani tsaka siya tinalikuran na.

Nagulat naman ako ng makita ang anak ko na nakatayo sa kaninang pwesto niya habang nakapamewang rin. Akala ko ay nakapasok na ito sa loob ng bahay eh.

"Mommy, what is siraulo?" kuryusong tanong nito, narinig ko ang malakas na pagtawa ni Orion sa likuran ko kaya sinamaan ko siya ng tingin.

"Ayyy!" hiyaw nito at iniwas ang tingin sa akin pero bakas parin ang pagpipigil niya ng tawa.

"A-anak" tawag ko dito ng makatingin na ako sakanya.

"Is that a head that broke?" inosente nitong tanong, hindi ko mapigilang matawa dahil sa itinuran niya.

"Siraulo is badword baby." pagpapaliwanag ko.

"So it means, I can say that word because you said it first." napaawang ang mga labi ko dahil sa itinuran niya. Tumingin ito kay Orion.

"Tito Orion!" tawag nito, tumingin ako kay Orion na nakatingin na sa anak ko ngayon at naghihintay na sa sasabihan niya.

"Siraulo ka."

Hiding BlessedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon