Chapter 16

1K 51 5
                                    

Tatianna Blice Solais

Time flies so fast. 2 months has passed, the relationship between me and Thaddeo is staying strong. Taddieler is growing so fast, ang sabi nila ay mas madaling lumaki at matuto ang mga sanggol na lalaki. Nakakadapa na nga si Taddieler ngayon at we are both happy about it.

I told Thaddeo about the lot that I bought near at the apartment where we used to live. Pumayag akong tumira sa bahay niya dito sa Palawan habang sinisimulan ang pag gawa ng bahay duon sa lupang binili ko. The view here is still fine, malapit kami sa dagat at masarap talaga ang hangin. Malayo kami sa maiingay.

I'm busy playing with Taddieler on his crib, libang na libang ako kasi tumatawa ito ng may tinig. Tututukan pa niya ang mukha ko tapos ay tatawa ulit. Ang gwapo gwapo ng anak ko!

"Tati, baby!" rinig kong tawag sa akin ni Thaddeo mula sa labas ng kwarto namin.

"We're here!" sigaw ko pabalik. Ang aga ata niya ngayon galing sa trabaho.

"Inaga ka ata ngayon. It's 5 pm pa, diba 8 pm yung kadalasan mong uwi?" tanong ko pagpasok palang nito sa kwarto habang tinitignan ang orasan.

He untied his necktie, he looks so tired while looking at me. Tinanggal niya rin ang kanyang sapatos at itinabi ang dala niyang suitcase.Lumapit ito sa akin at agad ako nitong niyakap at isiniksik ang mukha sa leeg ko.

"Ayy naglalambing siya." natatawa kong saad at niyakap rin siya.

He still smells good kahit na kaninang umaga pa siya umalis. Isiniksik pa muli nito ang kanyang ulo sa aking leeg, ramdam ko ang paghalik halik niya duon.

Nagwawala na naman ang mga maliliit na bulati sa tiyan ko. He loves doing this gesture to me, nagpapababy daw sabi pa ni Logan.

"I miss you. Miss ko kayo ni Taddieler." malambing na saad nito at mas lalong humigpit ang pagkakayakap sa akin.

"Hmmm."

"Excited na akong magpakasal sayo, palapit na palapit na iyong kasal pero pakiramdam ko ay bumabagal ang oras at araw."—Thaddeo.

"Darating din tayo dyan. Teka, magluluto muna ako para makakain na tayo." ani ko, tinignan ko muna si Taddieler sa crib niya at ganun nalang ang pag ngiti ko ng makitang nakatulog ito doon.

"Let the maids cook. Let's cuddle please." mahinang saad nito. Lumayo na siya sa pag kakayakap sa akin at tsaka humiga sa kama sabay ang pagbuka niya sa kanyang mga braso.

"Give me a hug please." sambit niya.

Lumapit naman ako sakanya at yumakap ng mahigpit. Ang sarap ng boses niya sa tenga ko, he tightened his hug like his owning me. Pag naiisip ko ang mga sakripisyo niya noon, I feel lucky. Kahit na minsan ay wala pang gumawa nun sa akin bukod sa mga magulang ko. Siya lang.

"You must be tired. Kamusta sa office mo?" tanong ko.

"Maraming papeles ang pinirmahan ko kanina. I am tired a while ago but when I see you and Taddieler I lost my tiredness na." nakangiting ani nito.

Sasagot pa sana ako sakanya pero bigla nalang nagring ang doorbell ng bahay. Sumimangot si Thaddeo ng bumangon ako kaya tinawanan ko na lamang siya.

"Panira naman e." rinig kong maktol niya, umiling nalang ako at saka bumaba.

Pagdating ko sa pintuan ay isang nakangiti at magandang babae ang bumungad sa akin. I approached her with smile even if I'm wondering who is she.

"Ano iyon?" tanong ko.

"Is Thaddeo's here?" saad nito. Nangunot naman ang noo ko sa itinuran niya, bakit niya hinahanap si Thaddeo?

"Ahmm... Bakit?" tanong ko dito ngunit nanatili parin ang mahinhin at kalmado kong boses kahit na nakakaramdam ako na hindi mabuting kausapin ang babaeng ito.

Hiding BlessedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon