Chapter 8

1.5K 66 0
                                    

Tatianna Blice Solais

Sapong sapo ko ang noo ko dahil sa pagkurot nito. Umuwi na ang mga Decatoria kasama na doon si Thaddeo at balak ko ng kausapin si Mommy at Daddy.

Tinawagan ko nalang si Declan para bantayin si Taddieler, sumama rin sakanya si Catalione na kanina pa walang imik. Kakausapin ko ang mga magulang ko ng masinsinan para maintindihan nila. Pero hindi pa ako handang ipaalam sa kanila na si Thaddeo ang ama ng anak ko.

"Mommy. Pwede ba tayo mag usap? pabayaan niyo nalang po ang mga huhugasin dyaan, ako na po ang bahala mamaya." ani ko. Tumigil naman ito at umupo sa silya ng mesa.

"Daddy, usap po tayo." tawag ko rin kay Daddy.

Ngayon ay nakaupo na kaming tatlo sa upuan, nasa harap lang ako nila. I deepened my sigh before I speak.

"Balak ko po kasing bumalik na sa Palawan." saad ko. Bahagya pa silang nagulat.

"Iiwan mo na naman kami anak? Pano naman ang pagiging lola at lolo namin kay Blessed." Ani ni Daddy. Natigilan lamang si Mommy at nakatingin lamang sa akin.

" You two can visit Taddieler at house. Pwede naman pong pumunta punta din kami ni Taddieler sa bahay. Pero Mommy, Daddy , I am a mother now. I want to raise Taddieler on my own, gusto ko magpakananay sa anak ko ng walang kaagapay." dahilan ko. It's true, isa rin naman ito sa mga dahilan ko bukod sa lumayo kay Thaddeo.

Nagulat naman ako ng bumuhos ang mga luha ni Mommy, niyakap siya ni Daddy at pinapatahan. I don't know what to do, nangangaligid narin ang mga luha ko sa kadahilanan na pinaiyak ko na naman ang Ina ko.

"Mommy. Sorry, sorry. Don't cry please." mangiyak ngiyak kong ani, tumingin naman siya sa akin.

"You're not our princess anymore, Mossy. You're already a Mother, nakakaiyak dahil nagiging responsable kana sa anak mo, nakakatuwa. Our princess learn to stand on her own." umiiyak na saad niya. Napangiti naman ako at hindi na mapigilan ibuhos ang mga luha.

I'm glad that they understand me.

"Kailan kayo babalik duon?" tanong ni Daddy.

"Mamaya po sana, 4am para po makarating na kami duon ng maaga." sagot ko.

"Ang bilis naman ata, sasama kami sa paghatid sayo para naman makabonding namin ang apo namin ng matagal." ani ni Daddy, I simply nod at them.

"Uuwi na muna kami Mossy. Babalik kami mamayang 4am, okay? " Mommy.

"Okay po. Mag ingat kayo sa daan." Sagot ko, nagpaalam na sila at umalis.

Lumapit muna ako sa sink para hugasan ang pinagkainan namin pagkatapos ay bumalik ako sa kwarto kung saan sina Catalione na nagbabantay sa anak ko.

"Declan, Catalione." tawag ko agad naman silang lumingon sa akin at inayos ang pag- upo sa kama.

"Are you okay?" tanong ni Declan, tumango na lamang ako at tinignan ulit silang dalawa.

"Thankyou for all. Salamat sa mga tulong niyo sa akin, ang laki ng utang na loob ko sa inyo. Kung wala kayong dalawa ay hindi ako magiging ganito." papaiyak kong saad, nilapitan naman ako ni Catalione at niyakap.

"Hush, Tati." pagpapatahan niya.

"Babalik kami mamaya ni Taddieler sa Palawan 4am. Sila Mommy ang maghahatid sa akin, wag na kayong mag abala ha masyado ko na kayong ginambala eh." saad ko. Umiling almang si Catalione habang yapos yapos parin ako.

"We're bestfriends, Tati. Kung kinakailangan mo ang tulong ko, tutulungan kita dahil magkaibigan tayo." umiiyak na ani narin nito.

"Ano ang nangyari kanina sa inyo ni Thaddeo? nakita ko siyang pumasok sa kwarto nung papasok na sana ako e. Naunahan lang ako." tanong ni Declan.

"He already know. Tinutukan niya si Demetrius ng baril para malaman niya ang totoo." sagot ko. Napailing nalang si Catalione na ngayon ay bumitaw na sa akin.

"Duwag talaga yang Demetrius nayan. Pwede naman niyang tutokan din ng baril si Thaddeo, takot ba siya sa pinsan niya? ungas nayun." Catalione.

"He also question me, why Declan caling me Baby Tati." pag aamin ko rin. Bahagya pang nagulat si Declan.

"Anong sinagot mo?" tanong ni Declan.

"I answered him that we're friends then he said 'may friends ba na ganun?'." Ako.

"He said that he can shoot you anytime he wanted too. Tigilan mo na ang pagtawag sa akin ng Baby Tati, baka mamatay ka ng wala sa oras." Saad ko ulit. Umiling iling na lamang si Catalione at bumulong bulong.

"Crazy Decatoria." Catalione.

"Katakot naman ng Decatoria nayan." tila natatakot na ani ni Declan.

"He can't shoot you, magiging murderer siya. And knowing him, he can't stained their family."Catalione said.

"Decatoria is Decatoria, Catalione. Mas safe kung mag ingat nalang tayo." ani ko.

"He looks like obsessed with you, damn it. Plano ko pa sana na pahirapan siya at habulin ka higit pa sa taon na paghahabol mo sakanya para naman worth it." naiinis na ani ni Catalione, napailing na lamang ako sakanya.

Wala akong plano na magpahabol kay Thaddeo, wala rin akong plano na hahayaan ko siyang pumasok ulit sa buhay namin.

"Ang tanong, Tatianna. Nakalabas na ba siya sa buhay mo? hindi mo na ba siya mahal? hindi na ba siya parte sayo?" hindi ako nakasagot kay Catalione dahil pati sa sarili ko wala akong mahanap na sagot.

"It doesn't matter right now. Iba na ngayon na may anak na ako." sagot ko pero hindi na ito sumagot sa halip ay umiling lamang sa akin.

Tumingin ako sa wall clock at nakita na malapit na mag 12 am. Lumapit ako sa kama at bahagyang humiga doon. Tumayo si Catalione.

"Declan will be staying here with you tonight. I'm okay at our Condo, mas mabuti kung may kasama ka dito ngayon." paalam ni Catalione, hindi pa sana ako papayag pero hinubad na ni Declan ang sapatos niya at humiga na sa kabilang banda. Napagitnaan na namin si Taddieler ngayon.

Lumabas na si Catalione at sumunod naman ako para ilock ang pintuan. Bumalik na ako sa kama at humiga na doon.

" Baby Tati, magpakatatag ka. Nandito lang kami ni Catalione, si Taddelier para suportahan ka. Don't lose hope kahit na alam na ni Thaddeo na anak niya si Taddieler, you're still the mother. Don't think too much." ani ni Declan na ngayon ay nakapikit na.

" I will, Declan. I will, para sa anak ko."

-

Hiding BlessedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon