Chapter 5

1.5K 69 0
                                    

Tatianna Blice Solais

"Dinala mo ba lahat ng gamit ni Taddieler?" tanong sa akin ni Catalione habang nagliligpit rin ng mga gamit na dadalhin namin.

Ngayon ang balak naming umuwi sa Makati at manatili muna duon hanggang sa maayos na ang lahat sa amin ng mga magulang ko. Sa totoo lang ay kinakabahan at natatakot parin ako sa mangyayari, hindi ko alam kung saan ang hahantungan ko.

"Hindi ko dinala lahat ng gamit ni Blessed. Plano kong manirahan dito sa Palawan pag naayos ko na ang problema ko sa mga magulang ko." sagot ko pa.

Palawan has a lot of views, masarap din ang hangin na nalalanghap ko dahil malapit sa mga puno at halaman ang apartment na ito. I bought a lot here near the sea when Taddieler is 3 months on my tummy. Ginamit ko ang perang itinabi ko sa bangko para makabayad at maiayos lahat ng papeles ng lupa, tsaka ko naman pinambili ng mga gamit ni Taddieler ang natitira.

"Sila Declan at Demetrius na ang bahalang maglagay ng mga gamit niyo sa sasakyan." saad pa ni Amirah na nasa tabi lang ni Demetrius.

Simula ng maisilang ko ang anak ko ay halos araw araw ring sumusulpot ang dalawang 'to. Si Demetrius na parang gustong gusto ng magkaanak kay Amirah kaya niya ito kinukulit, I don't know what's going on between them. Ang alam ko lang ay nagkaayos na sila. Saksi ako kung pano magbago ang mga galaw at pakikitungo ni Demetrius sa pinsan ko, he's being pababy to her.

Pagkatapos maayos ang lahat ay agad kaming bumyahe, it takes 2 hours. Nakatulog na ngayon si Taddieler sa mga bisig ko, seeing his face makes me feel ready. Na dapat ay harapin ko ang mga pagsubok na ito para sakanya.

Hindi ako natulog buong byahe at binabantayan lamang si Taddieler na baka umiyak. Si Declan lamang na nag d-drive at ako ang tanging gising sa byahe. Nakatulog na sa harapan si Catalione habang ang dalawang si Amirah at Demetrius ay nakatulugan rin ang isa't isa.

"Be ready, consequences might waiting for you. We should be more careful at baka mabugbog ako ni Thaddeo pag nalaman niyang may alam ako tungkol sayo." sambit pa ni Declan.

"Bakit niya ba ako hinahanap?" tanong ko pero nag kibit balikat lamang ito.

"Malapit na tayo." pag aanunsyo niya at ginising ang kambal sakaniyang tabi.

Tumingin si Catalione sa akin. "Nangangalay ka na ba?"

Bahagya akong umiling."Okay lang. Malapit naman na tayo." saad ko, tumango nalamang siya.

Agad bumaling ang paningin niya sa dalawa na nasa tabi ko na mahimbing parin na natutulog sa tabi ko. "Mga gago, gumising nga kayo. Kahit sa pagtulog ang lalandi niyo parin." panggigising niya dito. Natawa naman ako sakanyang sinabi.

Wala talagang pinapalampas ang babaeng to!

Nagising naman ang dalawa sa tabi ko, agad akong tinignan ni Amirah. " Give Taddieler to me. I know na you nangangalay na." saad pa nito. Ibinigay ko naman sakanya si Taddieler at bahagyang inunat ang mga braso at kamay ko.

"Buti naisip mo pa na nangangalay na si Tati at bitbitin ang pamangkin mo. Akala ko kasi puro landian lang." Ani pa ni Catalione.

Amirah rolled her eyes at her. "What if i-pull ko yang hair mo." banta pa nito.

"Baby, just don't mind her. Mawawala ang pagsusungit niyan pag nadiligan na, malapit naman na tayo." sambit pa ni Demetrius sa tabi niya. Malakas na napatawa si Declan na sinita naman agad ni Catalione, baka daw magising si Taddieler.

"You two shut up. Ang lalandi niyo na nga, ang babadoy pa ng endearment niyo.Psh!" sagot pa ni Catalione.

Natigil lamang sila sa pag aasaran ng inanunsyo na ni Declan na nakarating na kami ng Condo. Bumaba naman si Catalione mula sa sasakyan at lumapit sa pintuan kung saan ako naka upo banda.

"Mauna na tayo sa itaas." saad pa ni Catalione ng mabuksan niya ang pintuan ng kotse banda sa akin.

Bumaba naman ako at kinuha si Taddieler kay Amirah para sumama kay Catalione. When we about to enter, the guard greet us.

"Maam, nandito po pala si Sir Thaddeo kasama ang dalawa niyang kapatid at hinahanap si Sir Declan. Siguradong papalabas na iyon ngayon dahil nandito naman na kayo ni Sir Declan." saad pa nito.

Bahagyang nanlaki ang mata at tinignan ang entrance ng Condo. Gulat na gulat ng makita ko si Thaddeo kasama ang mga kapatid niya na nag uusap habang nasa malayo na espasyo papalabas dito.

"S-si Thaddeo, Catalione. Damn it!." Natataranta kong ani.

Nataranta rin si Catalione at parang hindi malaman ang gagawin. "Kuya, don't tell them na we're here na. Just don't tell them!" mabilis na ani ni Catalione, hinila niya ako pabalik at papasok sa sasakyan.

"Ibalik niyo ang mga gamit, bilisan niyo. Nandito sina Thaddeo." natataranta pang ani nito.

Dalidali nilang ipinasok muli sa sasakyan ang mga kakaunting gamit na ibinaba nila kanina at tsaka mabilis na pumanhik papasok. Mabilis namang lumiko si Declan sa kalapit na kanto at duon ipinark at itinago ang sasakyan.

"What the heck, hindi dapat ako makita ni Thaddeo." sambit pa ni Demetrius.

Napayuko na lamang ako. Gulat, takot , at kinakabahan parin ako. After a year, ngayon ko lang ulit nakita si Thaddeo. Mas lalo itong gumwapo to the point that I can't describe him kasi naginginig parin ako dahil sa halo halong nararamdaman.

Paano kung naabutan niya kami kanina? Pano pag nalaman niyang may anak siya sa akin?
Pano kung kukunin niya sa akin si Taddelier pag nalaman niya?

I lost everything and I don't want to be away of Taddieler. Ako naman siguro ang mas may karapatan sa anak ko dahil ako ang nagdala sakanya ng siyam na buwan at nag alaga sakanya mula sa kanyang paglabas. Ako rin ang nagmahal sakanya mula noong nasa tiyan ko palang siya.

Mahina akong napaiyak habang nakatingin kay Taddelier at nag iisip parin ng kung ano ano. Napagdesisyonan ni Declan na sa katabing unit nila ako patitirahin total ay hindi pa naman daw iyon okupado. Pumayag naman silang lahat sa suhestyon nito.

Ng masigurado naming nakaalis na sina Thaddeo ay agad kaming bumalik sa harap ng Condominium at pumasok. Pagkatapos mailagay ang mga gamit sa loob ng kanilang Condo ay agad ring kina usap ni Declan ang may ari ng building na ito. Pinakuha sakanya ang susi at pass sa guard para mapasukan na ito.

Pina breast feed ko pa si Taddlier ng bigla itong umiyak marahil ay nagugutom. A smile escaped from my lips, looking at him makes my mood lighten. Para bang napapawi lahat ng problema ko pag tinitignan ko lang siya.

Blessed Taddieler is a blessing for me. Kahit na magkaroon ako ng mga challenges at kung sakali na maghirap ako para sakanya, hinding hindi ko hahayaang makuha siya sa akin ng kanyang Ama.

-

Blessed Taddieler Decatoria ( bles-sed tad-di-ler)

Hiding BlessedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon