Chapter 20

922 46 0
                                    

Tatianna Blice Solais

"Lahat naba ay nadala mo?" tanong ko.

I'm helping Thaddeo to fix his things and his self before going to work. Tumango na lamang ito sa akin atsaka kinuha ang suitcase niya. "Umuwi ka mamaya ng maaga ah, may family dinner pa." paalala ko.

"Yes, baby. I love you." nakangiting ani nito tsaka mabilisang hinalikan ang labi ko. I feel butterflies in my tummy but I keep the posture of my self. Kinikilig parin eh.

"I love you too. Mag ingat ka ah." paalala ko ulit. Tumango ito ulit sa akin bago inayos ang necktie niya.

"Mali naman yang pagkakayos ng necktie mo eh. Halika nga." tawag ko dito, lumapit ito sa akin at humarap habang ibinaba ulit ang suitcase niyang dala. Inayos ko naman ito ng madalian.

"Bango naman. Hindi ka pa naliligo diba? bakit ang bango mo parin." ani nito at bahagyang kinurot ang pisngi ko.

I only chuckled at him, he closer his face to me and pump me with his kisses all over my face. Pabalik balik niya ring hinahalikan ang mga labi ko. Unlimited talaga ang kilig ko sa lalaking to.

"Sige na, Thaddeo. Kiss mo na si Taddieler baka malate ka pa." ani ko.

"Pwede naman kasing hindi na ako pumasok eh. I am the owner." pagdadahilan pa nito.

"It's so unfair to all of your employees. Ikaw ang CEO and you should be the one who's working hard for the Company." saad ko, he only sighed at me and shrugged his shoulders.

"I want to cuddle with you and Taddieler." napailing lang ako sakanya at tinawanan siya.

"Kalandian mo talaga Thaddeo. Lapitan mo na si Taddieler, bid a goodbye kiss for him." ako.

Lumapit naman ito kay Taddieler at hinalikan ang buong mukha nito. "Daddy will gone for work, Taddie boy. Wag mong pahirapan si Mommy, I will comeback later okay. Be a good boy baby." sambit nito at hinalikan muli si Taddieler.

"Malalate ka na." pagpapaalala ko. Binitbit na nito ang kanyang coat at isinuot tsaka niya kinuha ang suitcase niya. "Wag kang masyadong lumapit kay Gunner pag pupunta siya dito ngayon ah."

"Pupunta siya?" tanong ko. He only arched his eyebrows at me kaya napaayos ako ng tayo.

"Kung pupunta siya." he answered. "Behave Tatianna, okay? Kiss me baby." bahagya akong lumapit sakanya at pinatakan ng halik ang labi niya.

Inihatid ko lang siya hanggang sa pintuan ng kwarto, nagpaalam ito ulit at lumakad na. Hinintay kong makababa siya ng hagdan at mawala sa paningin ko bago ako bumaling sa bintana ng kwarto para makita ang papaalis niyang sasakyan.

I walked to Taddieler, he's smiling showing his gums that makes me pinch his cheeks softly. Ang cute at gwapo talaga ng anak ko. Kinuha ko siya mula sa kanyang crib. After our wedding is Taddieler 3rd Months. He's growing so fast, malapit na itong makagapang.

"Ang baby ni Mommy, you will see your lovely and handsomes grandparents later baby. Are you excited?" tanong ko dito at nakangiting nakatingin sakanya. Sinagot lamang ako nito ng mahinang tawa niya na ikinahagikik ko.

I examined the room, makalat. Ibinaba ko si Taddieler sa kama at i-on ang speaker na maliit at pinatugtog ang mga lullabys. I decided to clean the room, marami kasing nakalat na mga gamit dahil sa paghahanda ko kay Thaddeo para makapasok.

I started to pick things at the floor and arranged it to the desk near the body mirror. Napansin ko ang dalawang nakatuping puting tela sa gilid ng desk. I pick it and only to see Thaddeo's shirts. Nakalimutan niyang dalhin.

Napatayo ako at lumabas ng kwarto tsaka ko tinawag si Manang Fe habang bitbit parin ang mga damit.

"Bakit Tati?" tanong nito pagkalapit niya sa kwarto.

"Ihahatid ko lang po sana itong tshirt ni Thaddeo sa office niya Manang. Pwede po bang pakibantay kay Taddieler? Baka po umiyak mamaya naihanda ko na po iyong gatas niya tsaka napadede ko na po siya kanina." ani ko, tumango lamang ito sa akin.

"Maghahanda na po ako Manang ha. Tsaka po magdadala po ako ng kakainin niya for lunch duon, may natira pa po ba sa niluto niyo kanina?"

"Oo iha, tignan mo nalang duon sa mesa at ipainit mo." sagot nito, tumango ako sakanya tsaka ko siya pinapasok sa loob.

Naligo muna ako at pagkatapos ay nilagay sa microwave ang ulam na niluto kanina ni Manang. I only wear a lavender dress and a 1 inch heels. Hindi na ako naglagay ng kolorete sa mukha dahil hindi naman talaga ako naglalagay.

Inilagay ko sa paper bag ang damit niya at tsaka sa isang paperbag ang lunch niya. "Manang, aalis na po ako ah." pagpapalam ko. "Mag ingat ka." ngumiti na lamang ako sakanya tsaka ako lumabas ng kwarto.

I looked at the clock and it's 9 am. For sure ay nakarating na si Thaddeo sa office niya. Kinuha ko nag susi ng kotse sa lalagyan ng mga susi at saka lumabas para kuhanin ang kotseng binigay pa nina Mommy at Daddy sa akin last 2 months. I don't know why they bought me a car, basta ang sabi lang ni Mommy ay binilhan nila ako nito noong nawala na ako sa bahay.

I started the machine and get ready to drive. Pagkarating ko sa kompanya ay halos mabitay ang bibig ko dahil sa sobrang pagkamangha. Sobrang laking gusali ang nakikita ko. Lumapit ako sa entrance at papasok na sana pero hinarangan ako ng guard.

"Sino po ang hanap niyo?" tanong ng isang guard na malagkit kung makatingin sa akin, napangiwi naman ako at bahagyang umatras.

"I am looking for Thaddeo. I am his fiance." sagot ko.

"Fiance ka? Pano ka namang magiging fiance ni boss eh nandito nga iyong girlfriend niya. Nagpapatawa ka ba miss?" sagot pa ng isang guard. Napakunot ang noo ko sa narinig.

"Who?" tanong ko.

"Si Maam Kendall. Ayun nga siya oh." sagot nito. Itinuro niya ang isang babae na nakatayo malapit sa entrance. Hindi ko mapigilan ang sarili kong lumapit sakanya, narinig ko pang tinatawag ako ng mga guards.

"Anong ginagawa mo dito?" Bungad ko, kita ko pa ang pagkagulat niya ng makita ako sa harapan niya.

"Oh the fiance is here huh. What are you wearing, so simple naman. Para ka paring nakapambahay." patawa tawa nitong ani at saka ako nilagpasan at lumapit sa elevator.

Napailing na lamang ako at lumapit sa isang employee na nasa gilid ko.

"Hello, alam mo ba kung anong floor ang office ng boss niyo?" tanong ko dito.

"Sa 15th floor po maam." she answered politely. Nagpasalamat ako sakanya at lumapit na sa isang elevator tsaka pinindot ang 15th floor.

Pagkalapag ng elevator sa 15th floor ay agad akong lumabas. Namangha pa ako sa mga pasilyo dahil sa mga kulay nitong elegante. It's color beige walls, the floor is in white tiles at halatang mamahalin dahil kumikintab.

Inilibot ko ang paningin ko hanggang sa makita ko ang isang pintuang iba ang kulay sa ibang pintuan.

"CEO OFFICE-MR. THADDEO SERGE DECATORIA." pagbabasa ko pa dito.

Hindi na ako kumatok pa at pumasok na lang sa loob, nakangiti pa ako sa pagpihit ng doorknob habang mahigpit na binibitbit ang dala kong dalawang paper bag.

But to my surprise. Nawala ang ngiti ko at napalitan ng sakit na may halong galit. Damn, parang mababaliw ako. I only see Kendall sitting in Thaddeo's lap while they're kissing torridly.

Nabitawan ko ang dala kong paperbag na nakapagpagawa ng ingay dahil sa pagkakahulog. Naagaw nito ang atensyon ng dalawa, napatingin sila sa akin. Si Kendall na malaki ang ngisi kabang nakaupo parin kay Thaddeo at si Thaddeo na gulat na gulat.

"Tatianna." sambit nito pero tumakbo na ako papaalis duon.

Damn it, he never failed to make me hurt.

-

Hiding BlessedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon