Chapter 19

848 43 0
                                    

Tatianna Blice Solais

"Manang ako po ang magluluto ngayon, pwede po ba?"

I'm in the kitchen with Manang. Manang Fe, she says her name to me earlier. Thaddeo is in our room, binabantayan si Taddieler.

"Oo naman Tati. Sige ikaw na ang bahala dyaan hah." saad nito sa akin.

"Opo Manang, tatawagin nalang po kita mamaya. Sabay na po kayo ni Manong Bert at Ate Lita sa amin na kumain." ako.

"Nako! Nakakahiya naman, wag na Tati. Kakain kami mamaya pagkatapos nin—" I cut her.

"No po Manang. The more the merrier nga po diba ika nila. Kaya no buts na po, sumabay na po kayo sa amin." ani ko at tinalikuran na siya.

"Oh sige na nga. Ikaw na bahala dyaan ha." rinig kong ani nito kaya tumango na lamang ako habang nakatalikod tsaka ko narinig ang mga yapak niya palabas ng kusina.

Inihanda ko ang mga ingredients na gagamitin ko sa pagluluto. I decided to cook 'Adobong Manok' because Mama Thyst said that Adobong Manok is Thaddeo's favorite.

Isa-isa kong hiniwa ang mga pang gisa at inihanda ang manok para magsimula ng magluto. Napapitlag naman ako ng may biglang pumulupot na mga kamay sa bewang ko.

"Bagay ka talagang maging asawa ko." malambing na ani nito.

"Wag mo akong binobola Thaddeo ha! Bakit ka bumaba? Walang mag babantay kay Taddieler duon." ani ko at ngayon ay nakatingin na sakanya.

"Si Manang ang nagbabantay, she said we need a quality time at siya na daw ang bahala kay Taddieler." nagbuntong hininga na lamang ako tsaka tumango.

"Bitaw na, magsisimula na ako. Just sit there." ako. Itinuro ko ang upuan malapit sa mesa at agad rin naman siyang sumunod sa sinabi ko.

Tumalikod na ako at nagsimulang magluto. Hininaan ko muna ang apoy ng stove tsaka ko ito nilagyan ng mantika para sa pag gisa.

"You learned now how to cook?" rinig kong tanong nito.

"Hmmm."

"I thought you can't." he said, napatingin ako sakanya at umiling tsaka ibinalik ang paningin sa niluluto. Sa pagkakataong ito ay inilagay ko na ang Manok sa ginisa kong sibuyas at garlic.

"How did you know?" tanong ko.

"I used to be your stalker." balewala nitong sagot. Napatingin ako sakanya, gulat dahil sa nalaman. "What? Why surprised? Ganun naman talaga diba pag may nagugustuhan ka ay nagiging stalker ka?" ani nito at bahagya pang natawa. Iniwakli ko nalang ang paningin ko sakanya at pinagtuunan ng pansin ang niluluto.

"I learned how to cook when Taddieler is on my tummy. I learned all about the house choirs." mahina kong ani.

"I'm sorry if I am not on your side that time." rinig kong saad nito. Nabatid ko ang panghihinayang sa boses niya kaya tinignan ko siya tsaka ako ngumiti at nag thumbs-up.

"Hmmm. I know that smell. Is that Adobo?" he said in chorus and come closer to me. Nasa likuran ko na muli siya ngayon habang suminghot singhot.

"Adobo's smells good with your scent on my nose. Napaka unfair talaga ng buhay kung bakit hindi niya rin ako binigyan ng Vanilla scent." nakahalukipkip na ito ngayon sa gilid ko kaya napatawa ako.

"Bakla kaba?" natatawa kong ani, umiling iling ito sa akin.

"I am not, nabuntis nga kita diba?" sagot pa nito.

"Even a Gay can make babies. You can tell it to me if you really are gay. Look at Jacques, may babies na nga siya kahit bakla siya diba? But he's getting Manlier with his Eowyn." ani ko.

"Honestly. I am not a gay baby, okay?" hindi ko mapigilang matawa sa itsura niya kaya pinabayaan ko na lamang siya.

"You smells good rin naman ah. You smells like baby—." I cut my words.

"Baby?" naguguluhang tanong nito.

"Baby ko yieee." pangbabanat ko pa atsaka nag gesture ng oppa hand. Napaawang ang mga labi nito at kita ko ang pamumula ng mga tenga niya.

Ganun ba siya kiligin? Namumula ang mga tenga.

"Tati naman eh, wag naman magbanat ng ganun. Don't give me butterflies please, nakakahiya." parang bata nitong ani kaya mas lalo akong natawa.

"Pababy yan." pang aasar ko pa, lumapit ito sa akin at pinugpugan ang buong mukha ko ng halik niya.

Tumigil rin naman ito at ipwinesto na lamang ang sarili sa likuran ko habang yakap yakap ang bewang ko kaya hinayaan ko na lamang ito. Malapit naman na akong matapos pinapakuluan ko na lamang iyon at pagkatapos nun ay pwede na kaming kumain.

"Bitaw nga Thaddeo, hugasin mo iyong mga huhugasin duon." utos ko saknaya, bumitaw ito sa akin at humarap.

"I don't know how to wash dishes." ani pa nito.

"Then you should learn. Come on, gusto mo bang ako ang maghugas ng mga yan kahit na galing ako sa pagluluto?" umiling iling ito at saka lumapit sa sink para magsimula ng maghugas.

"Fuck, how it works?" rinig kong bulong niya habang pinpiga piga ang sponge sa kamay niya.

"Sponge yan. Magsimula ka na nga." utos ko pa ulit kaya wala na itong nagawa kundi magsimula. Maya maya pa ay tumayo ako para ihain ang niluto kong Adobo. Tinignan ko naman ang ginawa niya at maayos iyon.

Dumiretso na lamang ako sa mga lalagyan ng pinggan at mga kutsara at inihanda ang mesa para makakain na.

"Tangina, is this real?" sabay kaming napatingin sa pintuan ng kusina.

Gunner is standing there while staring at Thaddeo. Tila hindi ito makapaniwala sa nakikita niya.

"You hold the dish Kuya? Miracle naman." natatawa nitong saad kaya napasimangot si Thaddeo.

"Ginagawa mo dito?" masungit na tanong ni Thaddeo at ibinalik ang atensyon sa paghuhigas.

"To visit Tati." tumingin pa ito saglit sa akin at kumindat. Rinig ko ang pagkalabog ng isang pinggan, mukhang naihulog ni Thaddeo. Dali dali itong lumapit sa akin at itinago ako sa likod niya.

"Get out." seryoso nitong ani.

"I'm just kidding kuya. I have my Caramel okay." natatawa nitong ani. "Hindi ka nakakatawa." ani pa ni Thaddeo at parang nakahinga ng maluwag, ganun rin naman ako.

"I just came here, wala si Caramel sa bahay. Nagbabakasali lang na baka andito siya sa Palawan kaya dumaan na lang din ako dito. Kanina pa ako dito at nakakahiya ngang istorbohin ang harutan niyong dalawa kanina kaya dumiretso na lang ako sa pamangkin ko sa itaas." sunod sunod nitong ani. Nahiya naman ako sakanya.

"I'll just bid my goodbye. I will comeback here soon, but I need to find Caramel." ani nito at tumingin tingin sa relo niya. Napahakbang naman ako papalapit pero nahila ni Thaddeo ang braso ko, napatingin ako sakanya pero tinaasan na lamang ako nito ng kilay.

"Yayayain ko lang siyang kumain." sabi ko.

"Thankyou na lang Tati, but I need to find Caramel." napatingin ako kay Gunner kaya napatango na lamang ako. Nagpaalam na ito paalis, inihatid pa namin siya ni Thaddeo palabas ng bahay.

"Bumalik ka nalang ulit dito pag ikinasal na kayo ni Caramel para siguradong hindi mo na papakayin ang asawa ko." ani pa ni Thaddeo. Kinurot ko na lamang ang tagiliran niya pero sinamaan lang ako nito ng tingin.

"Oo na Kuya. Bye na, bye Tati!" sambit nito, itinaas ko na lamang ang isang kamay ko at iwinagayway.

"Kung makasmile ka parang wala ang original sa tabi mo ah." malditong ani ni Thaddeo ng makaalis na ang sasakyan ni Gunner.

Napangiwi na lamang ako ng mauna itong pumasok sa bahay at iniwan ako duon sa may pintuan.

Hiding BlessedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon