Chapter 15

1K 53 7
                                    

Tatianna Blice Solais

Nervous. That's what I feel sitting in the long couch while facing Thaddeo's mother. Seryoso parin itong nakatingin sa akin habang nakahalukipkip.

Busy parin ang mga magpipinsan sa kanilang ginagawa. Habang sina Catalione ay inaayos parin ang mesa para makakain na.

I'm trying to open a topic but I find myself being dumbfounded and can't collect words. Ganun nalang ang pagkataranta ng kalamnan ko ng bigla itong tumikhim.

"Tatianna Blice Solais right?" seryosong ani nito.

"Y-yes po." mautal utal ngunit magalang kong saad at yumuko pa ng bahagya.

"Are you the daughter of Elise and Rougher?" tanong nito.

"Yes po Mrs. Decatoria." ako.

Ganun nalamang ang pagkagulat ko ng excited itong lumapit at tumabi sa akin habang malaki ang ngiti.

"Ohmygod! I like your style. Anong gamit mong shampoo at conditioner ang kintab ng buhok mo. I want my hair long like that."  Tili nito habang hinahawakan ang buhok ko.

Hindi ako makaimik at gulat na gulat sa reaksyon niya. Gusto niya ba ako?

"Call me Mommy Thyst." nakangiti nitong saad sa akin.

"M-mommy T-thyst." mautal utal kong sambit sakanya, bahagya itong napangiti sa akin.

"Hulaan ko. You are nervous a while ago!  haha sorry iha I'm trying to tease you. Kilala na kita noon pa."  matawa tawa niyang saad.

Hindi pa rin ako makapaniwala sa naging reaksyon niya at nanatali parin nakatitig sakanya. She's beautiful and elegant.

"Talaga po? saan?" tanong ko sakanya.

"I'm your Tita Amethyst, hindi mo ba naalala. Tita Thyst, ako yung kaibigan ng Mommy mo na pumunta sa 8th birthday party mo. Binigyan pa nga kita ng doll house nun tapos umiyak ka dahil nasipa ni Thaddeo yun dahil sa kakatakbo niya." paliwanag nito.

Bigla biglang nagflash sa isipan ko ang senaryong iyon. Ibig sabihin ba ay si Thaddeo iyong nakaaway ko nuon dahil nasira niya ang laruan na irenigalo sa akin?

"Hala opo Tita Thyst. Naalala ko na po, binigyan niyo nga po ako ng hairpin nuon para matigil na ako sa pagkakaiyak. Nandun pa nga po sa bahay ang hairpin na binigay niyo." nakangiti kong saad, bahagya itong tumawa at niyakap ako.

"Buti ikaw ang makakatuluyan ni Thaddeo. Alam mo ba may babaeng umaaligid dyan sa asawa mo kaya magmatyag ka, baka tuklawin iyang anak ko kaagad." ani nito.

Nagmumukha tuloy kaming chismosa dahil halos magkalapit lang kami pero ang lakas ng boses.— may umaaligid kay Thaddeo?

Nakatingin lamang ako sakanya at naguguluhan." S-sino po?" tanong ko.

"Iyong si Kendall, admirer niya simula noong elementary. Hindi ko alam kung bakit nabuhay iyon last year dahil bigla bigla nalang siyang lumitaw sa harapan naming lahat. She looks like a psycho." ani nito sa matabang na mukha.

"Patay na po siya tapos nabuhay ulit?" naguguluhan kong tanong, malakas itong napatawa sa aking itinuran habang nakakunot lamang ang noo ko.

"No, no. I mean, bigla nalang ulit siyang nagpakita at hinabol muli si Thaddeo." tatawa tawa parin ito sa akin habang ako ay namumula ang mukha dahil sa hiya.

I'm acting like a naive infront of her at nakakahiya iyon. Hindi naman kasi sa inosente ako at walang alam sa pinagsasabi niya. Naguluhan lang talaga ako dahil sa ginamit niyang term.

"I really liked you for my son, Tati. Tignan mo nga, naunahan niyo pa ang panganay ko." ani pa ulit nito. Bahagya pa akong natawa at naisip na—

Ang aga kong kumembot talaga.

"We're finish, lets eat na daw. Tita and kayo mga other boys, come na kayo sa kitchen we're going to eat na." pag aanunsyo ni Amirah nang lumabas ito mula sa kusina.

"Ang conyo mo!" rinig kong sigaw ni Catalione mula sa loob ng kusina. Napatawa na lamang si Tita sa gilid ko.

Inaya ako nitong tumayo na agad ko namang sinunod. Nagpaalam muna ako saglit sa kanila para sundan sina Thaddeo at Taddieler sa kwarto.

"Tito kain na daw po." sambit ko sa ama nila Thaddeo na naka upo sa kama habang pinaglalaruan ang natutulog kong anak.

He stood up and nod at me before he left the room. Tumingin ako kay Thaddeo na nasa tabi ni Taddieler at nakahiga. Ibinuka nito ang dalawa niyang braso habang nakatingin sa akin.

"Come here." ani nito.

Napangiti naman ako at agad sinunod ang sinabi niya.—The moment I hug him, I feel safe and comfortable. Lalo niyang hinigpitan ang yakap niya sa akin na ikinatalon ng puso ko. Ramdam ko ang pagsinghot singhot niya sa buhok at tila inaamoy iyon.

"I heard the laugh of Mommy outside earlier. I know she will like you." ani nito habang nakayakap sa akin. Ngumiti ako kahit hindi niya nakikita. Parang may lumilipad na mga maliliit sa tiyan ko and it feels like cloud 9. I'm hanging in clouds.

"Ikaw pala yung inaaway ko nuon sa 8th birthday party ko dahil sinira mo iyong binigay na laruan sa akin ni Tita Amethyst." nakangiti kong ani habang inaalala iyon.

"Hmmm... I remember how you kick my balls that night." natatawa nitong ani. Napatakip naman ako sa mukha ng maalala iyon. I kick his down because of madness. Buti nalang ay hindi nagalit sina Tita nun sa akin.

"How's the talk?" malambing na tanong nito sa akin. Napapikit ako dahil sa pagkakayakap niya. Pakiramdam ko ay kampante ako.

"I am nervous at first because Tita was so serious but it suddenly vanished when she cheerfully approached me. Pinuna niya pa nga ang buhok ko e." natatawa kong ani.

"I tell you. Your hair gets attention." malambing nitong sabi. Ramdam ko ang paghigpit lalo ng yakap niya, hindi ko maitago ang ngiti ko kaya ibinaon ko na lamang sa balikat niya ang mukha ko. Kinikilig ako e!

"You smell like vanilla." ani nito at sininghot singhot pa ako, nakiliti pa ako ng dumampi ang ilong niya sa leeg ko.

Iniharap niya ako sakanya atsaka ako tinignan ng maigi habang nakangiti ng matamis.

"Ang ganda ng mapapangasawa ko." nakangiti nitong saad at pinatakan ng munti munting halik ang buong mukha ko.

Tangina, heaven talaga!

Natigil lamang kami ng biglang bumukas ang pintuan ng malakas kaya natataranta akong napatayo at halos madarag na. "Careful!" sita ni Thaddeo at hinawakan ang bewang ko.

"Kakain na mga mahaharot!" matabang na ani ni Logan bago ito lumiban sa kwarto at hinayaang nakabukas ang pintuan.

Sapong sapo ko ang mukha ko dahil sa kahihiyan. Humarap muna ako kay Thaddeo bago tumingin kay Taddieler.

"Mauna ka munang kumain baka umiyak si Taddieler at maghahanap ng dede ko." saad ko at inayos ang sarili bago lumapit kay Thaddeo para palitan siya sa pwesto niya.

"Ako rin nagugutom na, padede." nang aasar nitong saad sa akin.

Ramdam ko ang pamumula ng mukha ko dahil sa itinuran niya. Hindi ko naman mapigilang sapakin siya sa mukha kaya napaaray ito sa sakit. Nataranta ako dahil sa ginawa ko.

"Uy, uy. Sorry na ikaw kasi eh." natataranta kong saad habang kinukuha ang kamay niya na nakatakip sa mukha niya.

Kita ko ang pamumula ng mukha nito ng matanggal ko na ang nakatakip na kamay sa mukha niya, nakonsensya naman ako sa ginawa ko kaya bahagya kong hinaplos ang namumula nitong mukha.

"Is it hurt? Saan ang masakit." nag aalala kong tanong habang nakatingin sa namumula niyang mukha.

"Dito—." itinuro niya ang labi niya at bahagya pang ngumuso. "Ikiss mo."

Napalayo nalang ako sakanya at pinagtaasan siya ng kilay.

"Lumabas ka na nga, walang hiya!" simangot kong saad.

Tumayo naman ito at tinawanan ako ng malakas at nakakaasar. Ninakawan pa ako nito ng halik bago lumabas at sumipol.

Napailing na lamang ako at pinipigilang ngumiti habang papalapit sa tabi ni Taddieler. Kinikilig talaga ako!

Hiding BlessedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon