GELO'S POV
Hindi ako makatulog ng gabing iyon. Naiisip at naiisip ko ang eksena kanina. Parang nananadya ang isip ko na nirereplay.
What the hell am I thinking that moment?
Basta ang alam ko kanina, biglang gusto ko siyang halikan.
Ano ba itong nangyayari sa akin?
Hindi kaya ako ang apektado sa aming dalawa? How can i resist her charms? Yung tipong hindi naman niya intensyon pero kusa kang maaakit sa kanya.
Nang biglang magring ang cellphone ko.
Si Thea. Ang girlfriend ko.
"Hello hon.How are you?" bati ko sa kanya.
"I miss you. So how's everything?" tanong nito.
"Well, everything's going according to plan. Hindi naman sila nagduda. Shine is a great actress though.:
"Hmm.. baka mamaya hindi na actingan yan ha?"
Mahina akong natawa.
"What were you thinking Hon? Ofcourse we were just acting, for crying out loud."
"Good to know that everything's clear. Ayoko lang na baka mamaya, iba na pala. Because I swear, you don't want to see me upset." pagbabanta nito.
Ofcourse I don't want to. She's a freak! Ilang babaena ang inaway nito dahil sa pagkaselosa nito. Even Marge. Nung hindi pa niya alam na kapatid ko ito.
But I don't know.. I love her.
"So, i need to go now. I love you." sabi nito.
"I love you too."
Kung tutuusin may balak na kaming magpakasal. Pero etong si Abuela biglang nagkaron ng desisyon na dapat si Shine ang dapat kong pakasalan
I talked about this to her. At first ayaw niya.But napapayag ko naman. Sabihin ko ba naman na hindi ako papamanahan kung hindi ko susundin si abuela.
SHINE'S POV
Hindi ako makatulog. Is he really going to kiss me? Paano kung hindi dumating si Marge? Matutuloy ba ang halik na yun?
Sayang! Istorbo talaga 'to si Marge.
Teka..Ano ba ang pinag-iisip ko?
Rules.Rules. Rules.
Ako pa nga mismo ang nagsulat nun.
NO KISSING.
Haays!
Bakit ba nagugulo na naman niya ang isip ko?
"Eto ang tandaan mo Shine, nagpapanggap lang kayo. Hindi totoong kayo. It's all just an act." sabi ko sa sarili ko. "Wag kang assumera!"
Pinagalitan ko ang sarili. Hindi dapat ako nakakaramdam ng ganito. Ayoko na masaktan ulit ako gaya ng dati. Ayoko ng natutuliro ako.
Madaming taon ang dumaan at kahit sabihin na puppy love lang yun, nahirapan kaya ako magmove-on!
He's my first love.
And I don't know pero hindi ako nagboboyfriend.
I rejected all of my suitors.
Sa totoo lang hindi ko din maintindihan ang sariliko bakit sa tagal ng panahon na yun, ni isa wala akong binigyan ng pagkakataon.
Mga gwapo,mabait at mayaman naman sila. Pero wala talaga. Is it because I'm still waiting for him?
Waaaaa! Tigilan mo yang halusinasyon mo Shine! Stop! Stop! Stop!
Nasa praning moment ako ng biglang magring ang cellphone ko.
Nanlaki ang mata ko ng makita ko kung sino ang tumatawag.
"Gelo calling..."
Oh my! Bakit siya tumatawag? Sasabihin kaya niya kung ano ang dahilan kung bakit muntik niya na akong halikan?
Relax! Wag ka nga sabing ilusyunada. Tumatawag lang siya kasi nga diba nagpapanggap kayo? At malamang bagong detalye na naman.
Tumukhim muna ako saka ko sinagot ang tawag niya.
"H-hello?"
"Buti at gising ka pa."
"Ahh Oo. Hindi kasi ako makatulog." sagot ko sakanya.
Kasalanan mo kasi to! Gustong gusto ko talaga sabihin sa kanya yun.
"About what happened earlier...."
Naku ioopen niya!
"Ha?Ahh.. Wala yun. Wag mo ng isipin yun. "
"Okay. By the way, magiging busy na tayo sa mga susunod na araw. A month preparation is short. Kaya kailangan na pagtuunan na natin ng oras 'to." sabi nito.
"O-Okay."
"Goodnight Shine. I also want to tell you how beautiful you are tonight." saka niya binaba ang tawag.
Grabe! Nagtititili ako sa kilig. Eeeeeeeeeeee!
"Anak, anong problema??" humahangos na sabi ni Mama. Halatang tumakbo ito sa kwarto ko.
"P-po? Ahh wala po. Sorry Ma." saka nagpeace sign ako.
"Hay naku ikaw na bata ka talaga. " saka lumabas siya ng silid ko at sinara ang pinto.
Pero ang ginawa ko sinubsob ko ang mukha ko sa unan saka nagtititili. Atleast hindi ako maririnig.
Maganda daw ako. Maganda daw ako 😍😍😍
YOU ARE READING
SUNSHINE
Literatura Kobieca"One day,you'll look to me as a woman and not your little sis. Then you'll ask me to marry you." Will Sunshine win Gelo's heart? Or give up?