SHINE'S POV
Umuwi ako ng araw na yun kina Mama May sarili na kasi akong condo kaya hindi na ako halos umuuwi.
"Hi Ma!" bati ko kay Mama pagdating ko.
Nadatnan ko si Mama na nagluluto ng hapunan.
"Hindi ka man lang nagpasabi na uuwi ka. Edi sana nakapaghanda ako."
"Naku Ma, okay lang. Kahit ano pang lutuin mo masarap yan." saka ako yumakap kay Mama.
"Si Papa?"
"Naku alam mo naman ang Papa mong yun. Andun kasama ng mga kumpare niya."
"Ahh..Tulungan na kita diyan Ma." saka ko inabot yung mga gagamitin niya sa pagluluto.
"Hmm.. anong meron?"
"Po?"
"May gusto kaba sabihin Sunshine?"
"Ano kasi Ma------mamaya nalang po siguro."
Sa totoo lang kinakabahan ako. Alam kasi nila wala akong boyfriend, then all of the sudden magpapakasal ako?
Kumain kami na magkakasabay. Gaya ng dati, kamustahan. Tawanan.
"May boyfriend kana ba ngayon Anak?" tanong ni Papa.
Nasamid ako.
"Oh Shine, eto ang tubig." abot ni Mama sa akin ng isang basong tubig.
"Salamat po."
"Kanina pa ako may napapansin. May gumugulo ba sayo? May problema kaba?" tanong ni Papa
"Ma, Pa. May sasabihin po ako sa inyo." saka ako huminga ng malalim. "I'm getting married."
GELO'S POV
"How are you Abuela?" kasalukuyang kausap ko si Abuela sa telepono
"Everything's good. Wag mo akong alalahanin. Intindihin mo ang kasal mo. I want to see Sunshine."
"She wants to see you,too. Please take care."
Atleast sa ngayon okay na. Hindi na siya namomoblema pa. Pumayag na si Shine na magpakasal sa kanya.
Mesmerized padin ako sa ganda niya everytime na titingnan ko siya. She's a cutie wayback. But now? Whoa! A complete package of babe! And me having a wife like her? Sheesh! Kakainggitan ako ng kahit sinong lalake.
Erase! Erase! Ano ba itong iniisip ko?? Contractual wedding lang ito. Napagkasunduan na namin ito.
Kanina sa restaurant ay pinag-usapan namin ang mga Do's & Dont's
"Ano 'to?" iniangat niya ang papel na inabot sa kanya ni Shine. May mga nakasulat dito.
"Those are rules." si Shine.
"What?!"
"Syempre this marriage is not real. So we need to set rules. Gumawa ako ng tig isang kopya."
Binasa ko ang nakasulat.
Rule #1. No touch and kiss. Pwede holding hands at akbay kapag nakaharap lang si Abuela at ibang relatives.
"I agree with #1."
"Good. Pangalawa. You need to give me flowers and chocolates everytime."
"Flowers & Chocolate? Really?" natatawang tanong ko.
"Why? You have a problem with that? Babae ako. Kailangan ko yun."
"Okay.Okay." saka ko naman binasa ang pangatlo. "Give Sunshine a House."
"Syempre, once we're divorced kailangan meron man lang akong makuha na reward diba?"
"Bawal magtabi sa kama" at talagang sinama niya ito.
"And lastly, bawal mainlove." at talagang nakalagay pala yun. "Okay. I agree with your rules. But I have to add some too."
"Una. Kapag may lakad ka, magpapaalam ka sa akin.Pangalawa, No boys. You're not allowed to go out with other guys."
"Aba't----Why? Bakit pati ang lakad?"
"Sa mata ng iba, magiging asawa kita. Ano nalang ang sasabihin nila pag nakita kang pagala gala at may kasamang iba?"
Nakita ko na bigla itong sumimangot. She's so cute.
"Okay lang naman sakin. Dahil wala akong balak na makipagdate sa iba." sagot nito.
#SCARLETT
YOU ARE READING
SUNSHINE
ChickLit"One day,you'll look to me as a woman and not your little sis. Then you'll ask me to marry you." Will Sunshine win Gelo's heart? Or give up?