Part 12
SHINE'S POV
Magkahawak kamay kaming pumasok sa loob ng bakuran. Sa garden inihanda ang salu-salo.Grabe ang kaba ko ng mga sandaling ito.
Ang gwapo-gwapo niya. Nakaitim na polo siya. And his scent. Namamagnet ako.
Haaaay....
"Relax" bulong niya sa akin.
Marahan akong tumango.
Agad kong nakita sina Mama at Papa na nakaupo kasama si Abuela.
Sinalubong naman ako agad ni Marge.
"Beshy!" excited na lumapit ito sakin saka ako niyakap.
"Marge! Oh my, Namiss kita ng sobra." tuwang tuwa din naman na sabi ko.
"Etong si Kuya, napakamalihim. Hindi ko alam na kayo pala talaga. Finally beshy!"
"Ah. Haha. Oo. So, kamusta kana? Ang ganda-ganda mo." pag-iiba ko ng usapan.
"Naku ikaw nga dyan e. O dali gusto ka makita nina Abuela." saka ako nito hinila sa kinaroroonan nina Abuela. Nakasunod lang sa amin si Gelo.
"Lumapit ka dito hija."
"Abuela." lumapit ako saka nagmano. "Kamusta na po kayo?"
"Mabuti naman ako. Masaya ako at ikakasal na kayo ni Gelo. Ikaw lang ang gusto ko na mapangasawa niya."
Napatingin ako kay Gelo. Nginitian naman niya ako. Agad kong naramdaman ang pag-iinit ng pisngi ko.
"Your parents are very blessed because you grew up as a fine lady." pagpapatuloy nito.
Nakita kong ngumiti sina Mama at Papa.
Pinaupo naman ako ni Gelo sa tabi niya. Nakaakbay siya sa akin. Hindi ko malaman talaga ang gagawin.
Basta ang alam ko lang pinag-uusapan nila ang detalye ng kasal. Panay tango lang naman ako.
"Anak, okay ka lang ba?" parang napansin ata ni Mama na parang wala ako sa sarili ko.
"Okay lang siya Ma, nabibigla lang siguro siya sa nangyayari. Na ikakasal na kami sa susunod na bwan." saka tingin nito sa akin na may pandidilat pa ng mata. " Diba Babe?"
"H-Ha? Ah Oo Ma. Para kasing hindi pa ako makapaniwala na ikakasal na pala ako. Pero napakaswerte ko kasi si Gelo ang lalakeng yun." Saka ko siya kinurot sa pisngi. "Ang swerte-swerte ko"
Halata naman na nasaktan si Gelo. Kaya gumanti ito. Kinurot din niya ang pisngi ko.
"Ang cute talaga ng wife-to-be ko."
Aray ko po! Ang sakit kaya!
"Look at them, they were so perfect together." nakangiting sabi ni Abuela.
Umayos na ako agad ng upo at saka sumubo ng salad.
"Pasensya kana Sunshine. Alam mo naman, matanda na ako at hindi na magtatagal pa. Kaya gusto ko ng magpakasal kayo para mabigyan niyo na ako ng apo." sabi pa nito.
Nasamid ako sa sinabi nito. Natataranta na inabutan ako ng isang basong tubig ni Gelo saka hinimas ang aking likod.
Apo? Hindi pa nga nakakasal apo na agad?
"Excuse lang po, I need to go to the powder room. Sandali lang po." saka nagmamadaling tumayo.
"Samahan na kita." si Gelo.
"No, it's okay. Kaya ko na." pigil ko dito.
Nang makapasok sa cr para akong bata na nagseselftalk sa isip ko.
Anak? Wala sa usapan namin ang anak. At isa pa,hindi naman totoong magboyfriend kami. Buti sana kung totoo diba? Kahit isang dosenang anak pa yan.
Muli kong inayos ang sarili ko saka ko napagdesisyunan na bumalik. Paglabas ko may kamay na humila sa akin.
"Hey----" at nakita kong si Gelo iyon.
Hinila niya ako hanggang sa 2nd floor ng pagkalaki-laki nilang bahay at pumasok kami sa isang kwarto. Malamang kwarto niya.
"Ano kaba. Bat ba bigla-bigla ka nalang nanghihila?" paangil kong sabi sa kanya.
"About what Abuela said---"
"Wala sa usapan natin yun."
"I know. Go with the flow ka nalang. Just say yes okay?"
"Hay naku, ano ba itong napasok ko?"
"At galingan mo naman ang acting. Para kang balisa na ewan. Don't tell me na apektado ka sa prescence ko?" saka ito pilyong ngumiti.
"H-Ha? Ako? Affected? P-pwede ba?"
"Talaga?" saka ito humakbang palapit sa akin.
Ako naman eto, paatras.
"O-oo. Bakit naman ako magiging apektado?" pero hindi ko namalayan na kama na pala ang nasa likuran ko at nawalan ako ng balanse.
Hinabol naman ako agad ni Gelo para hindi matumba. Hinawakan niya ang bewang ko. Pero sana hindi nalang niya ginawa kase pati siya ay nawalan ng balanse. Pareho tuloy kaming bumagsak sa kama.
Ewan ko pero ng mga sandaling iyon parang biglang bumagal ang takbo ng oras. Ang lapit ng mukha niya sa mukha ko. At titig na titig sya sa mga mata ko. Unti-unti niyang ibinababa ang mukha niya sa mukha ko. Napapikit nalang ako at hinintay kung ano sunod na mangyayari.
"Nagmamadali na ba kayo? Hindi pa ninyo honeymoon huy!" natatawang sabi ni Marge.
Agad akong nagmulat ng mata at itinulak si Gelo. Pareho kaming nabigla. Inayos ko ang sarili ko.
"At saka maglock nga kayo ng pinto." natatawa padin na sabi nito saka naglakad palayo sa silid na yun.
Tumayo naman ako agad saka sumunod kay Marge. Ano ba naman yan.
Nakakahiya!
baka isipin niya na gusto ko na halikan niya ako.
Haaays.
#Scarlett
YOU ARE READING
SUNSHINE
Romanzi rosa / ChickLit"One day,you'll look to me as a woman and not your little sis. Then you'll ask me to marry you." Will Sunshine win Gelo's heart? Or give up?
