PART 11

2 0 0
                                    

SHINE'S POV

Ngayon ang dating ni Abuela. Kaya sinabihan ako ni Gelo na maghanda. Kasamang dadating ni Abuela si Marge pati ang parents ko. Excited na akong makita siya ulit. My Best Friend.

Napagdesisyunan na sa bahay nila sa Antipolo ganapin ang welcome party pati nadin ang pamamanhikan. Diba dapat sa amin kasi ako ang babae? Pero yun nalang ang napagkasunduan dahil nadin sa kalagayan ni Abuela. Matanda na kasi ito at sabi nga ni Gelo, mahina na.

Mas excited pa sa akin sina Mama at Papa.
Grabe nga ang lundag ni Mama ng malaman na si Gelo ang pakakasalan ko. Botong-boto kasi sila dito.

Maaga palang ay may kumatok na sa pinto ko. Isang delivery boy. Dala nito ay bouquet of roses with chocolates at paperbags ng sikat na boutique. Pinirmahan ko yung papel na iniabot sakin at saka pumasok ng condo.

Makalipas ng ilang minuto tumunog ang cellphone ko.

"So, d'you received the flowers?" si Gelo.

"Yes, they're lovely. Thank You."

"Oh ayan, I'm following the rules."sabi nito. "Be at your best tonight."

"Someone will pick you at your condo. Ipapasundo ko na din ang mga parents mo."

Saka nito pinutol ang linya ng tawag.

Lihim akong kinilig. At inamoy ang mga bulaklak.

Kung hindi lang talaga 'to pagkukunwari pakiramdam ko na nasa cloud9 na ako. Kaso hindi. Para tuloy akong lumagapak sa lupa.

Inusisa ko ang laman ng mga paper bags.
Napamangha ako sa nakita.
Isang black backless dress. At high heels na nababalutan ng diamonds.

May kasama pa itong diamond necklace and earings. They're beautiful!

Kung sana totoo lang ang lahat.

Nagsimula na akong mag-ayos ng mga 4pm. Around 6pm kasi daw ako susunduin.

I did some beach waves sa buhok ko. At nag-apply ng manipis na make-up.

Hindi ko na kailangan pang magblush on dahil likas na mamula-mula ang pisngi ko.

Tumawag nadin sina Mama at nagsabi na susunduin din daw sila ng mga ala singko.

Sakto 6pm ay may tumawag na sa akin na dumating na ang sundo ko.  Ewan ko ba pero kinakabahan talaga ako.

GELO'S POV

So ito na ang simula ng pagpapanggap namin ni Shine. Everyone is preparing for this night. Nagpahanda ng masasarap na pagkain sina Mommy. Everyone is very excited about this wedding.

Gustong-gusto kasi ng lahat si Shine. Kuha niya ang puso ng lahat.

Maagang nakarating ang parents niya na agad ko naman sinalubong.

"Welcome tito, tita." bati ko.

"Ano kaba naman. Tawagin mo na kaming Ma at Pa." sabi ng Mama ni Shine. "Tutal magiging manugang na kita."

Napangiti ako. Ang sarap pakinggan. Bakit ganun?

"Hindi namin alam na nagkakamabutihan pala kayo ng aming unica hija. Ang alam namin wala siyang boyfriend. Napakamalihim talaga ng batang iyon." sabi ng Papa niya saka tumawa.

"D-dito po tayo." iginaya ko sila sa living room. "Make yourselves comfortable po. Parating nadin naman si Shine."

Nagkakwentuhan nadin sina Abuela at magulang ni Shine. Everyone is so happy about this marriage.

Past 7pm na ng makarating si Shine. Sinalubong ko siya. The moment that the driver opened the car door and Shine stepped out of that car? Woooshh! I got hooked. She's so damn gorgeous.

From the hair na kusang tinatangay ng hangin, and the way she moves? Everything is so flawless. Mga ilang segundo din siguro akong natulala sa harap niya.

"Nandyan naba sina Mama?" tanong niya.

"You're beautiful."

"Huh? I'm asking you, nandyan naba sina Mama?"

"Ha? Ah---Oo. Kanina pa." para akong biglang bumalik sa realidad. Saka ko nilahad ang mga palad ko. "So, shall we?"

Tinitigan niya lang ang kamay ko. Matapos ng ilang sandali ay tinanggap niya din ito. Halatang kabado siya.

"Relax. Everything will be okay."

#scarlett

SUNSHINEWhere stories live. Discover now