PART 9

2 0 0
                                    

SHINE'S POV


Ewan ko ba bat ako pumayag.

Uugh! Sige magpakatanga kana naman Shine. Magpakagaga ka na naman kay Gelo.

Relax! Wala kana nararamdaman sa kanya. That was just a puppy love. Kaya kung pumayag ka man na tulungan siya, wala lang yun. Just think of it as helping a friend. 

Halos sabunutan ko ang sarili ko sa loob ng office ko dito sa flowershop. Ano ba itong pinasok ko?

Wag ka maiinlove!

Never!

At isa pa, may girlfriend siya.

Mabilis lang naman ang isang taon. Mabilis lang na lilipas yun.

Hindi ko namalayan na pumasok na pala ang kaibigan ko at kasosyo ko sa flower shop na si Jamie.

"Friend are you okay? Parang naloloka ka na diyan."

"I'm getting married."

"What?Wait...Did I heard you right? Paano ka ikakasal e wala ka naman boyfriend."

"To Gelo."

"Yung lalakeng kinabaliwan mo nung 15 ka palang?"

"Yes."

"Oh my! Ano nangyari? Best wishes sa inyo"

Sinubsob ko ang sarili sa mga palad ko. Naloloka ako. Hindi ko alam pero natutuliro ako. I already said Yes pero pakiramdam ko hindi ako sigurado.

Oo, I dreamt on marrying him but not this way. Hindi yung napagkasunduan lang kaya niya ako pakakasalan. Gusto ko yung pareho namin na mahal ang isa't isa.

Lumipas ang ilang araw ng tumawag ulit sa akin si Gelo. Kailangan daw namin magkita para mapag-usapan mga detalye. Napagkasunduan namin na magkita sa dating restaurant kung saan kami unang nagkita.

"So when are you planning to tell your family about us getting married?" tanong niya.

"I still don't know. Humahanap pa ako ng pagkakataon." saka sumubo ng blueberry cheesecake. "Ang sarap ng cheesecake nila ah. I want this in our reception."

"Okay. That can be done. So when?"

"Hindi pa ako nakakatyempo."

"Well you better do it fast. We'll gettin' married by next month."

"Pwede bang wag mo akong ipressure? Ako yung babae dito. Mahirap para sa akin na sabihin sa pamilya ko na, Hey Mom, Dad I'm getting married next month. To think that I don't have a boyfriend."

"Sorry." paghingi ng paumanhin nito. "But please understand that we don't have much time."

"Okay. Okay."

"Hurry up. May pupuntahan tayo."

Dumiretso kami sa isang sikat na fashion designer. Sinukatan ako for my wedding gown.

"Hindi mo na kailangan gawin 'to. Diba kunyari lang naman 'to?" bulong ko dito.

Matalim ako nitong tiningnan.

"Kahit na sabihin mo na arranged lang lahat to, I still want to give you the best wedding."

Medyo kinilig naman ako dun. 😆😊😊😍

#SCARLETT

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

#SCARLETT

SUNSHINEWhere stories live. Discover now