SHINE'S POV
Palagi kaming sabay umuwi ni Marge. Pero ng hapon na yun excited talaga ako. Susunduin kasi ako ni Gelo my loves este si Marge pala.
Maya-maya dumating na ito lulan ng kanyang sasakyan na itim na toyota. Nakipag-unahan pa ako kay Marge sa passenger's seat.
"Sabi ko nga, dito ako sa likod." natatawang sabi ni Marge.
Nagmadali na akong umupo sa unahan.
Haaaay... Ang gwapo talaga ng Savior ko.
"Who wants ice cream?" tanong nito.
"Yehey!" sabay na sabi pa namin ni Marge.
Dumiretso kami sa isang Ice cream parlor.
Mango Caramel sundae ang order ko at Chocolate Almond naman kay Marge. Hindi pa agad umorder si Gelo.
"Salamat sa treat My Savior." magiliw na pasasalamat ko sabay ngiti ng pagkatamis-tamis.
Ginantihan naman niya ito ng ngiti.
Para akong ice cream na nalusaw sa ngiting yun. Lumabas ang dimples niya at pantay pantay na mga ngipin. Mabibilog na mga mata. Paanong hindi ako maiinlove sa ganito kagwapong nilalang?
"Baby!" boses ng isang babae. Nilingon ko ito. Isang babaeng maputi, maganda, at akala mo ay modelo sa isang seksing magazine. Mahaba ang itim na buhok nito. Papalapit ito samin.
"Baby, sorry I'm late. Traffic kasi." sabi nito at binigyan ng mabilis na halik si Gelo.
Nawala ang ngiti sa labi ko. Parang gusto ko hilahin ang buhok ng impaktang babae na ito. How dare her kiss Gelo in front of me.
"Baby, this is my little sister Marge and her bestfriend Shine. Girls this is Wendy, my girlfriend." sabi ni Gelo.
Ano raw? Para kasi akong biglang nabingi. Pwede bang pakiulit?
Girlfriend daw! Girlfriend???!!
Hindi pwede 'to! Ako lang ang nararapat kay Gelo. Only me. Hindi pwedeng may iba pa.
So ayun nga. Ang sweet nila sa harap ko. Halos hindi ko nagalaw ang ice cream ko. Nakatingin lang ako sa kanila.
Nang pauwi na kami. Sabay namin nahawakan ang bukasan ng pinto ng kotse sa passenger's seat.
"Umm..." sabi nito.
"Dito ako nakaupo." mariin na sagot ko.
"Shine, tabi muna kayo ni Marge." si Gelo.
"No baby, it's okay. I'll sit at the back."ngumiti ito sakin. Pero inirapan ko lang ito.
I won't make it easy for her. Game face on, Yeah!
Pagdating namin sa bahay, bago bumaba ay nagpaalam ako.
"Thank you sa paghatid My Loves!" saka ko hinalikan sa pisngi si Gelo.
Agad akong bumaba ng sasakyan at nagwave ng goodbye. Saka tumakbo papasok sa bahay namin.
GELO'S POV
Nagulat ako sa ginawang yun ni Shine. Pero syempre, she's just a kid. So I didn't put malice on it. She was just as young as my sister.
"What was that for?" tanong ni Wendy, girlfriend ko. "My Loves?"
Natawa ako. Mukha kasi siyang nagseselos sa bata.
"Baby, she's just a kid. Don't tell me you're jealous." sabi ko.
"E kasi, iba yung tingin niya sa akin kanina pa."
"Just don't mind her. I'm much more of a kuya to her. Saka ngayon lang niya nakita na may girlfriend akong kasama." saka ko siya inakbayan at pumasok na kami ng bahay.
Bago palang kami ni Wendy. Wala pang isang buwan. We've met through a common friend. Pwede ko nadin masabi na ideal girl ko si Wendy. She's a real headturner. Maganda, sexy, maputi at matangkad. Pasok sa lahat ng qualities na hinahanap ko sa isang babae.
Days passed and unti-unti napapansin ko na may pagbabago kay Shine. Nagiging dalaga na?
No more pigtails. No more cartoon character printed shirts.
Nakalugay ang buhok. at dalagang-dalaga na ang ayos. Magandang bata nga talaga ito. At panigurado na paglaki nito ay mas gaganda pa ito.
YOU ARE READING
SUNSHINE
Romanzi rosa / ChickLit"One day,you'll look to me as a woman and not your little sis. Then you'll ask me to marry you." Will Sunshine win Gelo's heart? Or give up?
