PART 7

3 0 0
                                    

SHINE'S POV

*still flashback

I went to their house. Naabutan ko na naglilinis ng sasakyan si Gelo ngunit patapos na din naman ito.

"Oh, Hi Shine! Wala si Marge e."

"Hindi naman si Marge ang sadya ko kundi ikaw. I need to talk to you." seryosong sabi ko.

"What about?"

"It's about Amara. I saw her at the mall..with a guy." diretsong sabi ko.

Sumeryoso nadin ang mukha ni Gelo. Mukhang hindi ito naniniwala sa akin.

"Listen Shine.."

"You don't believe me?"

"Listen, if you're trying na sirain si Amara sakin. That won't work."

"I really saw her! They kissed!"

"Shine, i knew everything okay? From the Gay story that you come up about me sa mga nagiging girlfriends ko. So this is enough. I love Amara. Wag mo naman sirain yun. I don't know that a simple crush will get you up to that point."

"This is not just a crush! I love you!" naluluhang sabi ko.

"Para na kitang kapatid Shine. Kapatid lang ang turing ko sayo. Stop this."

Tuluyan ng bumagsak ang mga luha ko.

"One day,you'll look to me as a woman and not your little sis. Then you'll ask me to marry you."
saka ako tumalikod.

Sakto naman na andun na si Amara. Agad itong lumapit kay Gelo.

"I love Amara. So please stop that nonsense."
si Gelo.

Tumakbo ako palayo sa lugar na iyon at nagmadaling umuwi. I ran straight to my room and locked the door. Sinubsob ko ang sarili sa higaan ko. Crying. Sign of defeat.

Hindi niya ako pinaniwalaan na talagang may ginagawang kalokohan si Amara. Well, bahala siya. Simula ngayon wala na akong pakialam sa kanya.

That was the last time that we've talked. Hindi nadin ako nagpupunta sa kanila. After a few weeks nabalitaan ko nalang kay Marge na break na si Amara at Gelo. Nahuli kasi nito na may kasamang lalake. Ilang beses din nagtangka si Gelo na kausapin ako pero umiiwas na ako.

"Bes, mamimiss kita sobra!" maluha-luhang sabi ni Marge.

Magmimigrate na kasi sila sa US. Buong pamilya.

"Ako din naman bes, lagi mo ako iemail ha? Alam mo naman na ikaw lang ang bestfriend ko." naiiyak na din na sabi ko.

"Oo naman. Kay Kuya ba hindi ka magpapaalam?"

"Hindi na siguro Bes."

"Move on ka na. Hayaan mo na yun si Kuya."

*end of flashback

"Are you just going to stare at me or what?" pukaw ko sa kanya. Nakatulala kasi siya. "May dumi ba ako sa mukha?"

Para naman na nabigla ito. Lihim akong natawa sa reaksyon niya. Hindi ata siya makapaniwala na lumaki akong ganito.

"Sorry, hindi lang ako sanay na dalagang-dalaga kana. Anyway, Marge really miss you."

Ikaw ba hindi mo na-miss?
Gusto ko itanong sa kanya yan. Pero mas mabuti na manahimik nalang.

"You said we have something important to talk about?"

"Yes."

"What is it?"

"It's about us."

Us? Ano ang dapat namin pag-usapan tungkol samin dalawa?

"Galit ka padin ba sa akin?" tanong nito.

Oo. Kung alam mo lang!
Pero siyempre hindi ko sinabi yun outloud

"Ano kaba naman? That was so 7years ago. Saka I was just a little girl back then. Tapos na yun. Wala nayun." saka ako ngumiti ng pagkatamis-tamis.

"Good. Because I really need your help." seryosong sabi nito.

#Scarlett

SUNSHINEWhere stories live. Discover now