Dalawang linggo na ang nakalipas mula nung exhibition naming mga Archers pero mukhang fresh pa sa utak ng mga tao dito dahil may ilan akong nadadaanang kinakausap ako. Yung iba ay binabati lang ako ng Congratulations, Galing mo tas may isa pa kaninang tinawag ako at umaktong parang nagpapana saka nag finger heart.
"Gosh. Look at this, diba I told you guys na mana before na, she's ruthless."
"Right. What a Cold-hearted bitch"
"Can't she stop? The other woman is crying na"
Pansin kong kanina pa sila nagbubulungan. Halos lahat ata ay parang may pinapanood sa cell phone. Kaya naman napakunot ang noo ko. Hindi naman sa pagiging chismosa, pero pag ganto kasing halos lahat ay iisa lang ang ginagawa, kahit sino naman siguro ay magtataka. Pero dahil Tuesday ngayon at hindi ako pwedeng ma late ay hindi ko nalang talaga sila pinansin at naglakad nalang sa hallway papuntang elevator. Hindi pa man ako nakakalapit at kita ko na ang kumpulan ng mga students sa unahan.
"Yun lang naman ang hinihingi ko, diba? Napaka wala mong puso! Wala kabang awa? Napakasama ng ugali mo!" Rinig ko pa ang pag iyak sa boses nito. May shooting ba ng The broken marriage vow?
"Excuse me...Excuse me" Pakiusap ko sa mga students ng makalapit ako kasi hanggang ngayon ay nakaharang parin sila sa hallway. Agad naman silang nagbigay ng espasyo para tuluyan akong makadaan.
Nang makarating na ako sa unahan e mala teleserye ang bumungad sa akin. May shooting nga ata. Paano kasi ay may nakaupong matanda na mukhang 40+ na sa sahig habang nasa harap nito si Miss Savierro na walang emosyong nakatitig lang dito.
Natigilan tuloy ako atsaka ko nilibot ang paningin ko sa paligid. Mukhang wala namang camera kaya sure ako na hindi shooting to. Naiinis tuloy ako dahil dito pa talaga sila sa gitna ng hallway. Wala akong madaanan!
Napakibit nalang ako ng balikat atsaka lumakad ng diretso. Nang makarating ako sa gitna nila e saglit akong humarap sa kanila at nag bow bago maglakad paalis. Magalang kasi akong tao, baka isipin nila e inagawan ko sila ng eksena. Kits ko pa nga si Miss Savierro na mukhang nagulat pero nakataas ang isang kilay.
Pag karating ko sa Elevator ay walang ibang sakay kaya lumakad na ako papasok. Hindi pa man tuluyang nag sasara e wlang imik na pumasok si Miss Savierro atsaka pwumesto sa unahan. Tapos na ata ang eksena nia. Humakbang nalang ako paatras sa pader para sumandal at pinikit ang mga mata para pakalmahin ang paghinga kong bumibigat na. Tsk dapat talaga ay naghagdan nalang ako.
Hindi gaya ng mga nasa libro ay wala kaming moment ni Miss sa elevator dahil hindi naman kami magjowa.
Kaya nung tumunog ang elevator ay halos takbuhin ko na palabas habang sapo sapo ko ang dibdib ko.
"Sais, hoy! Anong nangyare sayo?" Si lorenz to. Siya lang naman ang tumatawag ng sais sa akin. "Hoy tanginamo mamamatay ka na ba?" Tanong nia pa ulit habang itinayo ako ng deretso at nag aalalang tumingin sa akin.
"Hindi. In love na ata ako kay Miss, tumigil ang paghinga ko" Nilakasan ko pa ang pagkakasabi ng makabawi ako. Kita ko kasi si Miss Savierro na andito rin na nakahinto sa gilid habang nakatingin sa amin.
Gusto kong matawa ng ikutan ako nito ng mata atsaka tuloy tuloy na naglakad papasok sa classroom.
"Ano? Nabagok ba ulo mo? Bitsin lang naman ang nilagay ko sa kape mo kanina at hindi asido kaya imposibleng matunaw yang utak mo" Pag amin ni gago. Kaya nakatanggap naman siya ng sapak sa akin bago ako tumalikod. Tangina kaya pala sa halip na matapang, e ang maalat ang lasa.
Pumasok nalang kami sa room at umupo. Kinuha ko yung binder ko at ipapatong na sana sa arm chair ng may mapansin ako. Medyo umuuga at may drawing ng tite ito sa bandang gilid. Pucha! Hindi ko upuan to! Sinong nagpalit?
BINABASA MO ANG
Mistakenly Freed
Romance"Teach me how feelings work and I'll show you how freedom tastes" Sebastienne Six Acozta, 19 years old. University scholar and a first year Architecture student at Adelson University. Being the youngest top Archer of the year, her name gathers enoug...
