"Sais, ihipan mo nga yung mata ko. Napuwing ata." Utos ng nasa tapat ng upuan ko. Ni paghinga ata e tinatamd ako kaya hindi ko siya pinansin. "Hoy! Inang to. Bilis na." Pilit nia pa.
"Hindi ako nag toothbrush." Palusot ko.
"Same." Sagot nia na ikinatawa ko. Hayp na yan. "Bilis na. Para kang chix." Wala na akong nagawa kundi lumapit sa kanya para ihipan ang mata niang mukhang luluwa na sa pagkakabukas. "Gago ka, yung literal na ihip nga. Wag mong hingahan." Iihip na sana ako ng biglang magbukas yung pintuan sa unahan.
"Mr. Co, Stand up." Utos ni Miss Savierro. Ni wala man siyang good morning o kahit anong pagbati. Dahil si Enzo ito ay hindi nia pinansin ang chix sa unahan.
"Ihip na. Bilis. Pag ako pinalipad ng bebe mo, isasama kita." Banta nia. Hindi naman ako natakot pero biniguhan ko nalang ng malakas yung mata pati buong mukha nia.
"Mr. Co! I said stand up." May kalakasan ng utos ni Miss. Agad na tumayo naman si Enzo at nag salute pa habang nagpupunas ng mata. Gago talaga.
""In what century was the Hirshhorn Museum and Sculpture Garden added to the Smithsonian?" Tanong ni Miss. May recitation pa ata.
"20th, Miss." sagot nito kaya tumango tango ako. Nicenice.
"A style influence by geometric figures?" Tanong ulit ni Miss.
"Art Deco." Simpleng sagot ni Enzo na nagkumpas pa ng kamay. Yabang.
Hindi nagsalita si Miss at kinuha iyon ni enzo'ng sign para maupo na. Ngunit hindi pa man ay pinagtaasan na siya ng kilay ni Miss.
"Who told you to sit? Remain standing." Malamig na utos nito.
Gusto ko tuloy matawa dahil ang aga aga ay nagsusungit siya. Ni hindi nga kami na inform nung isang lingo na may recitation pala. Kababalik lang namin sa orphanage at parang ibang Savierro nanaman ang nasa harap ko. Gayunpaman e ang cute cute nia parin. Hehe
"Greek architecture was essentially?" Tanong ulit ni Miss.
"Po?" Pag papaulit ni Enzo.
"Greek architecture was essentially....what?" Sa halip na sumagot agad ay bumuntong hininga lang si Enzo.
"Magmahal, Miss." Sagot nia.
Kumunot naman ang kilay ni Miss habang ako iiling iling na yumuko. Hayop ka talaga, Enzo.
"What?" Kunot noong tanong nito.
"Kasi kahit kailan ay hindi naging mali ang magmahal." Sensirong sagot nia na ikipinalakpak pa ng mga kaklase namin. Natawa naman ako ng mahina. Napalingon tuloy sa gawi ko si Miss kaya umakto akong umuubo ubo. Lintek na yan. Pati pag tawa bawal na.
"Silence." Natahimik naman ang mga kasama namin. Bumaling naman ito sa nasa tapat ko at pinagkrus ang braso sa dibdib. "Do you see me as a joke, Mr. Co?" Umiling naman si Enzo. "Sit down." Agad namang umupo ang isa.
"Gago, ano bang sinabi mo sa bebe mo at ako ang napag-initan?" Bulong nia. Kumunot naman ang noo ko.
"Wala, ano naman ang sasabihin ko?" Bulong ko pabalik. Sasagot sana siya kaso ay biglang tinikom ang bibig at nanunuksong tumingin sa akin. Tsk.
"Is there anyone here who knows the simple answer?" Tanong ni Miss. Wala namang sumagot.
Columnar and trabeated. Yun ang sagot pero hindi naman ako ang tipo ng estudyanteng mahilig mag presinta. Kahit pa alam ko ang sagot, kung hindi ako tatawagin ay hindi ako magsasalita.
BINABASA MO ANG
Mistakenly Freed
Romansa"Teach me how feelings work and I'll show you how freedom tastes" Sebastienne Six Acozta, 19 years old. University scholar and a first year Architecture student at Adelson University. Being the youngest top Archer of the year, her name gathers enoug...
