XII- 11:45

5.3K 305 340
                                    

"Sais! Yuhoooo! Hoy!" Sigaw ni Enzo.

Pucha. Umalis kana.

"Nasan ka?" Lumingon lingon pa siya kaya sumiksik pa ako lalo sa gilid.

Kumunot ang noo ko ng buksan nito yung basurahan tas sumilip silip pa doon. Hindi pa siya nakuntento at yung tatlong basurahan na may Nabubulok, Di-nabubulok, at Recyclable ay binuksan nia tapos iiling iling.


"Wala rin dito?" Nilagay pa niya ang kamay sa baba at mukhang nag iisip.

Tanginamo gago. Anong gagawin ko diyan?

Kahit pa gustong gusto ko siyang ipasok sa basurahan at gawing parol ay hindi ako nagpakita. Nang ilang saglit na wala siyang mahita ay lumakad na ito paalis. Pinanood ko itong makalayo at mawala sa paningin ko. Napabuntong hininga ako at sumandal nalang sa sanga. Hindi na matahimik ang buhay ko, lahat sila ay hanap ng hanap. Ipasok ko kaya sila sa bulsa? Lintek na.

Kahit pa gusto kong mag stay dito sa taas ay napilitan parin akong lumukso pababa. Baka kasi makatulugan ko e may dala pa naman akong gitara na hindi ko naman pag mamay-ari. Hiniram ko lang ito kay Arnold kanina bago ko maisipang magtago sa mga tao doon. Umupo ako sa damuhan at sumandal sa puno saka nag tipa-tipa sa gitara.

Pagkatapos kasi nung nangyari kanina ay ayoko na silang makita o makausap. Ngayon lang kasi nag sink in sa akin yung pinag-gagagawa ko. Pagbalik kasi namin sa loob ng resort ay pinagalitan pa ni ate chanel si Enzo. Nag rereklamo nga yung isa dahil bakit daw sa kanya galit, ang sagot lang ng ate e hindi nia ako kayang sigawan. Hindi naman sana magiging big deal yun kung marunong lang akong lumangoy. Ang problema kasi ay napaka-impulsive ko. Basta basta nalang ako lumulukso sa pag aakalang nalulunod yung propesor kong yun. Pro-swimmer pala ang lintek. Wala namang nangyaring masama bukod sa bigla akong nahiya. Nag e emote lang pala siya sa ilalim ng tubig, akala ko ay mamamatay na.

Isa pa ay kailangan ko ring mag isip at magpahinga. Hindi maganda ang nagiging takbo ng sistema ko kapag nasa harap ko si Miss. Nagagawa niang ipalabas ang mga pakiramdam na hindi pamilyar sa akin. Hindi ko gusto ang isiping sa bawat oras na lumilipas ay unti-unting lumilinaw kung ano ang mga iyon. Gayunpaman ay hindi ko gustong pangunahan, ayokong gumawa agad ng konklusyon lalo pa at hindi pa ako sigurado.




"Acozta."

Napapitlag ako dahil sa tawag na yun. Nagsimula nanamang umakto ang kung ano sa loob ko kaya umiling iling ako.

Mierda.

"Yes, Miss?" Nagulat man ay hindi ko pinahalata. Ano ang ginagawa nia dito?


"You're always on or under the tree. Are you a monkey?" Naka krus pa ang dalawang braso sa dibdib nia. Monkey?


"Lagi mo rin akong sinusundan, Miss. Does that make you a monkey follower?" Tanong ko.

Sinagot lang ako nito ng irap kaya napangisi ako. Masyado bang maliit ang orphanage na to para halos oras oras ay magkita kami? Kahit pa nagtatago ako ay nagawa pa rin nia akong makita.

"What?" Mataray na tanong nia na dahil napansin siguro ang naniningkit kong mata habang nakatitig sa kanya.


"Crush mo ko, Miss?" Tanong ko.


"Why?" Tanong nia.

Bigla bigla ka kasi laging sumusulpot sa mga pagkakataong hindi ko gustong matagpuan.


Mistakenly FreedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon