"Anong iniisip mo?" Nilapit pa lalo nito ang mukha sa akin kaya tinulak ko yun ng malakas paatras.
"Ambaho ng hininga mo." Sagot ko pero tumawa lang ang gago at inisod ang upuan patabi sa akin.
"Pare, Enzo, ang angas ng bagong kotse mo ah." Sabi ng lalaking kaklase namin.
"Ninakaw ko lang yun." Kumindat pa ito saka humarap ulit sa akin. Hindi ko nalang siya pinansin at tumingin sa labas.
Gamit ni Enzo ang Rolls Royce na pasalubong ni Tito kagabi. Tuwang tuwa ito kaya kinaumagahan ay ginamit niya na agad, agaw pansin talaga dahil pati ang tunog ay cinustomize din ni Tito.
"Sais, oy!" Niyugyog pa nito ang balikat ko kaya pumikit ako para hindi makasampal e kauma umaga. "Sai—-"
"May naisip ako." Pamumutol ko saka humarap dito.
"Ano?" Nagkulangot muna ito at pinitik na ikinangiwi ko. Kadiri ampota.
"Bakit hindi natin subukan maging lowkey bestfriends? Yung 7 years ka munang mawawala tapos hindi tayo mag uusap, magkikita, tas hindi ka didikit sa akin pero mag bff pa rin tayo." Tumango pa ako para pumayag siya kaso ang lintek ay tumawa lang at sinapok ako sa likod. Bwisit.
"Ulul HAHAHAHAHA. Tarantado. Ang samahan natin ay parang kulangot ko, bilog." Tatawa tawang sagot nito. Anong connect nun?
Pinaikot ko nalang ang mata at kinuha ang binder para itakip sa mukha ko saka sumandal sa upuan. Hindi na rin naman ako kinulit ng katabi ko dahil hindi ko hinayaan. Mahigpit na hawak ko kasi yung lapis. Hindi na kami kinder pero kung gagambalain niya ang pamamahinga ko ay itatarak ko to sa leeg niya. Gusto ko lang naman magpahinga. Tsk.
*tinggggggg*
Napatakip agad ako ng tenga at agad napaayos ng upo dahil sa nakakarinding tunog na yun. Lumingon lingon pa ako at palagay ko ay galing yun sa speaker sa hallway, na nasaktuhan namang nasa tapat ng room namin.
"Is it on already?"
"Yes, Miss."
Kilala ko ang boses na yun. Masyadong iba ang dating para hindi ko mapagtanto kung sinong nag mamay ari.
(Apologize by Timbaland)
I'm holding on your rope
Got me ten feet off the ground
And I'm hearing what you say
But I just can't make a sound"What the? Who's singing?"
"Ang ganda ng boses, pare."
"Teka, anong meron? May event ba?"
Nakuha nito ang atensyon ng lahat ng kasama namin para magsilabasan sila at mag unahan. Pero hindi ako tumayo, nakaupo lang ako at mistulang walang pakialam pero nagsisimula ng makaramdam ng kung ano.
You tell me that you need me
Then you go and cut me down, but wait
I tell you that I'm sorry
Didn't think you'd turn around, I'll say"Teka, bakit parang nag iba ang lyrics?"
"Oo nga. Pero wala ka ng pakialam, Pare. Sino yan?"
Tama, binabago talaga nito ang Lyrics para magmukhang POV ng nagkamali. Sumandal nalang ako sa upuan at tumingala sa kisame. Nagkakagulo ang klase pero parang ang speaker lang ang naririnig ko kaya umiling nalang at pinikit ang mga mata.

BINABASA MO ANG
Mistakenly Freed
Romance"Teach me how feelings work and I'll show you how freedom tastes" Sebastienne Six Acozta, 19 years old. University scholar and a first year Architecture student at Adelson University. Being the youngest top Archer of the year, her name gathers enoug...