XVIII-Crossing lines

7.8K 343 649
                                        

"Mr. Co, No running in the hallway!" Huminto naman si Enzo sa paghabol sa akin at tumingin ng sarkastiko kay Sir.


Akala ko ay magsasalita pa siya kaso iiling iling nalang na naglakad palapit sa akin.


"Mukha bang hallway to? Hayp na nasa open area tayo. Damo to, damo with bato." Asar na sagot niya na ikinangisi ko lang.


Naglakad na kami papasok sa gym habang pilit niyang pinupunasan yung phone niyang nanlalagkit at may tuyong laway. Pagkarating namin sa pinaka unahan ay nilapag ko agad yung bag kong walang laman. Nanatili akong nakatayo at nag unat unat. 2:40 palang. May 20 mins pa bago dumating si Miss Lee at mag start ang training. Pagkatapos ay umupo nalang ulit ako at tinupi ang bag ko.


"Matutulog ka?" Tumango lang ako at naghanap ng maisasapin sa bench dahil puti ang suot ko.


"Pre, hubarin mo damit mo." Hinila ko pa ang laylayan ng damit na ipinagtaka niya. "Bilis na. Isasapin ko."


"Ulul kapal ng mukha mo. Giordano to tas isasapin mo lang." Asar na sagot niya. Pinasadahan ko naman ng tingin ang kabuoan nito saka ngumisi.


"Ay siya? Bakit mukhang basahan pag suot mo." Sinsero ang boses na tanong ko. Hinubad niya rin naman yung damit at inihampas sa akin.


"Hindi kana lang bitch at amoy lupa. Hampaslupang bitch na." Pang asar niya na ikinangiwi ko.


"Corny." Sagot ko at mahihiga na sana ng hilahin ako patayo.


"Tamad mong hayop ka. Puro ka tulog. Tara mag warm up." Hindi na ako hinayaang makasagot dahil tumakbo na ito habang hila-hila ako.


"Sandali."

Binawi ko yung kamay ko at nagtanggal ng t-shirt para maiwan ang sports bra ko. Isinampay ko lang yun sa bag at humabol sa tangang tumatakbo.


"After nito, turuan mo ko ha." Sabi niya na tinanguan ko lang. Syempre hindi.


Hindi ko na alam kung ilang beses kaming nagpabalik balik sa loob ng gym. Sapakan na may halong takbo ang ginawa namin. Namalayan ko nalang na andyan na si Miss Lee at pumapalakpak sa baba. Sa halip na mag jogging ay naglakad nalang ako papalapit dito.


"What are you doing?" Tanong nito. Nilingon ko lang si Enzo na naglalakad na papalapit sa amin.


"Warm up, Miss." Sagot nito habang nagpupunas ng pawis.


"Oh. Okay. Sorry for being late. I was about to go here 30 mins ago. But yeah.. some stuff got in the way." Sabi nito. Tumango lang ako at hindi na nagsalita pa. "You're drenched in sweat. Do you wanna take a break first?" Pinasadahan nito ang kabuoan ko.


"No, Miss. I'm good." Sagot ko dahil kapag nagpahinga pa ako sigurado akong tatamarin na akong tumayo pa.


"Okay. But wipe that off first. Baka matuyuan ka." Humugot ito ng panyo sa bulsa at inabot sa akin. Magalang ko naman yung hinindian.


"Excuse me." Paalam ko at bumalik sa bench. Binuksan ko lang yung bag ko at kumuha ng black face towel. Punas punas ang katawan na bumalik ako sa gawi ni Miss.


"Okay, Let's start." Tumango lang ako at tinanggal yung magkakasabit ng arrows ko sa gilid saka sinukbit sa katawan ko.


"Seriously, I don't know what to teach you anymore." Biglang sabi nito na ikinalingon ko. "This is frustrating yet relieving at the same time." kunot noong dagdag nito.


"Just do what you think will help me, Miss." Sagot ko.


"Yeah. So show me that form again."

Mistakenly FreedMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon