VII- Smile

5.1K 277 312
                                    

Naalimpungatan ako dahil hindi ko maitaas yung kamay ko e nangangati na yung leeg ko. Kaya lumingon ako doon. Si enzo na nakapikit at nakaupo sa sahig habang nakahawak lang sa kamay ko.

Napakunot naman ang noo dahil dun. Ganyan ba siya natulog? Dahan dahan kong tinanggal yung kamay ko. Gumalaw lang siya pero hindi naman nagising. Kaya tinapik tapik ko yung pisngi nia para gisingin. Mabuti nalang e mabait ako. Kung magkakabaliktad kasi kami ng sitwasyon, sigurado akong katarantaduhan ang gagawin nito sa akin.


"Hmmm.. marshmallow" ungot nia at bahagyang iminulat yung isang mata pero pumikit at ulit. Mukhang bumalik sa tulog.

Hindi ko nalang gigisingin. Bahala na siya. Anong oras palang naman. Mamaya pang 8 ang pasok namin. Tinanggal ko nalang yung kumot ko at bababa na sana ng mapansin kong may mga nakatali sa paa ko.

Hindi na ako nakapag isip at sinampal nalang ang natutulog sa baba ko. Mukhang nagulat siya at agad pang napatayo habang hindi ko maintindihan ang sinasabi.


"Ano to?" Pamumutol ko sa pagpapanic nia.

"Alin?" Takang tanong nia. Hindi ako sumagot at tinuro nalang yung mga nakatali sa paa ko.

"Ah HAHAHAHAHA para pakalmahin ka. Gago tinakot mo ko" Sagot nia na talagang tatawa tawa pa.


"Kelan pa naging pampakalma ang mga rosaryo?" Seryosong tanong ko ng matanggal ko na yung mga rosary sa paa ko. Nagpipigil lang ako dahil gustong gusto ko ng magtawag ng isa pang last supper at isama siya doon.


"Gago, kahit sino gagawin yun. Pag pasok ko dito sa kwarto mo lumulutang kana habang nakahiga" Sagot nia. Napabuntong hininga nalang ako dahil sa sagot nia. Saan nia nakuha tong mga to?


"Putan—-" hindi ko na natuloy ang sasabihin ko dahil sa hawak ko. Masamang mag mura pagnakaharap at hawak mo ang diyos. Kaya nilapag ko muna ang mga rosaryo sa side table ko at tumalikod.


"Tanginamo Lorenzo lumayo ka sa harap ko dahil baka hindi kita matantya." Sabi ko dito habang nakatalikod. Humarap din ako pagkatapos nun. Ang pota hindi ako sinagot at tatawa tawa lang.

Hindi ko nalang siya pinansin at dumiretso nalang sa banyo. Umagang umaga stress ako. Hindi na pala ako nakapagbihis kagabi dahil nakatulog na ako agad. Pero bakit hindi ko na suot yung jacket ko?

Napakibit balikat nalang ako dahil baka tinanggal ko rin kahapon o si enzo na. Hindi namana dapat binibig deal ang ganun. Nang matapos ako mag toothbrush ay bumaba na ako para magluto sa kusina.

"Sakit ng likod ko. Ganun pala na pi feel ng mga nagbabantay sa hospital" Dinig kong reklamo nito sa likod ko. Sinasabi niya bang pasyente ako?

Hindi na ako sumagot at hindi na rin naman siya nagsalita. Kinakalikot nalang nia yung phone nia at minsang tatawa tawa. Abnoy ampota. Tapos na rin naman akong magluto kaya lumakad na ako papuntang sala. Mukhang naintindihan naman ni Enzo dahil sumunod itong bitbit yung mga pagkaing pampamilya. Masyado kasi siyang matakaw. Kahit umaga e walang tigil ang bituka nia.

Binuksan ko lang yung TV at nanoood dun habang kumakain. Wala ng ingay dahil kahit magsalita naman siya hindi ko parin sasagutin. Puro walang kwenta kasi kadalasan ang lumalabas sa bibig nito.


"Sais." Tinaasan ko lang siya ng kilay habang ang mata ko ay nasa pinapanood parin.

"Did something happen?" May kung ano sa boses niya na hindi ko matukoy. Kaya kumunot nalang ang noo ko at humarap dito.

Mistakenly FreedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon