XXIV- Perfect Date

6.6K 250 449
                                    

"Kailangan ba kapag may jowa, umaga ang uwi?"

Sinara ko muna ng maayos ang pintuan bago lingunin ito. Hindi na ako sumagot pa at naglakad nalang papalapit. Naka dekwatro siyang nakaupo sa sofa at tutok sa diyaryong nasa kamay niya. Marunong pala to magbasa?

Umupo ako sa tabi at ginaya ang pag kakaupo niya. Tutok pa rin ito sa hawak at hindi ako tinatapunan ng tingin. Inabot ko nalang ang kape nitong umuusok pa at sumimsim.


"Masyadong matamis." Ngumiwi ako at pinatong ulit sa lamesa ang tasa.


"Hindi na man kasi yan para sayo. Masyado ng matamis ang buhay mo, baka mag ka diabetes ka." Pormal na sabi niya na hindi pa rin ako nililingon. Nagtatampo ba siya?


"Mas matamis pa rin kapag andyan ka." Banat ko na umaasang lalambot siya pero ang kaninang pormal ay ngayon naka simangot na.


"Mas matamis sana kung hindi ka aalis ng madaling araw o kaya kung umalis ka ila lock mo ang pinto pati ang gate."


"Hindi ko ba naisara?" Taas kilay na tanong ko.

Binaba naman nito ang dyaryo at binilog yun. Bumuntong hininga pa siya at mabilis na hinampas sa akin ang hawak. Mierda.


"Oo, hayop ka. Nagising nalang ako may pusa na dito. Hindi mo man lang ako naisip, itong poging mukhang to. Paano kung pinasok ako? Sobrang yummy ko pa naman. Wala akong kalaban laban."

Tumayo na ako at sinimulang umakyat ng hagdan. Napaka dami pa nitong sinasabi na hindi ko na inintindi dahil puro kahibangan.


"Hoy! Kinakausap pa kita. 'wag kang bas—-" Sinarado ko na agad ang pinto ng kwarto.

Naghubad na ako ng jacket at hinihilot ang noong naglakad papunta sa kama. Padapang binagsak ko ang sarili at gumapang pataas sa unan. Sumasakit ang ulo ko dahil mula pa kagabi ay wala akong tulog. Mag a ala sais na at kauuwi ko palang dahil tinapos ko muna ang gawain ng binibini ko.


"Sais, hindi kita pinalaking gany—-"


"Please." Itinaas ko ang kamay ko para sumenyas. Nanatili lang akong nakapikit pero ramdam ko ang paglapit niya.


"Okay ka lang? Ano bang ginawa mo? Masakit ulo mo?" Sunod sunod na tanong niya na tinanguan ko lang.

Tinanggal nito ang kamay ko sa noo at pinatihayang higa ako. Naramdaman ko nalang ang kamay nito sa noo ko at marahang minamasahe yun.


"Powsay tayt, powsey preeeesh...." Napakunot noo ako ng magsimula itong kumanta sa tonong lullaby pero ang lyrics ay galing sa kung ano.


Sa halip na magreklamo ay hinayaan ko nalang. Nakakaantok din naman ang boses niya at dinagdagan pa ng pagmasahe sa noo. Paulit ulit lang ang naririnig ko hanggang sa tuluyan na akong makatulog.






"She's still asleep, Miss Savierro. Gusto niyo po ba ay gisingin ko?"

"No. Let her. Is it okay if I'd stay here until she wakes up?"

"Yeah. Tho, gusto ko sana kayong makausap. Not as your handsome student but as her brother."


Nanatili among nakapikit kahit pa naalimpungatan ako dahil sa boses nilang dalawa. Hindi ko ugali ang makinig sa usapan ng iba pero ang kuryosidad kong malaman ang pag uusapan nila ay nariyan.


"Do I have to feel nervous?"


"Hindi po, Miss. Don't be. Ako lang to, Lorenzo. Lorenzo na pinagpal—-"


Mistakenly FreedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon