VIII- Confusion

4.8K 274 180
                                    

"Dez wuhahl be grae ed 100 phoyns sar am giben yahr ana da chance ti we write deh"

Hindi ko na alam kung ilang beses na ako napabuntong hininga mula nung pumasok ako dito sa klase ni Mrs. Sarmiento. Magkasunod na araw kasi ang klase ko sa kanya. Kaya dalawang araw ding parang pinakukuluan ang utak ko.

"Pah yarh phepher" Inabot nito ang papel sa bawat students na nasa unahan para ibigay sa amin papalikod.

"Pst. Bakit wala si Lorenzo?" Tanong ng nasa unahan ko ng maiabot nito sa akin ang dalawang papel. Siya yung nagturo ng gagawin sa amin kahapon.

"Lbm" Sagot ko nalang na ikinatango tango lang nia saka humarap ulit sa unahan.

Hindi ko kasama si Enzo ngayon dahil kahapon pa masakit ang tiyan nia. Sa cr na nga yun halos tumira kagabi dahil minuminuto atang parang tren ang pwet nia. Wala nga sana akong balak pumasok kanina dahil tiyak na pag ako ang nasa sitwasyon nia, ay yun din ang gagawin nia. Kaso pinigilan nia ako at sinabing nauutot lang siya lalo pag nakikita ang mukha ko. Bago ako umalis ay kita kong parang mamamatay na siya dahil sa panghihina pero hinayaan ko nalang. Yan naman ang gusto nia.

Ang hula ko ay nasira ang tiyan namin kahapon dahil naparami ng kain ng buffalo wings, maanghang pa naman yun ng sobra. Yung tagpo with Miss Savierro ay sinisi ko na rin dun. Buong shift ko kasi akong tumitig sa mga ngiti ng mga tao sa Luxxe pero wala naman akong ibang naramdaman. Napakarami pa ang lumapit sa akin at napagkamalang may gusto ako sa kanila pucha.

Kabag nga lang ata talaga.

"Aren't you going to rewrite that?" Nilingon ko lang ulit ito at umiling.

"Sanaol confident."

Hindi naman ako confident. Sadyang hindi lang talaga ako marunong gumawa ng tula. Tinatamad din ako. Hindi naman mga salita ang ipandedesinyo ko sa mga imprastraktura. Tinitigan ko nalang ang ginawa ko kahapon at binasa ng walang boses.



Tinola
By: Sebastienne Acozta

I couldn't come for death.
I wish he'd come for me.
To take me for a little ride,
Or eternity if I could decide.

Because how painful this could be
I seek for death but life found me.
He strangled me with fantasies
Then tortured me with miseries.

To escape, I ran and ran.
But miles passed I found no one.
Perhaps, he is not the life.
For his touch are like a knife.

He was neither cold nor hot.
Or rather I go numb when we touch.
I felt filled with flesh and bone.
But devoid of what all should own.

If he was not death nor life,
Then with whom I succumbed?
It felt dim and gray.
Like everything is being swept away.


"Why tinola?" Napataas ang tingin ko ng magtanong ulit ito. Bakit ba siya nakikibasa?

"Ulam namin kahapon." Simpleng sagot ko saka tumingin nalang sa bintana.

Narinig ko itong humagikhik at sinabihan pa ako ng weird pero hindi ko na sinagot. Masyado siyang madaldal. Ni hindi ko nga siya kilala.



Di kalaunan ay pinapasa na rin ni Mrs. Sarmiento ang mga papel. Mukhang binabasa nia na dahil tahimik lang itong pabuklat buklat sa mga yellow paper. Nakita ko pa itong saglit na sumulyap sa gawi ko at pinaningkitan ako ng mata. Oh pota. Anong ginawa ko?

Tumunog na rin yung timer na hudyat na tapos na ang klase. Mabilisan kong sinukbit yung bag sa balikat ko at lalabas na sana ng tawagin ako nito.

Mistakenly FreedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon