"Nay i'm begging you, please don't do this to me. Nay.. I promise to do whatever you want just pls don't do this.." pagmamakaawa ko habang kinakaladkad niya ako sa kalsada.
"Hoy punyeta ka huwag mo nga akong maingles-ingles at nauubos ang tubig ko sa katawan letche ka simula ng dumating ka sa buhay namin, mas lalo kaming minalas." sigaw niya sakin at mas kinaladkad pa ako..
Anyways.. my name is Vivienne Emerald Vellejo 17yrs of age, 4th year high school at isang PAMBAYAD UTANG.
Hindi ko naman siyang totoong nanay talaga. Madrasta kumbaga.
Nagtataka siguro kayo kung bakit inglesera ang lola niyo.
Hindi naman talaga ganito kamiserable ang buhay ko eh.. maayos ang buhay ko kasama ang tunay kong ina. Nag-aral ako sa isang Catholic school kung saan exclusive for girls lang, kaya nga siguro naging positibo ang pananaw ko sa buhay. Sabi ko nga dati kahit na hindi namin kasama ang tatay ko perpekto pa rin ang buhay ko dahil mahal na mahal ako ng mommy ko.
Lahat ng gusto ko binibigay niya pero hindi naman ako materyalosang babae basta kasama ko lang siya kumpleto na ako..
Pero nagbago lahat yun nang malaman naming may Ovarian Cancer siya at nasa terminal stage na pala ito.
Gumuho ang mundo ko ng malaman ko yun. Paano na ako? wala kaming kamag-anak dito.
Ulila rin ang mommy ko. Nagsikap siyang makapagtapos ng pag-aaral kaya nakapagtrabaho sa isang kompanya. Pinilit ko siyang lumaban para sakin. Nagpagamot siya, lahat ng treatment ginawa na sa kanya hanggang sa maubos ang lahat ng naipon namin.
Isang araw hindi na rin niya nakayanan ang hirap at namatay din. Ilang linggong hindi ko alam ang gagawin ko.
May mga dumating galing bangko at kinukuha na ang bahay namin pati na rin ang ilang mahahalagang gamit namin. Mga damit at personal na gamit ko na lang ang naiwan kasama na ang isang emerald necklace na niregalo ng mommy ko sakin nung 16th birthday ko, yun kasi ang birthstone ko.
Pagkaalis ng mga taga bangko at ni lock na ang bahay namin, napaupo ako sa hagdan sa harap ng bahay namin.
I really don't know what to do. I'm still a minor and didn't have anything in my hand!
Napayuko na lang ako at iyak ng iyak nang biglang may maramdaman akong tao sa harap ko.
Inangat ko ang ulo ko napangiti ako..... ang daddy ko. Niyakap ko siya agad at ganun din siya.
Dinala niya ako sa isang lugar na hindi ko alam na nag-eexist pala sa mundo.
Lugar na akala ko sa TV ko lang nakikita. ISKWATER kung tawagin ng mga classmate ko..
Lupa ang daan, maraming iskinita at ang daming bata kanya-kanyang kutuhan sa mga tapat ng bahay, sugal sa bawat kanto at inuman sa tanghaling tapat???
Pinakilala ako ni tatay (mukang nakakailang ang daddy sa lugar na to kaya tatay na lang.) Sa asawa niya si Nanay Josie at sa mga ate ko. step-sister to be exact sina Ate Kaye and Ate May.. 3yrs ang tanda nila sakin (Cinderella ang peg).
Pero sa simula pa lang ayaw na nila sakin. Nag-away agad sila ng malaman ng madrasta ko na dito na ako titira. Panibagong palamunin lang daw ako. Yung mga ate ko lagi akong iniirapan. Lagi lang akong nakayuko, sa totoo lang nahihiya naman talaga ako. Alam kong hindi na maganda ang buhay nila dito at makadadagdag lang ako, pero ano naman ang magagawa ko? Hindi nga ako marunong tumawid mag-isa sa highway eh.
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
DISCLAIMER: It's not my story po i'm just reposting it since I have a copy and because many people wants to read it again. So yeah thank you so much.
The author of this story is LaoshiLaoshi.
HAPPY READING!!
YOU ARE READING
PAMBAYAD UTANG
FanfictionSi Vivienne ay ginawang pambayad utang ng kanyang madrasta sa kaniyang pinagkakautangan at nagbago ang kanyang buhay dahil sa lalaking kanyang makikilala.