Nadine Lustre's POV
Kinagabihan, mga alas dose ng hatinggabi, sawakas, natapos na ang party at nagsialisan na ang mga kaibigan ko. Things are running smooth. They're convinced pero nalilito ako kung itutuloy pa ba namin to. What if things won't work out? Hindi ko alam ang mangyayari sa susunod na mga araw. Ang nakapagtataka lang, bakit sinuntok ni James si Daniel eh wala naman sa kontrata na ipagtanggol niya ako, diba?
"Nadine? Are you okay?" Tanong ni Bea. Tumango ako at nginitian siya. "How about you, James?" He did the same reaction. Maya maya biglang ngumiti si Bea. "I have a great idea," mukhang ayaw ko 'to. "Dito nalang kayo matulog!" She cheerfully says. "Is it fine for you guys?"
"Fine for me." James said. Wala akong choice. Malayo ang bahay namin at gabing gabi na. Tinawagan ko si mama at nag paalam na dito ako matutulog. Pumayag naman. "Okay," I finally said.
Tumulong ako sandali sa paglilinis at pag arrange ng kanyang living room. "Sorry talaga, Bea ha? Ang rami tuloy ng kalat dito." Sabi ko. "Ano ka ba, it's nothing!" Pagkatapos naming mag ayos, dumating ang kanyang isang maid na kakagaling lang ng day-off. "Ma'am Bea, pasensya na po at nagabihan ako, siksikan kasi ang bus sa bayan. Ako na pong bahala dito." Tumigil na kami ni Bea at umupo sandali sa dining area kung saan kumakain si James ng nilutong cookies ni Bea.
Aba ang saya ng buhay ng lalakeng 'to ah.
"Naku, alas dos na sa pala sa umaga. Matulog na tayo." Sambit ni Bea. "Ate pacing, paki- prepare nga ng guest room. Salamat." Guest room? "Isang room lang?!" We both said in chorus. "Yep. What's wrong with sleeping in one room?" She giggled.
Nananadya ka ba, Bea?
- - - - - - - - - - -
Ang ganda ng kwarto. Ang bango. Ang lamig. Ang problema nga lang, makakasama ko sa isang kwarto 'tong baliw na 'to. Teka, ba't isa lang ang kama??
I glared at him. "Anong tinitingin tingin mo diyan? Sa sahig ka matulog." What!? "Alam mo, NAPAKA gentleman mo talaga!" I sarcasically spit. "Alam ko. Good night." He faked smiled saka tumalon sa napakamalambot na kama. Hindi ako papayag. Suddenly, may naalala ako. Ayon sa nabasa ko sa magazine, takot siya sa ipis. Mehehehehhehe
"OMG JAMES MAY IPIS SA KAMA!! AYAN OH! HALA NASA LIKOD MO NA!!" Agad agad siyang tumayo at nagsisigawan ng " SAAN?!" Sabay tapon ng kanyang unan. Mukha siyang tanga "HAHAHAHAHAHAHHAH" I burst out laughing. Namula siya. Tumalon agad ako sa kama at binelatan ko siya. Halatang napahiya siya. Maya maya binuhat niya ako sa kanyang balikat. "Hoy! Ibaba mo ako!!" Hindi niya parin ako binababa. Sinampal sampal ko ang likod niya nang biglang bumukas ang pintuan.
"Ang sweet niyo naman, hindi ko na kayo iistorbohin" Bea chuckles then closes the door. Binitiwan niya na ako at diretso akong nahulog sa sahig. "Napakawalang hiya mo talagaaaa!" Sinugod ko siya with full force dahilan ng pagkatumba naming dalawa sa sahig. Bale ako nasa taas, siya sa baba.
#awkward
Tumayo agad ako. "Alam mo, share nalang tayo." I offered. Kunwari walang nangyari. "Mabuti pa." Tipid niyang sagot. In-off niya ang ilaw. We settled in our bed pero isang metro ang layo namin sa isa't isa. Nagtalikuran kami
Pero hindi kami natulog! O diba masaya!
"Psst," tinapik niya ako. Ungol lang ang sagot ko. "Gising kapa?" Anong klaseng tanong yan? "Hindi tulog na ako. Tulog na tulog." May sandaling katahimikan. Humarap ako sakanya. "Hindi ako makatulog." Inamin ko. "Ako rin nga eh." He replied.
"Anong gusto mong trabaho sa future? If I may ask." He said.
"Gusto ko maging isang sikat na artista."
"Wag mo na ituloy." Pagtawa niya.
"Bakit naman?"
"Mahirap. Lalo na kapag sobrang kilala ka na. Parang di ka na pwedeng lumabas ng bahay na walang dudumog sayo."
"Okay lang. Basta mapasaya ko ang mga tao, okay na."
"Iba ka rin, no? Haha teka, ano bang papel ni Daniel sa buhay mo? Ex mo no?"
Chismoso much?
Napatawa ako. "Haha best friend ko kasi siya simula noong bata pa kami. Aaminin ko, nagkagusto ako ng konte sakanya. Nalungkot ako noong pagdating niya dito galing Paris, may girlfriend na agad siya ni hindi nga kinwento saakin eh. Tsk. Kaya gusto kong bumawi. Pasensya ka na ha, nadamay ka pa."
"Okay lang," ang bait niya ata ngayon? Mas mabuti nang ganito. "Nadine, diba gusto mong mag artista? Gusto mong sumama bukas? May photoshoot ako for Bench. Para naman makita mo how things run." Omg! Nakakatuwa! "Syempre naman no! Thank you ha.. Pero paano kung magtanong sila kung sino ako?" "Simple lang yan, edi kaibigan ko haha."
Kaibigan. Sabagay ano pa nga bang ini expect ko? Eh acting lang naman ang lahat, diba? Pero akalain mo, ang bait naman pala nito. What if nasapian lang? Kung oo, sana hindi na lumabas sa katawan ni James ang mabuting espirito. Sana ganyan siya palagi. Joke hahaha ang bait na nga ng tao pinagiisipan mo pa ng masama.
Magsasalita na sana ako ng na realize kong tulog na pala siya. Tila anghel. Teka ano ka ba naman Nadine!? Diba nakasabi sa rule #4 na bawal kang ma inlove sakanya!?
Nakaramdam ako ng antok hanggang sa nakatulog na ako ng mahimbing, katabi si James Reid, ang aking kaibigan.
BINABASA MO ANG
Accidentally in Love
Fanfiction*Flashback* "James Reid" Bigla kong nasabi. Umingay na ang buong bahay.Yung iba na-schock.Yung iba naman na-amuse. "Ah talaga? Like duh,sinong maniniwala sayo?Sa pangit mong iyan,kahit halimaw matatakot sayo"Kathryn rolled her eyes at me. "Tsk.Insec...