Chapter 12

48 3 1
                                    

8:49 am nang nakagising ko. I streched out my hands in the air. Ang sarap ng tulog ko. Nakabukas ang bintana at ang liwanag. Presko ang umagang ito, sakto. "Good Morn-"

"Ano ba?! Aga aga sinisira mo araw ko eh."

Pano ba naman, e hagisan ba naman ako ng unan sa mukha!?

Ganun parin pala ugali niya tsk. Di parin marunong rumespeto.

"Hoy gusto mo bang iwan ka namin dito?! Kanina pa kita ginigising mag aalas nwebe na male-late ako sa photoshoot ko!"

Hindi ata uso ang good morning o hello sa lalaking 'to.

"Lagot, wala nga akong damit na dala!"

Kinamot niya ang ulo niya. Nainis siya pero nagsalita agad. "Sige ako na ang bahala maligo ka na nga! Hihiram nalang ako kay Bea. Bilisan mo!"

I did what he said at natapos agad. May extrang twalya naman sa loob kaya natuyo agad ako. Ang problema, anong susuotin ko!?

"HAYME!"

Nakarinig agad ako ng yabag ng paa papunta sa kwarto. "Heto o, double time please. We should be there by 30 minutes." Inabot niya ang mga susuotin ko. Nagpasalamat ako at di na nagsayang ng oras.

Pagkatapos kong mag bihis, lumabas agad ako ng banyo at tiningnan ang sarili ko sa salamin. Nakasuot ako ng puting dress na off shoulder, hanggang sa tuhod ko. Ang ganda. Di na ako nagpaligoy-ligoy at bumaba para kumain.

Pagdating ko, sakto binilaukan si James. Problema nito!?
"Good thing tapos kana. Wag ka na ngang magpabebe diyan at kumain kana." Bitter na sabi niya habang nagpupunas ng kanyang bibig.

"The dress fits you so well, you look gorgeous! Anyways, kumain ka nalang on the way, pwede? Late na kasi tayo." Bea exclaimed.

Tumango lang ako at sumakay na kami sa Montero Sport ni Bea.

Ang sarap nitong bacon sandwich at milkshake, grabe magpapa-ampon na talaga ako kay Bea.

Nakarating na kami sa studio at nag ayos ayos ako ng buhok at mukha. Malay mo, may makita akong pogi sa loob hihihi!

Sinuot ni James ang kanyang leather jacket, as usual. Pati shades, as usual. Sobrang pa-cool tong lalakeng 'to duwag naman sa ipis.

Ang gulo sa loob ng studio. Nagmamadali ang mga tao. Nakarating kami sa kanyang assigned photoshoot room at nasiyahan ang camera man na nandyan na siya. "My gosh, my dear James, bakit late ka? Mabuti naman nandito kana hala dali pwesto na." Nagkamali ako. Camera woman pala. Hihihi #confirmed.

Okay na sana ang backdrops, props and all nang biglang tumigil ang baklang photographer.

"Teka, nasaan si Kelsey?! Nakakaloka nandito lang yun kanina ah?"

OMG tama ba ang narinig ko? Si Kelsey nandito?! Oh my gas! Pero teka, nasaan nga ba siya?

Nagkagulo nanaman sila sa paghahanap. Hay nako. Stress talaga ang showbiz life. Kaya ko ba tong pasukin?

Kumakain lang ako ng swiss chocolate ng biglang sumigaw ang camera woman.

"IKAW!"

Silence. Kain lang ako ng kain. Tumingala ako. Bakit silang lahat naka tingin saakin?!

"A-ako?" Sabay turo sa sarili ko.

"Oo, ikaw! Halika nga." Tawag niya.

Huhu ang chocolate ko!

Nilapitan ko siya. Hinead to foot niya ako. "Ikot," I did as he said and did a 360 degree spin. "Smile nga."
Ngumiti naman ako nang bongga. Tumawa sila. Anong meron? "Gurl, may tsokolate pa sa ngipin mo." Tawa niya. Omg! Nakakahiya! Nilinis ko agad ang ngipin ko at ngumiti. "Hmm. Pwede na. Vivian, Allesa, alam niyo na anong gagawin. Make it quick." Instruct niya sa mga make up artists.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 10, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Accidentally in Love Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon