22

293 10 0
                                    

SI CADEN! Oo si Caden talaga 'yon! Nakita ko!”

My eyes widened in shock and my heart started getting wild.

“What the... Saan?”

Tinuro niya ang women's boutique. And there I saw him standing while wrapping his hand to the waist of the familiar girl. The girl that I knew.

My eyes grew bigger. I gulped and look at my son who's happily pointing the toys he wants.

Kia tap me. “Beshy ang putla mo na! Ano ba, kumalma ka riyan and what's wrong if ever he will saw you with your baby? Girl you've moved on right? Then proved to him na wala na lang siya sa 'yo. Ang hayop niya e kaya 'di niya deserve kayong mag-ina.”

Bea scoffed. “Ano 'to? Baliktad ka na ngayon? Parang dati lang sinasabi mo pang; ‘ano namang masama kung makita niya ang bata? karapatan naman niya 'yon bilang ama?’ tapos ngayon ba't biglang nag-iba?”

I raised a brow at her too. “What's with the sudden changes, Kiana hmm?”

Ngumuso siya. “Kasi naman.. na realized ko lang na ano.. na 'di niya deserve makilala si baby CNK ko!”

Umirap ako at bumaling sa anak ko. Pero bigla na lang akong namanhid at para akong mahihimatay nang makita kong wala na ang anak ko kung saan siya nakatayo kanina.

I panicked. My heart couldn't calm. I feel like I would faint any second.

“Bea! Kia! Oh my! Where's my son?” I ask while shaking.

I can't find him for freaking sake. Nandito lang naman kasi 'yon kanina. Hawak ko pa nga, nalingat lang ako sandali nawala na agad?

“Val, calm down please. We'll find Colt, okay? Maghiwalay na lang tayong tatlo. Doon ka Kia but please don't remove your face mask and cat eyeglasses! Baka imbes na mahanap natin ang bata, mas lalong mawawala dahil ikaw ang dinumog and you Val, don't worry, find Colt everywhere and I will do the same, understood?”

I nodded at Bea even though my whole system's panicking right now. I couldn't afford losing my son. Kasi siya na lang ang mayro'n ako. Siya na lang ang kaisa-isang dahilan para magpatuloy ako sa nakakapagod na mundo.

So what we did, we separated ways so that we can find my son. Ito rin talaga ang isa sa pinaka-kinakaba ko sa t'wing nagagawi kami rito sa mall. Makulit na bata kasi 'yong anak ko. Kung saan-saan lumulusot. Sa t'wing gagala kasi kami, kinakarga ko 'yong bata para 'di mawala pero sumobra ang pagiging kampante ko ngayon.

I look around and slightly praying na sana maayos lang ang bata.

Tumigil muna ako sa bandang banyo at kinalkal ang bag para hanapin ang phone. I dialed Kia's number to ask if she already saw Colt, same as Bea but the two answered no.

Mas lalong dumagdag sa kaba ko ang sagot nila. That means, this is really a serious state right now?

I cried silently. No please lord, not my son. Kinuha na lahat sa akin e, 'wag na 'yong anak ko po.

MABILIS lumipas ang oras pero hindi pa rin namin nahahanap si Colt.

We even called police for a help. Even the owner of the mall.

“Val please stop crying, just trust okay? For now, maupo ka muna rito habang hinihintay pa natin ang owner ng mall.” Bea said and tap my shoulder.

I wipe my tears and took a deep breath. Oo, hanggang ngayon iyakin pa rin ako. My tears are so shallow and I hate it. I hate to admit that I may look so strong outside but I am so wreck and fragile inside.

Rekindled LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon