01

51.2K 1.5K 543
                                    

"Good morning po Sir, Gov! Your breakfast is ready!"

Isang linggo na akong naninirahan sa probinsya nila Zyle. It was good. Hindi naman siya strikto at masungit. He was the opposite of a superior boss. Mas lalo pa akong napalapit sa kaniya dahil sumasama ako sa mga kampanya niya.

"I'm not yet the Governor, Selina." he corrected me again.

Tumatakbo pa lang naman siyang Gobernador at hindi pa sigurado kung mananalo siya. Pero gusto ko lang siyang tawaging ganon!

"Doon din naman 'yon papunta ah?" Tanong ko at sumunod sa kaniya pababa.

"No. We don't know. There's no guarantee." he said as he walked inside the dining area. "Where will we go today?"

Binuklat ko ang folder kung nasaan ang schedules niya. Marami pang lugar ang hindi namin napuntahan, mukhang kukulangin kami sa oras dahil gustong puntahan ni Zyle pati ang mga maliliit na baryo.

"Sa morning doon sa may Mall, you'll cut ribbons." I informed him.

Tiningala niya ako. "And in the afternoon?"

"On barangay Alangilan, for campaign." sabi ko.

Tumango ito at hinila kaonti ang upuan niya para makapagpwesto sa may lamesa. The maids were serving the food. Nagtaka naman ako nang tignan niya ulit ako.

"Bakit?" nagtataka kong tanong.

"Are you just gonna stand up there and watch me eat?" he arched a brow.

Nataranta akong umupo sa may side. "Sabi ko nga! Kakain din ako!"

Tahimik kaming kumain at tila'y tunog lang ng kubyertos naming dalawa ang naririnig. Hindi ko alam kung bakit ko tinaggap 'yung offer ng daddy niya! Buti at wala kaming pasok for a month, so I can eventually be there with him.

Noong una ay ayaw pumayag ni mama, pero wala din siyang nagawa nang si daddy ni Zyle ang nakiusap. My mom was also campaigning for one of the Board Member in the first district of Ilocos Sur that is also under of Zyle's dad.

"Kumain ka ng marami baka late tayo makakapaglunch." Utos nito sa akin.

Kakain talaga ako, sino ba naman ang hindi kakain kung nakahain na sa harap mo ang mga iba't ibang klaseng pagkain.

Nauna pa siyang natapos kaya binilisan ko na lang dahil mukhang nagmamadali siya pero hindi man lang ako minadali, bagkus ay nagcheck lang ito ng phone hanggang sa natapos ako.

"Are you done?" he asked and while putting back his phone on his pocket.

Tumango ako. "Opo."

"Okay, let's go then," he stood up. Napatayo na din ako at binilisan ang pag-inom ng tubig. Papasok na din ang mga katulong upang magligpit ng pinagkainan namin.

"Alis na po kami Manang!" kumaway ako sa kanila bago tumakbo palabas.

Ngunit napahinto din ako agad nang makitang nakasandal lang sa pintuan ng sasakyan niya si Zyle at nakatitig sa akin na naglalakad pababa ng hagdanan nila sa front door.

"Sit beside me," he opened the backseat door of his car.

"Ha? E sa harap po ako." I pointed the shotgun seat.

"Not anymore." Hinila niya ng maingat ang kamay ko para pumasok na sa sasakyan. "Kailangan pa talagang hinihila kita ah?"

He smirked and sat beside me. Umandar na din ang sasakyan pero hanggang ngayon at tulala pa din ako sa ginawa niya. Oo na! Crush na crush ko nga siya e at alam kung alam niya 'yon!

First Love Of May Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon