02

40.5K 1.4K 648
                                    

"Wala na ba kayong magawang tama!? Puro palpak 'tong ginagawa niyo ngayong week!"

Halos lumabas na ang eardrums namin dahil sa sermon ni Zyle. Parati na lang siyang badtrip simula noong huling usap namin. Nagagalit ito kahit sa maliit na bagay. Marami na ding umiiyak kapag sinesermonan niya sila.

"S-sir, hindi po kasi namin alam-"

"So kasalanan kong wala kayong alam?" he cut her off angrily.

Kinakabahang napailing ang sekretarya niya. "H-hindi po. Kasalanan po namin kasi hindi kami nakinig noon."

Bumuka ang bibig niya para sana magsalita pero agad ding tiniklop ang bibig nang nakitang naiiyak na ang babaeng sekretarya niya. May nagbalita kasi sa kaniya kung anong mga ginagawa ng mga staff niya.

Kung saan-saan na daw kasi sila nagpoposter, tapos hindi pa daw sila nagtratrabaho at nakikitang kumakain at tumatambay lang. Tapos hindi pa nila naibigay 'yong mga merch niya sa every chairman ng municipality.

"Damn! I don't know what to do with you anymore!" He fired at us. "Get to work now!"

It's just natural din na magalit siya lalo na at hindi nila ginagawa ang trabaho nila ng maayos.

Mabilis silang umalis sa opisina niya dito sa headquarters. Siya naman ay padabog na umupo sa swivel chair at marahas na binuksan ang laptop niya. He even brushed his hair backwards, getting annoyed with the situation.

Lumabas din ako para kumuha ng memeryendahin niya. He was stressing himself for a while now. Nagtimpla na lang ako ng kape niya dahil paborito niya ito at kumuha na din ng slice ng cake sa may refrigerator bago ulit pumasok sa opisina niya.

Hindi man lang ako dinapuan ng tingin kahit na dinig na dinig niya ang pagbukas ng pintuan. Pero kahit ganon ay lumapit ako sa may side niya at ipapatong ko na sana ang meryenda niya ngunit bigla itong tumayo dahilan kung bakit niya nasagi at natapon ang kape.

"What the fuck!? What are you thinking!?" malakas niyang sigaw na nagpakaba sa akin.

"S-sorry, hindi ko sinasadya," I immediately kneeled down to pick up the broken pieces of the mug.

Mariin itong nagmura at sinipa ang upuan niya. Dahil sa gulat ay nahigpitan ko ang pagkakahawak sa bubog kaya natusok ang palad ko at lumabas ang maraming dugo.

"Get fucking out! Tignan mo! Nabasa na 'tong mga papers! These are important, Selina!" His voice thundered.

"H-hindi ko naman sinady-"

"That's enough! Kanina niyo pa 'yan nirarason! Naiirita na ako! Just get out!" Pinutol niya ako.

"Gusto lang kitang bigyan ng meryenda." hindi pa din ako nagpapatalo.

He rolled his eyes and rotated his head. "Wala akong pakialam sa meryenda mo. Did I even told you to make one for me!?"

Suminghap ako at pinigilan ang nagbabadyang luha. Hindi ko naman ginusto na matapon 'yon. Atsaka gusto ko lang siyang bigyan ng pagkain dahil hindi pa siya kumakain simula kaninang umaga.

"Hindi, pero hindi ka pa kumakain kaninang umaga." I said that made him groaned.

"You don't care about that anymore! Wala kang pakialam sa buhay ko! You are just my P.A and there's nothing more! Kaya huwag na kang umakto na parang sobrang close natin! Because we are not!"

He slapped me real hard by the words he said. Totoo nga, bakit ko ba kasi siya pinagsisilbihan ng ganito?

"I-I'm sorry, l'll help in those pape-"

First Love Of May Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon