16

36.9K 1.1K 47
                                    

"Titigil ka? O sasapakin kita? Wala akong pakialam kung anak ka ng Bise Presidente!"

Kahit na nasa loob na kami ng sasakyan ay hindi pa din ito natatahimik sa pangungulit sa akin. Talak ng talak e hindi naman kanais-nais ang pinagsasabi niya. Kinukulit lang ako dahil sa surname! Kung wala lang talaga ang mga bodyguards nito ay matagal ko na siyang sinuntok.

"Grabe talaga kapag may period ka!" bulong na ang huling linya niya.

Sinamaan ko ito ng tingin at pinakitang guguntingin ko ang dila niya kapag hindi pa siya tumigil. Hindi ko alam kung natakot ito sa akin o napagod kakasalita! Pero tumigil na naman siya. Naunang bumaba ang magulang ni Zyle bago kami sumunod.

Napalayo ako ng kaonti kay Zyle nang makita ang titig ng mommy niya na nakakatakot, parang mangangain ng tao. Napansin yata ito ni Zyle dahil nagpahuli naman!

"Lumalayo ka na naman ba ha?" madiin niyang bulong habang magkasalubong ang kilay niya.

I acted normal. "Hindi no! Masakit lang paa ko."

"Saan?" nagulat ako nang bigla itong lumuhod. Shit! Napatingin pa lahat ng mga bodyguard at kasama ng mga magulang niya.

"Zyle! Tumayo ka nga!" pabulong kong sigaw sa kaniya.

"Can you walk?" tiningala niya ako.

"Tumayo ka na nga-"

"I'm asking you, Selina." he cut me off. ""Can you walk up the stairs?"

"Oo na! Kaya ko! Tumayo ka na!" baka mamatay na ako dahil sa tingin ng mommy mo!

Akala ko ay makakahinga na ako nang tumayo ito pero parang mawawalan na ako ng buhay nang iangat niya ako.

Tangina. Bakit ba kasi 'yon ang naisip kong rason!? Baka hindi na tuloy ako makauwi sa bahay namin! Lahat ng mata na naroon ay nasa sa amin. 'Yung mga bodyguards lang ni Zyle ang parang kinikilig pa! Gusto ko silang kutosin!

"We're going now, mom," bumaling din ito sa daddy niya. "Masakit paa niya."

"Okay," his dad replied simply.

Napalunok ako nang makitang gustong tumutol ang mommy niya pero nilagpasan lang ito ni Zyle. Mahigpit akong napahawak sa leeg niya at tinignan itong seryoso sa paglalakad.

"Zyle! Hindi diyan ang kwarto ko!" wika ko nang ibang hallway ang pinasukan namin.

"I told you, we'll sleep in the same room." he said in a baritone voice.

"Gusto mo talaga yata akong mapagalitan sa mommy mo!" Singhal ko at pinalo ang dibdib niya.

"Kung mabubuko lang tayo," he smiled devilishly.

I curiosly looked at him. "Ano bang pinagsasabi mo!?"

"Mapapagalitan lang tayo kung pumalpak sila," he smirked and opened the door of his room.

Nagulat din ako nang makita ang mga gamit ko roon. Kumpleto na! Dahan-dahan niya akong inihiga sa may kama at tinulungang tanggalin ang sapatos ko. Agad nitong minasahe ang isa kong paa pagkaalis niya sa sapatos ko.

"Zyle." pagkuha ko sa atensyon niya. "Hindi masakit ang paa ko."

"Alam ko." Tinuloy nito ang pagmamasahe at pasimpleng binaba ang hem ng dress ko.

"Babalik na ako sa kwarto ko." determinado kong sabi.

Umiling ito. "This is our room."

First Love Of May Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon