18

37.6K 1.1K 231
                                    

"Ma'am! Sir! Tawag po kayo ni VP!"

Naputol ang titigan namin dahil sa sunod-sunod na katok sa pintuan. Tumayo kaming dalawa. He went straight towards the door and opened it. Sumunod naman ako sa kaniya at narinig ang sinsabi ng staff nila.

"Kakausapin daw po kayong dalawa. Nasa dining area na po siya." saad ng staff.

"Si daddy lang ba? Or nandoon din si mommy?" Zyle asked.

"Si mommy niyo po ay bumyahe na patungong Manila dahil may imemeet daw ito kaya ang daddy niyo lang po ang naiwan." the staff informed him.

Nakahinga naman ako doon ng maluwag. Nakakatakot kasi itong magsalita o tumingin man lang. Alam ko din naman kasi na hindi niya ako gusto para sa anak niya. Matindi ata ang galit sa akin.

"Okay, susunod na kami." umalis na din ang staff.

Nagbanyo muna ako ng saglit at inayos ang sarili bago bumaba kasama si Zyle. Napakaraming nagbabantay ngayon rito. Eto ang hindi ko gusto sa politiko, dahil palaging nanganganib ang buhay nila. Kaya ayaw na ayaw kong mag-asawa ng politiko e, kasi baka maaga akong mawalan ng asawa!

"Hello po," mahinhin kong bati sa daddy ni Zyle.

Ngumiti ito sa akin. "Upo kayo ditong dalawa."

Naupo ako sa malayong side ng lamesa para saan umiwas kay Zyle, pero siya naman ang lumapit! Nilapit pa ang upuan ko sa kaniya! Nasulyapan ko ang titig ng daddy niya sa amin kaya bigla akong nabahala!

I wanted to shout at him so much! Hindi ko pa tuloy alam kung anong gagawin kong maganda.

Pinanlakihan ko siya ng mga mata ng hindi nakikita ng daddy niya. "Doon ka na sa kabila."

"I'll stay here with you. Tabi tayo." he even said like his daddy is not here with us.

"Isa, tatamaan ka talaga sa akin. Nakakahiya--"

"Hayaan mo na siya hija. Hindi 'yan titigil hangga't hindi nakukuha ang gusto." his dad said.

Gaya ng sinabi niya, hinayaan ko na lang ito at umupo na. The workers there also gave us food and drinks. Ngunit dahil katatapos ko lang ay hindi ko na 'yon ginalaw pa. I'm still so full by the food earlier.

"So, ayon na nga, pintawag ko kayo para humingi ng pabor." panimula niya. "I'm about to ask you to visit a place...."

"Yeah, sure dad. Saan ba 'yon?" relax na sabi ni Zyle.

"Baryo, malayo sa sibilisasyon." diretsong saad ng daddy niya.

I didn't expect this. Akala ko ay sa malapit lang o mga siyudad pero dahil dito ay medyo kinabahan ako. Ibig sabihin nito ay bibisitahin namin ang isang liblib na lugar? Oh my God! This was not I expected to be, akala ko magiging assistant lang ako but it's so much worser now!

Zyle shifted on his seat, getting alert now. "Baryo? Bakit kailangan pa namin puntahan 'yon dad?"

"Ako dapat ang pupunta kaya lang may schedule din ako sa ibang place." wika ng daddy niya. "You just have to go there and pay them a visit."

"And how many days?" he quickly asked.

"You'll just stay there for overnight," sabi niya na nagpakalma rito.

"Kailan punta namin?" tanong na naman ni Zyle!

"Ngayon. Saktong umaga na kayo makakarating doon. You'll take a chopper to their airport there and ride a car going there." his dad ended the conversation.

First Love Of May Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon