"Anong sabi ng mommy mo? Hindi ba siya nagalit sayo?"
Here I am, asking Zyle questions that are supposed to be obvious. Kaya ito ang pinupunto ko, I don't want to engage with Zyle especially when I know that I don't have a chance to his family. Alam ko na naman noong una na, wala talaga akong pag-asa at mas pinapakita lang 'yon ng mommy niya sa akin.
I will never be enough for them. Malaki ang mundo, nila napalaki na napakahirap abutin. At kahit maging sapat man ako kay Zyle kung wala namang approval mula sa mga magulang niya ay wala pa din akong magagawa. I came from a conservative family, at alam kong isa sa mga tradisyon nating Pilipino ay ang apruba ng ating mga magulang whether it might be marriage or just a typical relationships.
"Don't mind her." he boredly said as he lay down on bed.
Nagalit nga. "Sabi ko kasi sayo, e, dito na lang dapat ako."
"She did not give birth to me for the purpose of dictating my decisions." ramdam na ramdam ko ang inis nito.
"Pero magulang mo pa din siya, you have to respect---"
"I'm respecting her, she is not." he cut me off.
Inabot nito ang mga make up ko at iba pang mga kaartehan ko sa tabi niya at sinuri ang mga ito. Binasa pa niya ang mga ito isa-isa habang nakakunot-noo. Kasalukuyan kong inaayos ang gamit ko dahil wala naman kaming pupuntahan ngayon. Hindi ko pa nga alam kung sasama kami sa Iloilo o hindi na.
Umalis din kasi ang mga magulang nito. Nakipagkita din ata sa mga politiko dito sa Cebu at nagpasalamat. Parang hindi nga busy 'tong lalaking nakahiga dito sa kama ko e. Pinagmamasdan lang akong mag-ayos o kinakausap ako.
"Hintayin daw natin si daddy mamayang gabi," he informed me. Tinungkod nito ang braso sa may sentido niya at tumagilid upang makita ang ginagawa ko.
"Bakit? Hanggang kailan ba tayo dito?" tanong ko.
"Mamayang gabi? Or tomorrow." hindi niya sure na saad.
Nagpatuloy na lang ako sa pag-aayos para maging handa na din anytime. Si Zyle ay tinawag ng isang staff dahil may dumating na bisita ng daddy niya e. Inatasan muna itong mag-welcome rito habang wala ang daddy niya. He even told me to go down pero dahil nahihiya ako ay nanatili na lang roon sa sa kwarto.
Ginawa ko na lang din ang ibang mga paper works ko at sa wakas ay nakatapos din ako ng madami-dami. Busy pa siguro si Zyle kaya nang mag_aalas tres na ay pinadalhan na lang niya ako nang meryenda. Siguro ay natanto na ayaw kong bumaba.
Akmang isusubo ko na ang buong bibingka ng tumunog ang cellphone ko.
Zyle:
Do you need other things? Do you want otap?
Hindi pa ako nakapagreply ay nagsend na ito ng mga litrato ng mga pagkain na naksalang sa lamesa nila.
May lechon, liempo, daing at iba pang mga pagkain na hindi ko alam ang pangalan. Natakam bigla ako dahil sa mga litratong pinadala niya. Mas masarap pa kung may kanin!
Napatayo ako nang marinig ang katok sa pintuan. Tumakbo ako at binuksan 'yon. Agad na bumungad sa akin ang mga iba't-ibang pagkain na dala ng mga nagtratrabaho sa pinagtutuluyan namin. Ipinasok nila ito nilagay sa lamesa.
"Ma'am pinapabigay po ni Sir Zyle." ani ng babae.
Ngumiti ako sa babae at hinatid sila sa may pintuan bago nagpasalamat ulit. "Salamat po."
Nang masarado ko ang pintuan ay tumakbo ako papalapit sa lamesa at kumuha ng lechon. A sticky note caught my eyes. Nakangiti ko 'yon kinuha at binasa ang magandang sulat mula sa taong nagpapatibok sa puso ko.
BINABASA MO ANG
First Love Of May
RomanceZyle Kevin Villavieja was the eldest son of the President of the Republic of the Philippines, and he shared his father's interest in politics by pursuing a career in politics himself. He was a man of ideals who was always willing to help those in ne...