"May mga damit talaga na tig-twetwenty?" Hindi makapaniwalang tanong ni Zyle.
Dumeretso na din kami pagkatapos namin sa Moressi. Hindi pa nga siya nagsasalita at namumula hanggang sa dumating kami dito. Buti na lang din at may alam 'yung mga bodyguards niya sa mga ukay-ukay shop, at ayon, tumitingin din sila.
"D-don't tell me hindi mo alam?" I chuckled.
"No." sabi niya. "A-actually this is my first time coming to shop like this."
"Seryoso ka diyan!?" tanong ko habang hinahawi ang mga hanger na may damit.
"Yes. What's this called again? Ukay what?" I heard him asked who's also looking clothes at my back.
Kinuha ko ang polo na kulay blue at saka itinapat sa kaniya. "Ukay-ukay, napakaarte mo pang magsabi."
"Well, its name is very interesting."
"Maganda 'to. Kuhanin na natin, pwede mo 'tong gamitin kapag nangampanya ka kasama daddy mo." aniya. "Blue pa naman, pero baka hindi ka nagsusuot ng ganito ka mura."
Akmang ibabalik ko na sana dahil narealize kong anak siya ng mayaman na tao pero agad din niyang hinawakan ang kamay kong may hawak doon sa damit.
Nagtataka ko siyang tinignan. "Bakit?"
"Are you going to buy that for me?" he asked in a cute voice.
"H-ha? Eh, oo... I m-mean hindi! Hindi ka naman nagdadamit ng mura!" wika ko at tumalikod na.
"What!?" he went infront of me. "Buy it."
Napakurap-kurap ako, he just remained pouty like a child. What the hell is wrong with him?
"Huwag na, marami ka ng damit." sagot ko.
"I don't have a damit from ukay-ukay! Bilhin mo na please!" I don't know why he is like this.
"Ukay-ukay lang 'yan. Bumili ka na lang sa mas maha-"
"'Yan yung gusto ko, Selina." pamimilit pa niya. "Buy it, buy it for me please?"
"Okay! Bibilhin ko na! Hindi ko alam kung bakit mo 'yan gusto." I gave up.
Nagdiwang pa ito ay may binulong sa sarili na hindi ko narinig. He was so happy. Lalo na nang bayaran ko 'yon at ibigay sa kaniya. He even put it in a safe area on his car. He looks so, so, so weird. Parang bata na nabigyan ng candy.
Kinabukasan ay nanatili lang kami sa condo niya. He had a meeting with his staffs sa Batangas, kinamusta niya din ang mga ito habang nasa malayo kami. Binilin niya din ang mga ito ng mga bagay-bagay.
"Yes, I will just let you know about it. Sa Cebu kasi kami paparoon sa susunod na bukas." he was talking with someone in the phone.
Umupo na lamang ako sa may couch at binuksan ang TV. Nanood na lang ako ng mga palabas sa umaga at nawili naman doon kaagad. So, we still have two days and so? Napatingin ako sa tabi ko nang maramdaman may umupo roon. I saw Zyle in his messy hair.
"What do you like to eat? We can order." panimula niya.
"Greenwich sana," mahina kong sabi.
"I'm guessing, a pizza?" napalingon agad ako sa kaniya. "You're watching it, now."
He pointed the television, and he's right. Naglalaway na ako dahil sa sarap ng pizza na nasa TV. Nagcracrave na naman ako, favorite na favorite ko kasi yung Hawaiian Pizza, it smells so good. Tapos kasi paborito ko din ang Greenwich, matagal na akong hindi nakakabili roon.
BINABASA MO ANG
First Love Of May
RomanceZyle Kevin Villavieja was the eldest son of the President of the Republic of the Philippines, and he shared his father's interest in politics by pursuing a career in politics himself. He was a man of ideals who was always willing to help those in ne...