Days passed by quickly like how clouds do. Tatlong araw na lang bago mag-eleksyon. The people in the house were very busy. Maraming mga pumapasok at mga lumalabas na staff's. Dito na din sila nagmemeeting, hindi ko nga din maintindihan si Zyle at ayaw lumabas ng bahay kahit maraming bodyguards ito.
Nadagdagan din kasi ang mga tauhan dito sa bahay niya. May nakapagsabi kasi kila Zyle na may binabalak daw na masama ang taong nasa likod ng pamamaril noon sa Ilocos. And they said that they were up for something. Nakakatakot nga minsan dahil tila'y may nagmamasid sa labas.
"Kanina ka pa nakahiga, aren't you hungry?" Tanong ni Zyle na kakapasok ng room. Dumeretso ito sa table niya at kinuha ang laptop roon.
"Hindi. Gusto ko lang matulog." sabi ko at niyakap pa ang unan.
Hindi ko na ito narinig na nagsalita imbes ay agad na naramdaman na ang palad niya sa noo ko. Napamulat ako ng mata.
"You're not sick though," umupo ito sa tabi ko at tinitigan ako ng mariin.
"Gusto ko nga lang matulog, Zyle." Hinawi ko ang kamay niya at tinalikuran siya.
Natutulog 'yung tao e! Tapos dadating siya at mangugulo nga pahinga!
I heard him sighed. "l'll go now then. Bumaba ka na mamaya para makakain na."
Tumango-tango na lang ako at sinenyasan siya na umalis na. Before going out, he gave me a kiss on the side of my forehead and my shoulder.
Ang mommy ni Zyle ay himala at hindi na nagpakita pa kasama ang Mika na 'yon. Busy na din yata kasi siya sa kampanya ng asawa niya. Malapit na din matapos ang bakasyon ko kaya siguradong babalik na ako sa Ilocos pagkatapos ng eleksyon. Madami pa naman akong gagawin.
Nang mag-alas onse na ay bumaba na din ako. Saktong nag-aayos na ang mga kasamabahay ng pagkain sa may veranda kung nasaan sila Zyle. I saw him talking formally while typing on his laptop. Inabot din niya ang isang papel na hindi man lang sinusulyapan ang taong nag-abot noon.
"Good morning po ma'am! Glowing po kayo ah!" maligayang bati ni Ron.
"Sana naman hindi 'yan joke no?" pinanlinsikan ko siya ng mata.
Alam na alam ko kasi 'tong lalaki na 'to!
Ngumuso pa ito at sinipat ako. "Ano ka ba ma'am! Alam niyo naman na hindi ako sinungaling."
"Oo. Chismoso nga lang." sabi ko at nilagpasan siya.
Nagtungo ako kay Zyle na nakatalikod sa akin. Nang hawakan ko ito sa balikat ay napatalon pa at mabilis na lumayo. He looked shock and disgusted before knowing that it was me. Nagbago ang timpla ng mukha niya at agad na umamo.
"Selina! You scared the shit out of me!" He even held his chest.
I pouted. "Bakit? Hinawakan lang naman kita ah!"
Unti-unti itong lumapit sa akin kahit na marami ang nakakakita.
"I fucking thought, that, that bitch is here again." he whispered. "Lalo na at ayaw kong hinahawakan niya ako."
"Wehhh..." I trailed off.
"You don't like it too." he said and hugged me.
"Sino ba naman ang may gusto non? Well, depende na lang kung gusto mo." sabi ko sabay irap.
"Bakit ko naman gugustuhin? Nariyan ka naman para hawakan ko." he said flirty.
"Yuck!" Napangiwi ako at hinampas siya agad. "Itahimik mo nga 'yang bunganga mo Zyle!"
BINABASA MO ANG
First Love Of May
RomanceZyle Kevin Villavieja was the eldest son of the President of the Republic of the Philippines, and he shared his father's interest in politics by pursuing a career in politics himself. He was a man of ideals who was always willing to help those in ne...