Part IV

47 1 4
                                    

Etong picture taas si PSYCHE yan hihihi ganda ^_^

PSYCHE's Pov

Hila hila ko si.. Umm.. Di ko alam pangalan niya. Bakit kasi nahimatay pa to? Sabagay sino ba naman ang hindi matatakot sa kagaya kong estatwa na bigla biglang nabubuhay.

Kanina pa to tulog, at nahipo ko din yung noo niya , mainit yon.
Pano ko ma eexplain sakanya yung mission ko? Gusto ko na maging tao eh. Atsaka parang nakakapanibago naman tong mundo ngayon, parang ang dami na talagang nagbago. Ilang taon kaya akong nakahinto? Buhay pa kaya si papa? Sana oo miss na miss ko na kasi siya.

Ihiniga ko tong lalake sa lamesa. Napaupo nalang ako sa swivel chair sa pagod sa pagbuhat sa lalakeng to. Payat payat ko na nga nagpapabuhat pa siya.

Binuksan ko yung drawer, maghahanap lang sana ako ng kalendaryo gusto ko malaman kung anung year na ba.

" 2015?" Di makapaniwalang bulong ko sa sarili.

1998 pa nung huli akong nakalanghap ng hangin. Edi 18 years na ang nakakalipas?

"Mommy.. Mommy.." Nagsasalita siya habang nakapikit, magigising na ata siya. Dali dali ko namang ibinalik yung kalendaryo sa drawer baka kasi mapagkamalan pa kong magnanakaw ng kalendaryo.

Pabaling baling yung ulo niya habang hinihingal. Binabangungot na siya?
Bigla naman siyang dumilat.

Parang pamilyar yung mukha niya. Parang nagkita na kami di ko lang maalala kung saan.

"Gising kana pala, gusto mo bang kumain?" Maganang bungad ko sakanya.

Kinusot muna niya yung mata niya bago tumayo.
Narinig niya kaya ako?

Tapos nilingon niya ko nanlaki nanaman mga mata niya.

"I-ikaw?" Halata ang takot sa mga boses niya.

"PSYCHE nga pala." Nagpakilala na ko pero lumalayo lang siya sakin.

"Wag kang matakot. Di kita sasaktan." Pakiusap ko pa rin sakanya.

Imbis na pakinggan niya ko kinuha niya lang yung baseball bat sa may cabinet. Nako mukhang babalian pa ko ng buto nito.

"Aswang ka! Halimaw!" Sigaw niya sakin.

Habang lumalapit ako siya naman tong layo ng layo. Ang kulit naman kasi niya, ako na nga tong nag alaga sakanya nung unconscious siya tapos ako pa rin tong halimaw?

PIERRE's Pov

Kahit nanginginig tong mga tuhod ko tuloy pa din ako sa pag atras. Kesa naman mahabol pa ko nitong halimaw na to. Pero pag nalapitan niya naman ako nakahanda ako na ipalo sa ulo niya tong bat.

"Ano ba naman, makinig ka naman sakin." Sigaw pa rin niya isang hakbang nalang ang pagitan namin.

"Sige lumapit ka! I-ihahampas k-ko sayo tong bat na to." Pagbabanta ko kaya naman tumigil na siya sa paglapit sakin at sumimangot.

Kinakapa ko na yung cellphone ko para tawagan si daddy pero di ko makapa yun sa bulsa ko.

"Eto ba hinahanap mo?"

Iwinagayway niya pa yung cellphone ko sa ere. At ngumiti ng nakakaloko.

"Akin na yan!! Kundi.."

"Tatawag ka ng pulis?" Nakangising sabi niya

Kinalikot pa niya yun, animo'y nang iinis pa.

"Son, where tha hell are you? Its 12 midnight already!!" Parang bata na boses niyang binabasa yung text ni daddy sa harap ko.

100 Days to break the curseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon