Pierre's povLike a Gladiatoooooooor
Like a Gladiatooooooor
Ano ba yan.. Ngayon pa tinugtog yang Gladiator na yan =_=
Buset na radyo
Pinatay ko na ang radyo para matapos na. Baka mamaya puro gladiator pa tugtog sa lahat ng station.
Nagd-drive ako papunta sa condo nang biglang patugtugin yan ng Dj
Na LSS na rin ako sa kantang yun. Pano ba naman tuwing magkasama kami ni Pisay lagi niyang kinakanta yun.
Nakakapagtaka pa kinakanta din yun sa panaginip ko.
Feeling ko nga ako yung bata dun eh
Maaaring hindi naman..
Ahh basta! Ang gulo!
Napasapo ako sa ulo ko dahil nag uumpisa nanaman itong kumirot.
Bawal yata akong mag isip ng sobra
Pagkadating ko sa condo ay sumalubong kaagad saakin si Pisay.
"Hi pierre!" Sabay nag-wave pa siya ng kamay.
"Where's demi?" Tanong ko
Tinuro niya ang kwarto kung nasan si demi gamit ang nguso niya..
Tamad talaga sumagot to
Kaso pinigilan niya ko nung akmang pipihitin ko na yung doorknob
"Natutulog siya" Sabi niya pa
Dibale si Pisay naman talaga ang pakay ko, may goodnews na ko sakanya.
***
"Talaga pierre? May ka-date ako?" Di makapaniwalang aniya
We're heading onto Baltazar's restaurant.
Actually family ni Jiro ang may ari nun kaya sigurado kilala na ko doon
"Oo, kaya ikaw umayos ka ha! Act normal" i pleaded
Kinakabahan ako baka kasi may gawin nanaman siyang kakaiba, mapapahiya ako kina tita Juliana (Jiro's mom)
"Eto naman! Anung kala mo sakin? Baliw? Mas normal pa ko sayo mag-isip eh" masungit na sabi niya
Napa-iling nalang ako
Normal daw? Nako kundi ko pa siya bistado! May pagka abno din siya eh.
"We're here"
Nagmadali naman siyang bumaba ng sasakyan. Excited yata :3
Sana hindi siya mabuking ni Russell.
Si Russel yung kalaban ng team namin sa basketball, pero close pa din kami pano kaklase ko kasi siya at seatmate ko pa.
Alam ko mabait naman tong si russell kaya naisipan ko na iblind date sila nito.
Habang naglalakad kami papasok ng resto ay hindi siya mapakali sa kakakagat ng kuko niya sa mga daliri
Parang pamilyar yung ginagawa niyang yon. Di ko lang maalala kung saan?
Bigla niya kong tinanong kaya bumalik nanaman ako sa reality
"Sino nga pala yung ka-date ko? Mabait ba?" Nag aalalang tanong niya
BINABASA MO ANG
100 Days to break the curse
FantasyA moving statue? May ganon ba? Ewan ko di ako mahilig sa fantasy, pero mababago yon pagdating ng isang disaster sa buhay ko. A very beautiful disaster... i guess.