Part X

12 1 0
                                    


Pierre's pov

"Oh bakit nag iisa ka dito? Ayaw mong maki-party?"

"Ayoko nga.. Hindi naman ako marunong sumayaw eh"

"Hahaha! Halika! Sayaw tayo!"

"No way!"

"Tara na! Kaya mo yan! Tara na!"
















"Hanz Pierre! Hindi ka ba talaga tatayo jan??!"

Oh f*ck! Si daddy nasa kwarto ko na!!

Dahan-dahan akong tumayo at nagkusot muna ng mata

"Look what time is it!" Gigil na saad ni daddy

Tinignan ko naman yung wall clock at alas-onse na pala! Late na ko!!

Halos madapa na ko nang pumunta sa CR. Wala na kong pake kung sumubsob ako may exam kami ngayon eh.


***

I'm on my way to school, kaso malas pa dahil traffic!

Anak ng! Wala na to! Late na late na ko

Siguro sa susunod na subject nalang ako papasok

Dahil mamaya pa naman yung next class ko naisipan ko munang dumaan kay Psyche the tree..

Psyche? Magkapangalan pala sila nung Barbie na yun. Well mas gusto ko naman tong puno na to kesa sakanya.

Umupo ako at sumandal sa puno,

Sana madala ko dito si Demi para malaman niya kung gano kasarap tumambay dito.

It's so relaxing...

"Psyche.. Magkakaanak na ko."

Kinakausap ko itong puno na para bang makakasagot ito.

"Sasabihin ko na ba kay daddy?"

Sa totoo lang, natatakot ako kay daddy pag nalaman niya na nakabuntis ako.

Baka kung anung mangyare.

***

"Son, ikaw na bahala dito ah? I trust you" paalam ni daddy bago lumabas ng shop.

Pagkatapos ng klase ay pupunta sana ako sa condo kaso tinawagan ako ni daddy.

Sooo eto na.. Bukas na ang negosyo nila at ako ang manager.

Yes! Dagdag sa allowance!

Di ko alam kung sino tong pinagkukuha ni daddy? 2 babae na mukhang kaka-ahon lang sa harina. Tadtad ng foundation eh -_-



Psyche's pov

Di ko alam kung anung ginagawa dito nung kaibigan ni Pierre? Kanina pa kain ng kain. Lahat nung ginawang meryenda ni Demi siya lang ang kumain. Juice nga lang nainom ko eh.

"Hahaha alam mo Jiro, hindi ka pa din nagbabago ano? Matakaw ka pa rin" pang aasar pa ni demi kay jiro.

Oo nga ang takaw takaw niya kaso hindi naman siya tumataba eh, ang totoo niyan ang laki ng muscle niya.

Napansin yata ni Jiro na kanina pa ko nakatingin sakanya.

Base kasi kay pierre loko-loko tong si Jiro kaya inoobserbahan ko talaga siya.

"P-pisay! Ayaw mo bang kumain?" Sabay abot niya nung sandwich na nasa plate.

"Ayoko, mas kailangan mo yan" nginitian ko pa siya ng pagkalapad-lapad.

100 Days to break the curseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon