Part VIII

18 2 0
                                    

Psyche's Pov


"Umm pisay?" Tawag saakin ni Demi kaya napalingon ako para maghintay ng isasagot niya

"Kung may kailangan ka.. I'll be at the kitchen, tawagin mo lang ako"

Tumango naman ako atsaka siya tumuloy sa kusina

Mabait pala siya ano? Kaya siguro patay na patay dito si Pierre.

Agaw pansin sakin yung napakalaki niyang bintana.. Kaya lumapit ako dito

Mahina kong kinakanta yung theme song namin ni Shon.

Siguro nagtatakha kayo kung sino si Shon? Yun yung kaibigan ko dati nung Highschool ako, actually mas bata pa siya sakin grade 6 lang siya. Pero matibay ang pagsasamahan namin inspite of our age. Di ko na alam kung nasan siya? Bigla nalang kasi siyang nawala, lumipat daw ng bahay. Nalungkot ako nun kasi siya lang talaga yung totoo kong naging bestfriend lagi kaming nagtutulungan.. Hanggang ngayon di ko pa din siya nakakalimutan.

At hanggang ngayon umaasa pa din ako na magkikita kami.

"Pisay?" Lumapit sakin "umiiyak ka?" Alala niyang tanong

Hala? Umiiyak na pala ko? Nakakainis di ko naramdaman yung luha sa mukha ko.

Agad ko naman itong pinunasan gamit ang kamay ko

"H-hindi! Napuwing lang ako kasi.. Ang lakas ng hangin" bigla akong napangiti

"Ah! Haha! Ikaw naman kasi bakit nakatapat ka jan sa malaking bintana na yan?" Umupo siya sa may sofa at umupo na din ako dun para makipagkwentuhan sakanya

"Hahaha!" Tawa nalang din ang naisagot ko.


***


Demi's pov

Nag excuse ako kay Pisay dahil may tumatawag sa cellphone ko.

And its only Jazz..

"Hello? Jazz?? Are you out of your mind?! Alam mo namang--"

"[I'm sorry babe, it's just that i... I miss you]" he said in a husky voice

Haaaaay... Ang lambing talaga niya,

"Hanggang kailan ka ba jan? Di na ko makatagal dito e."

"[Babe konti nalang.. Tatapusin ko lang to]"

"Fine.. Take care"

"[No.. Take care with our baby]"

At binaba ko na ang cellphone, pasimple akong tumingin sa paligid. Baka kasi naririnig ako ni Pisay edi patay na ko

Wala dapat makaalam na hindi si Pierre ang ama ng dinadala ko

Anyway bumalik na ulit ako sa living room para i-entertain yung si pisay. Actually parang bata nga tong babaeng to eh.. At mukhang matalino, matalino para mabuking niya ko sa mga plano ko. Pero kailangan kong magpakabait sakanya para hindi niya maisip na magagawa ko yung mga bagay na yon

***

Pierre's pov


"Anong gagawin natin dito sa mga bato?"


"Susulatan natin sila ng mga feelings natin.. For example, masaya ako edi ilalagay ko dito sa stone na to 'I'M HAPPY' ! Okay ba sayo yun ha? Shon? Shon! Shon! Shon!"

100 Days to break the curseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon