Part VI

27 1 0
                                    

Psyche's Pov

Ang sakit na ng likod ko. Tsk dapat kasi binigyan niya man lang ako ng malambot na higaan, pero pina-higa niya lang ako sa sahig ng walang latag! As in unan lang! Di man lang nag abala na ikuha ako ng mahihigaan na maayos -_-

Tumayo na din ako at nag unat-unat ng buto.

At nakita ko ang itsura ni Pierre habang natutulog.

HAHAHAHAHAHA halatang pagod dahil todo nganga tapos may panis na laway pa. Ang wild niya naman matulog.

Tandang tanda ko pa kagabi nung natataranta kami kung paano uuwi. Buti nalang may kakayahan ako mag-please ng isang tao at nautusan ko siya na ibili kami ng gasolina sa malayo.. Matagal nga lang bago siya makabalik pero atleast nakauwi kami. Madaling araw na yata kami nakauwi tapos dahan dahan pa kaming pumasok ng mansion nila kasi yung daddy niya natutulog sa sofa xD siguro nakatulog na kakahintay sa anak niya.

Pero ang pinaka malupet dun ay yung muntik na niya kong patulugin sa kalsada dahil ayaw niya kong patungtungin sa kwarto niya.

Aba! Responsibilidad niya ko no! Kaya di ako pumayag. Kaso sakit naman ng katawan ang inabot ko ngayon, antok na antok na daw siya kaya hindi na nakapaghanap ng bed sheet.

Bigla naman siyang dumilat. At galit ang itsura nito habang nakatingin sakin

"Anung tinitingin-tingin mo jan?" Kunot noo niyang tanong habang nagkukusot ng mata

"Nagugutom na ko.. Pwede na bang mag almusal?" Tanong ko habang umupo pa sa edge ng kama niya

"Lagi ka namang gutom eh *tumayo* jan ka lang hindi ka pwedeng lumabas sa kwartong to" paliwanag niya atska pumasok sa c.r kaya sinundan ko siya hanggang sa pinto

"Bakit? Nagugutom na ko at gusto ko nang makalabas!" Sinusuntok ko pa yung pintuan niya

Hinintay ko siyang makalabas

"Magagalit si daddy pag nalaman niyang nagdala ako ng babae dito!" Napakamot na siya sa ulo na para bang inis na inis na

Nag ayos pa siya ng buhok at damit.

Pwe! Payatot naman ang lakas pa ng loob maghubad sa harap ko

"Wag mo nga kong silipan!" Angil niya sabay talikod sakin

"Ang kapal" pabulong kong sabi

"Ano?!"

"WALA!! Pakainin mo na kc akooooooooo!" Sigaw ko kaya agad niyang tinakpan yung bibig ko at pilit kong inalis yun

"Pag di ka tumahimik gugutumin talaga kita!"

Napa nguso nalang ako. Kasi naman ayaw kong magutom no!

Akmang lalabas na siya sa pintuan nang magsalita pa siya

"Dito ka lang ha! Wag na wag kang lalabas! Kahit masunog pa tong kwarto jan ka lang!" Mahina niyang sabi

Napakasama niya talaga! Hindi man lang niya ko tinuturing na tao! Hmp!

***

"Salamat dito ah!" Sabay tap ko sa balikat niya

"Ano ba naman yan! Pati buto hindi mo pinapatawad" nag smirked pa siya sakin

Dapat naman talagang simutin tong buto diba? Sayang naman kung may matitira pa tska aarte pa ba ko? Gutom na gutom na ko eh =_=

"Dito kalang! Maliligo ako may pasok ako eh" tumayo na siya at isinukbit sa balikat niya yung twalya.

Kung aalis siya... Pano na ko? Ikukulong niya ba ko dito?!

100 Days to break the curseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon