Part VII

26 1 0
                                    

Psyche's Pov

Kanina pa ko tahimik dito sa tabi ng bintana.

Iniwan nanaman kasi ako ni Pierre, ewan ko nga kung san pupunta yun eh? Halos madapa sa paglabas ng pinto ng kwarto.

Sino kaya yung tumawag? Parang gulat na gulat siya.. Baka emergency yun

Pierre's Pov

Nandito ko sa may tapat ng bahay nila Demi at hinihintay ko siyang lumabas..

After a while lumabas na din siya at naka suot ng scarf tapos may maleta, balot na balot siya

"Umalis na tayo dito" sabi niya ng mahina

Hindi na nga ako sumagot at pinagbuksan ko na siya ng pinto ng sasakyan, sinakay ko na rin ang mga maleta niya.

Hanggang ngayon wala pa din siyang kinukwento sakin. Tahimik lang kami kanina pa, pasulyap-sulyap na nga ako sakanya at sa daan lang talaga siya nakatingin parang ang lalim ng iniisip. Nag aalala na ko sakanya baka may pinagdadaanan siya.

Bumaba kami sa isang condo, mukhang dito na nga siya titira.

Pagpasok namin dumirecho agad kami sa Lobby.

"Miss, 1 unit pls.. Yung may malaking bintana" request niya sa babae

"Ok po mam. Uh.. Couple po ba kayo? May special room po kasi kami for couple may dis-"

"Miss.. We're not couple" nakangiti niyang sagot dito.

Nagka ilangan na tuloy kami.

Pero ang saya nun ah! Napagkamalan kaming couple bagay naman talaga kasi kami diba? Ewan ko ba dito kay Demi at tumanggi pa, alam ko namang nagpapakipot lang naman to

Habang hinihintay ko si Demi makipag usap ay umupo muna ko sa waiting area

Napansin ko lang kanina pa ko tinitingnan ng mga babaeng empleyado.

Narinig ko pa yung isang babae na dumaan dito

"Gurl! Look at that oh! He's so pogi!"

"I know right! Kilala ko yan kaklase yan nung kapatid ko"

Anak ng! Sikat na sikat na talaga tong kapogian ko bwahahaha!

"Huy! Anung nginingiti-ngiti mo jan?" Tawag sakin ni Demi na kanina pa pala nakatayo sa harap ko

Agad naman akong tumayo "w-wala he-he"

"Tara na nga!" Humawak siya sa braso ko at naglakad na kami..

Heaven ang feeling! (*^_^*)

***

Eto na yung unit ni Demi, masyadong malake para sakanya

"Ah! Pakilagay nalang jan yung mga maleta!" Utos ni Demi kaya nilagay ko nalang ito sa isang tabi

Nagtatanggal naman siya ng mga balot sa katawan niya kagaya ng scarf sa ulo niya tapos jacket habang nasa harap ng salamin, pagkatapos ay umupo siya sa kama at tumahimik.. Para bang may gustong sabihin sakin.

"Salamat sa pagsama mo.. Makakauwi kana" nakangiti niyang sabi sakin at ibinaling agad ang tingin sa sahig.

Lumapit naman ako at lumuhod sa harap niya

"Demi.. Kung may problema ka, spit it out.. I'll listen" malungkot na tinig ang pagkakasabi ko

Pero umiling lang siya at unti-unti nang bunuhos ang mga luha sa pisnge niya at sunod nun ay yumakap siya sakin kaya ginantihan ko din siya ng yakap.

100 Days to break the curseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon