Pierre's pov
"Insan! Tulog pa rin kaya yun? Tara na sa bahay baka gising na yon" pagpupumilit pa rin ni vince habang nag d-drible ng bola
Nasa court kasi kami at nagbabasketball.
Kanina niya pa gustong makita si pisay, pero ewan ko ba kung bakit nilalayo ko siya sa babaeng yun. Parang kanina lang gusto ko silang magkatuluyan tapos ngayon nag-iba nanaman isip ko. Gulo ko talaga
"Matagal matulog yun vince" sagot ko at ini-shoot ang bola
"Do you think may gusto rin siya sakin?" Tanong niya
"Maybe?" Sagot ko sakanya
Pero, baka nga gusto din siya ni pisay? Kasi matino naman tong si vince. Lahat ng ugali ng ideal boyfriend nasa kanya
Kaso siguradong gulo kapag nalaman niyang hindi ordinaryong babae si pisay. But.. Kung sasabihin ko ng maaga baka sakaling maintindihan niya
Is this the time na sabihin ko na ang totoo? Nope. Isang araw palang sila nagkakakilala eh
Jiro's pov
"Manang san po pumunta si Hanz?"
Nandito ako sa mansion nila Hanz. To be honest si psyche talaga ang pakay ko dito.
"Ay ser nasa court ho" sagot ni manang habang nag seserve ng juice para sakin
"Ahh sayang naman. Anong oras daw ho ang balik?" Tanong ko ulit
"Di ko lang alam ser" tapos umalis na siya
Tamang-tama solo ko si psyche ngayon hehehe
I wonder where she is?
Nagsalamin muna ako para kapag nakita ako ni Psyche gwapo pa din xD
"Jiro?"
Napasulyap ako sa babaeng tumawag sakin
Kahit anung anggulo talaga napakaganda ni Psyche
Sana talaga mapunta siya sakin
Pinagmamasdan ko siya habang pababa ng hagdanan
"Huy jiro! Bakit ka nandito? Kanina pa ko nagsasalita"
Bigla kong bumalik sa reality
"Ahh---ehh" nako naman na s-speechless pa ko
"Si Pierre?" She ask out of the blue
Nandito na nga ko hahanapin niya pa si pierre
"Sorry di ko alam eh. But if you want, let's go out?"
"Bakit? Ano bang meron?" Tanong niya at umupo sa sofa na katabi ng kinauupuan ko
"Wala.. Lagi naman tayong lumalabas diba?" Sagot ko naman. Sana naman pumayag na siya kasi itatakas ko lang siya kay pierre haha! Alam kong masama pero gusto ko siyang makasama eh
Dahil pag naabutan kami ni pierre tiyak na babakuran niya nanaman tong si Psyche
"Ayoko, kailangan magpaalam tayo kay pierre" mariing pagtanggi niya
Napaka masunurin naman niya
"Pano kung di siya pumayag--"
"Ayan na pala siya eh!"
Napatalikod naman ako kung nasaan si pierre
Nagbasketball yata siya.. Oh wait... Sino naman tong kasama niya?
"Hi Psyche!" Sabay lapit naman ng lalaking ito kay psyche
Naka kunot lang ang noo ko habang kinikilatis ang lalaking nasa tabi niya
Nalingat ako nang tawagin ako ni pierre
"Jiro, halika sa garden tayo"
Lumingon muna ako kina psyche bago sumunod kay pierre
"Nasan nga pala si tito rogelio?" I asked as i sit next to him
"Ba't tinatanong mo pa? Alam mo namang nasa trabaho yun. Once in a blue moon nalang kami magkita nun eh" mahabang paliwanag niya
Magsasalita sana ako pero nagsalita nanaman siya
"Don't worry, bibigyan ka naman niya ng pamasko" napatawa naman siya
Iniabot niya saakin yung mountain dew na nasa lata
"Who's that guy?" Kanina ko pa to gustong tanungin eh
"Si vince ba tinutukoy mo?" Sagot niya habang nagpupunas ng towel sa leeg
"Vince who?" Nakakasira kasi ng araw yung mukha nung lalaking yon
"Vincent Morris, cousin ko, suitor ni Psyche"
Nanlaki ang mga mata ko sa sunod-sunod niyang sagot
Kaya pala ganun nalang kung makadikit yung ulupong na yon kay psyche
Porket pinsan niya lang pagkakatiwalaan na niya agad yun? Baka mamaya pusher pala yun or worse rapist
"Gano katagal mo na bang kakilala yung vince na yon?"
"Anong klaseng tanong yan jiro? Pinsan ko siya kaya kilalang-kilala ko na yon" na we-weirduhan na rin siya sa mga sinasabe ko pero magtatanong pa din ako
"Ba't pa kase naghahanap pa ng iba, nandito naman ako" mahina kong saad
"What?" Pag uulit niya sa sinabe ko
"Nothing" sabay ngisi ko dito, ang sama na kasi ng tingin niya sakin ~_~
Pierre's pov
"Star, i'm leaving. Take care of yourself."
"Kala ko ba walang iwanan?"
"Mahirap din to sakin... Pero--"
"If that's what makes you happy"
"Star!! Wait!!!"
Damn, i saw her face O_O
Ang ganda niya... At malayo ang agwat ng edad nila but... I think they love each other
Sino ba kasi sila? Why do they keep on bothering me on my dreams
Baka ako si shon, at... Sino naman si Star?
Speaking of star, she really look like--
"Pierre? Pierre?"
Psyche
Binuksan ko na ang pinto
At nandito siya, napakalawak ng ngiti..
Kamukha niya talaga yung star
"Huy pierre!" Natameme nanaman ako
Bigla nang naging normal ang expression ko
"Pisay?! Ang aga aga pa!" Naghihikab na turan ko
"Makinig ka muna kasi..."
Edi makikinig =_=
"Nakakaalala na ko ^_^"
------
BINABASA MO ANG
100 Days to break the curse
FantasyA moving statue? May ganon ba? Ewan ko di ako mahilig sa fantasy, pero mababago yon pagdating ng isang disaster sa buhay ko. A very beautiful disaster... i guess.