Part V

40 1 2
                                    

Si Pierre yang nasa taas ^3^

Pierre's Pov

Nakakainis naman napaluto pa ko ng wala sa oras! Gano ba katagal naka freeze to at ganito katakaw?

"Ayan tapos na ko kumaen." Nakangiti siya habang pinapatunog yung kutsara't tinidor sa pinggan niya.

Hindi na ko umimik pa at kinuha ko na yun at nilagay sa sink. Bahala na ang maids jan.

At ngayong tapos na siyang lumamon, makakapag-usap na kami. Hindi kasi malinaw yung bangayan namin kanina
At sa pangalawang pagkakataon gusto kong makasigurado na tama tong papasukin ko.

"Sooo.." Panimula ko "Tungkol dun sa 'mission mo' s-san tayo magsisimula?" Paputol putol pa ko kasi naman nakaka distract yung ichura niya. Ikaw kaya kumausap sa estatwa "Umm.. San ba tayo magsisimula?" Alanganin pa kong ngumiti

Humawak naman siya sa chin niya na tila nag iisip "Bago ang lahat gusto ko munang puntahan si papa" sagot niya

"Nasan ba yang tatay mo?" Tanong ko pa din

"Sa bahay namin"

"Saan nga yang bahay niyo?" Potek nakakaubos pala ng pasensya to.

"Sa Brgy. Maligaya"

"Saan naman yun? Ngayon ko lang ata narinig yang lugar na yan?" Matawa-tawa kong tanong

"Brgy. Maligaya lang hindi mo pa alam?" Gulat niyang sabi

"Kase naman kakaiba masyado" natatawa pa din ako "Bweno, puntahan nalang natin" dagdag ko pa.

***

Masyadong trapik! Dapat pala maya maya nalang kami umalis. Kesa ngayon na tanghaling tapat, nagliliyab pa yung kalsada tsk tsk.

Excited na kasi akong matapos tong mission niya para makuha ko na yung 1 wish na yun.

"Malayo pa ba?" Iritang tanong ko. Nakita ko kasi yung gas malapit na maubos kaya tiis tiis ako sa bintana kasi malakas sa gas yung aircon
At mukhang walang gas station sa lugar na to (-_-)

Sumilip naman siya sa bintana sa tabi niya. Nasa backseat kasi siya ayoko siyang katabi. Baka atakihin lang ako ng allergy

"Malayo pa to didiretsuhin mo pa kasi yang baryo na yan--"

"Anong gusto mong palabasin? Dulong dulo pa ng mundo ang bahay niyo?" Putol ko sa sinasabi niya

"Wag ka ngang maarte! Nakakotse naman tayo diba? Atsaka sa pagkalaalam ko walang dulo ang mundo." Sa tono palang ng boses niya halatang nagsusungit siya

"Wow! oo nga naman may kotse tayo kaso malapit na tong tumirik!!" Matigas kong sabi

"Bakit?" Tanong niya

"Mauubusan lang naman tayo ng gas." Sarkastikong sagot ko.

"Ha? Ang yaman yaman mo mauubusan ka pa ng gas?! Wag mo nga kong paglolokohen!" Galit na sabi niya

Di ko na natiis at hinarap na siya "MUKHA BA KONG NAGBIBIRO HA?!!" Nanlalalaki ang mga mata kong humarap sa kanya

"P-PIERRE! YUNG MATANDA!!" Sabay turo niya sa kalsada.

Mabilis ko namang inapakan ang preno.

Buti nalang at naihinto ko agad! Kundi mababartolina ako ng wala sa oras! Tsk

Mabilis naman sa alas kwatro na bumaba si Psyche. Kaya naman sumunod na din ako.

"Lolo? Ayos lang ho ba kayo?" Inalalayan pa niyang tumayo ito

100 Days to break the curseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon