Who Stole My Book? - San Pedro

204 29 46
                                    

[[MAI's POV]]

Dumating ako ng mas maaga kaysa sa napag-usapang oras ng lunch namin ni Jude dito sa JAM's Grill and Resto. Syempre nagpaganda ako ng sobra. Lalong magkakautal-utal ngayong gabi si Jude.

Priceless talaga 'yung reaksyon nya kahapon ng yayain ko syang lumabas.

"A-ako? B-bakit? Ma-may o-kasyon? A, e, o-oo sige" sabi nya yan. Wahahaha..mukhang mag-eenjoy naman ako kahit sapilitan 'tong gagawin ko ah.

Si Ate Jhen naman akala ko talaga i-indian-in na 'ko ng tuluyan.

******Flashback******

Asan na kaya ang loka-lokang 'yun? Dahil sa boredom binuhay ko ulit si satan. ah, este itong ipod ni Nathan.

Now Playing: May Bukas Pa.

Okay ang pangit talaga ng mga songs dito sa Ipod ni Nathan.

Hanap tayo ng maganda.

Hillsong-Still... ayaw ko. God Gave me you... malungkot. Hillsong-Desire... The Gift...

BOOGSH!

"Ouch! Para saan naman 'yun?" Napasigaw ako at napatingin sa nambato sa akin.

Mabuti naman nandito na s'ya. Pero tama bang batuhin ako ng Notebook?

"Parang nabaliw ka na talaga yata." nakapameywangan nyang turan.

"Grabe ka naman ate." reklamo ko.

"Aba, Paano naman, bigla ka na lang bumait, biglang naging masayahin, biglang nag-ayos at ayan nagmukha ka na ulit tao. Ah! Biglang nag-aral ka rin ulit? And now what? Pinansin mo rin ako after more or less six months at tinawag mo pa akong ate? Lord, magugunaw na po ba ang earth? 'Wag pa po please, wala pa akong papa! Tsak- OUCH!"

Binato ko nga ang addict. Syempre yung notebook na binato nya rin sakin kanina ang weapon ko. Boomerang! :-P

"Mukha mo! Ikaw ang baliw jan. Masama bang ma-in LOVE?" Bara ko sa kanya. Emphasizing the word Love.

"Ma-in love? Walang masamang ma-in love pero mambato masama tsaka teka ba't mo binalik sa akin 'yan? basahin mo 'yan" then binato nya ulit sakin ang notebook and I just noticed na nanlaki ang mga mata nya. Late reaction? nag-hang yata.

"W-what did you just say?" Anong version mo 'te? Pa-update kita.

"Which? 'Yung ma-in LOVE?"

Krrrrrring!

The bell rang. Kailangan na namin bumalik sa klase. So let it just be a mystery for now.

"wala 'yun. Pa'no? Let's go? Alam kong ayaw na ayaw mong nahuhuli sa class." then I gave her an assuring look.

Mukha namang napapaniwala ko sya dahil kumapit na sya sa braso ko at sabay na kaming bumalik sa klase.

*******End of Flashback*******

Heto ako ngayon at naghihintay sa lalaking 'di naman yata darating. Kainis. Who the hell did he think he is para paghintayin ako ng gan'to? Ang usapan ay 1:00 pm, e 1:30 na kaya. I'm done! Uuwi na lang ako.

I started to walk out. Medyo nahiya nga ako kasi wala man lang ako in-order. Sarrree naman, nabusy kaka-reminisce. Hay. Buti na lang pala 'di ako nagpareserve ng table kahapon. Sayang lang sana.

[14] Fourteen Pages of Fate (Tagalog) EditingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon