5th Page: Ikalimang Araw (pagpapatuloy)#-+#-+#
[[GAB's POV]]
Tulad ng araw-araw kong ginagawa.
Pinagmamasdan ko na naman s'ya mula sa malayo.
Matagal tagal rin na hindi kami nagusap pero kahit kailan hindi ko sya iniwan. Lagi akong nakabantay sa kanya subalit hindi nya iyon maaaring malaman.
May ilang beses na rin kaming nagkita subalit hindi nya ako nakilala. Nakakalungkot pero alam ko namang wala akong magagawa.
Tawagin nyo na lang akong Gab at 17 taong gulang na ko.
Mula rito sa kinatatayuan ko ay kitang-kita ko ang masaya nyang ngiti habang nilalapita't nilalayuan ng makukulit na mga alon ang kanyang mga paa.
Kani-kanina lamang ay puno ng pangamba ang kanyang mukha subalit ngayo'y hindi na. Alam na alam ko kung sino ang nasa isip nya at dahilan ng pagkapawi ng lungkot sa kanyang mga labi.
May sampung taon na rin ang nakalilipas ng iwan ko sya. Mula noon ay madalas na syang mainggit sa iba.
Hanggang sa dumating ang isang batang lalaki na naging dayo dito sa Ligaya. Sya ay si Chickboy. Hindi iyon ang tunay nitong pangalan ngunit iyon ang tawag nya dito. Bob-boy kasi ang tawag nito sa kanya kaya gumanti na rin sya at binasagan ang batang kaibigan ng Chickboy dahil nga raw sa duwag iyon. Pero hindi naman sinabi sa kanya ni chickboy kung bakit iyon ang tawag nito sa kanya.
Masaya kong sinaksihan ang mga pinagsamahan nila nung si chickboy.
Nagkaroon na rin sya ng panibagong tagapagtanggol este ipagtatanggol mula sa mga "mean girls" o yung bully naming mga kaklase.
Natuwa talaga ako dahil naging matapang siya 'di gaya dati na ako ang madalas magtanggol sa kanya habang iyak lang sya ng iyak sa may likuran ko.
Madalas silang dalawa dito sa aplaya. Bukod kasi sa dito sila unang nagkita nung si Chickboy, palagi talaga siyang nagpupunta rito para mag-abang ng bote na may liham sa loob. Malakas kasi ang paniniwala nya na hindi nagkakataon subalit talagang para sa kanya ang mga sulat.
Ah..para naman talaga sa kanya. Sa akin kasi galing iyon.
Umabot din ng dalawang taon nyang nakasama ang batang lalaki hanggang sa mabalitaan nya na lang na nagpasya nang tumira sa Amerika ang pamilya nung si Chickboy.
Bumalik na naman sya sa pagiging iyakin at mapag-isa. Hanggang sa lumuwas na silang magpapamilya sa Maynila upang doon na nya ipagpatuloy ang pag-aaral.
Tama! Ang mga ala-ala nya at ng batang si Chickboy ang gumuguhit ng manaka-nakang ngiti sa kanyang maninipis na labi.
Tulad pa rin nang dati.
Pinapanood ko lang sya mula sa malayo.
~
[[MAI's POV]]
"Mai!"
Napalingon ako sa pinagmulan ng sigaw. Pamilyar ang boses na 'yun ah.
Isang pamilyar na babae ang tumatakbo ngayon palapit sa akin.
"Iyel! | Mai!" sabay namin bati.
Nang makalapit na sya ay nagyakap at napatalon-talon pa kami. Namiss ko 'tong babaitang 'to. ^_^
"Teka, Mai!" pakli nya na parang may nakitang multo.
Napalingon naman ako sa dereksyon na tinitingnan nya.
Hugh? Sino 'yun?
"Teka?!" tanging nasambit ko.
"Parang kilala ko sya..." mahinang sambit ni Iyel.
...to be continued.
****
ahahhahahhaha!! Sarreh na po!... (。'▽'。)♡
Patawarin nyo na ako.. Plith plith...
Talagang sinadya ko pong bitinin ang update chapter na 'to..hihi
Sarreeehh! ^_^
Kasi po may pasok na kami e..hihi..so next summer na ang update...
AHAHA..jOKE LANG PO!! Bukas maga-update na ako agad..
Baka wala pa akong readers magkaHATERS na akow..
Labas nyo na lang po ang sama nang loob nyo sa comment box..
At iboto nyo pa rin sana... Peace po!! ◌⑅⃝●♡⋆♡LoveU♡⋆♡●⑅◌
BINABASA MO ANG
[14] Fourteen Pages of Fate (Tagalog) Editing
Roman d'amour[{ BOOK 1 }] "That one chance to see through the eyes of fate can make you dead desperate." -- Isang kwentong susubukin ang tatag ng pangako, pagkakaibigan at pagmamahalan. Magagawa bang ipaglaban ang nakaraan kung taliwas ito sa dikta ng kapalaran...