The Fall

42 10 15
                                    


6th Page: Ika-anim na Araw

#-+#-+#

[[JUDE's POV]]

"Dun tayo Jude!" sigaw ni Jhen.

Sinundan ko kung saan sya nakaturo at sa isang maliit na pampasaherong bangka pala. Bigla na lang nagsimulang maglakad itong babaeng nakaposas sa akin. Sila Jhen at Jude naman nauna nang sumakay.

"Teka Babe, medyo maalon, ingat sa paghakbang." si Jake habang inaalalayan si Jhen. Kami na ni Mai ang kasunod.

Ang hirap naman pala sumakay sa bangka, lalo na kung nakaposas ka sa isang babaeng kagagaling lang sa sakit. Hassle. Tss.

"Ano ka ba Jude, kaya ko naman. H-hoy?! Put me down! J-jude!" reklamo ni Mai hina.

"Pwede ba? Kumalma ka nga Mai. Ginagawa ko lang 'to para mas maging madali sa 'tin parehas so just bare with me, will you?" Haay. Mukhang sa ayaw sa gusto ko, buong araw kong kailangang alalayan 'tong babaeng 'to.

"Pero Jude kaya ko na nga sabi atsa---"

"Pwede ba h'wag kayong magalaw?" napalingon kaming lahat na sakay nitong bangka sa nagsalita. Si Jake, mukhang may problema sya.

Sampu kami dito sa bangka. Ako at si Mai; Si Jude at si Jhen; Si Mam Julia, 'yung bangkero at apat pang mga estudyante na hindi ko kilala.

"Wow! Hayun na sya! Grabe ang ganda!" Jhen exclaimed. H'wag na kayong magtaka dahil mukhang sya lang naman ang nag-eenjoy sa aming lahat dito. Si Jake kanina pa hindi mapakali. Si Mai naman mukhang may malalim na iniisip habang nakatitig sa ilalim ng bangka.

Itulak ko kaya 'to? Parang hindi man lang kasi natatakot mahulog. *sigh* Para namng kaya kong gawin 'yun sa kanya.

T-teka? H-hoy readers, anong sinasabi nyo? Mahal ko sya? Sino? Si Mai? Hindi 'no! Kaya ko lang naman sya hindi magawang itulak kasi, takot ko lang madamay! Nakaposas kaya kaming dalawa! Wag kasi kayong masyadong assuming! Hehe joke lang..peace readers.

"Guys, Why you're so tahimik? Aren't you excited? Oh, baka naman may naaalala kayo? Share share!" basag ni Jhen sa katahimikan tapos binigyan nya kami ng makahulugang ngiti.

"Teka, kilala ko yata 'yun ah!" nasambit ko at napabalikwas ako sa pagkakaupo sa buhangin. Sila kuya nga ba 'yung nakikita ko dun?

"Ay?! *pout* Kainis ka naman e! Naguho na yung kastilyo ko! Porket mas maganda lang itong sandcastle ko sinira mo na?! Madaya ka talaga!" reklamo ng kalaro ko. Pero hindi ko na lang sya pinansin.

"Unahan makarating dun!" at nagsimula agad akong tumakbo. Hehe.

"waaaah! Madaya! Andyan na 'ko!" sigaw nya naman at ng lingunin ko ay nakasunod na sya sa akin. Binilisan ko pa ang takbo. Hindi naman nagtagal at narating ko na ang pakay.

"Sinyorito, sakay na po kayo." Naabutan kong sambit ng bodyguard ni kuya habang nakalahad ang kamay sa kanya. Si kuya talaga.

"W-wala bang ibang paraan para makauwi? S-si Papa? 'Y-yung chopper?" halatang nagpapanic na sya kaya naman lumapit ako sa kanya at sabay inakbayan sya.

"It's okay kuya, don't be afraid." then I gave him my most sincere smile pero bigla nyang inalis ang kamay ko sa balikat nya at

"I don't need you!" sigaw nya sa akin. At nagsimula nang sumampa sa bangka. Hindi talaga sya sanay ng may kapatid. Hindi ko naman sya masisisi, lumaki kaming magkalayo dahil sa naghiwalay si Nanay at si Dad.

Nang makasakay na kaming lahat. Nabaling ang pansin namin sa isang batang babaeng paparating. Malayo pa lang ay nakangiti na sya sa amin.

"Hoy Chickboy! Sila na ba 'yun?" Bungad ni Bob-boy nang makalapit sa 'min. Tinutukoy nya ang tatlong kasakay ko, Si kuya, ang bodyguard niya at ang batang babae na kaibigan nya na lagi nyang kasama. Hindi nagkakalayo ang mga edad namin. Seven years old kami ni Bob-boy. Nine naman si kuya at mukhang kaedad naman namin 'yung kaibigan nya.

[14] Fourteen Pages of Fate (Tagalog) EditingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon