Strange

73 21 14
                                    


3rd Page: Ikatlong Araw (pagpapatuloy)

#-+#-+#

[[Mai's POV]]

Hindi sana ako papasok ngayon kaya nagpatanghali ako ng gising. Hindi ko pa rin talaga alam kong anong mukhang ihaharap ko kay Jude. Left o right? oh sige na, at nagawa ko pa talagang magpatawa.

" 'Nak.. ingat sila sa'yo lagi ha?" Paalala ni mama kaya naman nginitian ko lang sya at nag-wave ulit. Lakas ng trip naming magnanay 'no?

" Opo naman Ma." I answer then we headed to school.

Malakas rin kasi ang trip ni 'te Jhen ngayong araw. Hindi na nga ako pumasok, ipinasundo pa ako?

" Mang Glen, Bakit daw po kaya ako pinasundo ni 'te Jhen?" Usisa ko dito sa family driver nila 'te Jhen.

"Hindi ko po alam Miss Mai, ang sabi lang po sa'kin sunduin ko kayo at idaan sa Mansion" -Mang Glen

"Po? Idaan sa Mansion? As in sa Salgado Mansion?" pagtataka ko at nakita kong tumango lang si Mang Glen. Medyo napangiti rin yata sya.

"Pa'no naman kaya idadaan? Posible po ba'yun Mang Glen e di po ba pasilangan 'yung sa mansyon e pakanluran ang school? Idadaan daw? Aha-aha-ahahahaha!"

At nagtawanan kami ni Mang Glen buong byahe.

Pagdating namin sa gate ng mansion, malayo pa lang ay natanaw ko nang magkasama si 'te Jhen at si Jude. Agad akong napakapit sa dibdib ko. Parang tinutusok ng maraming karayom ang puso ko. Ay no, scratch that, parang pinapalakol ang puso ko sa sobrang sakit ng feeling!

Nung medyo malapit na kami sa kinatatayuan nila may biglang sinabi si Mang Glen..

"Ah!" Parang nagulat sya ng sobra.

"Bakit po Mang Glen? Ano pong problema?"

"M-may nakalimutan akong sabihin sa'yo, pinapasabi ni Miss Jhen *kamot batok*"

Sobrang natawa talaga ako sa itsura nya. Napangiwi sya.

"Aha-ahahaha.. grabe po matanda na talaga kayo.. marami na kayong nakakalimutan.. baka po nakalimutan nyo rin pong wala tayong preno? Hahaha" biro ko pa sa kanya.

"Ahahaha 'yun nga po 'yung sasabihin ko Miss s-" I cut his words

"Manong naman e! Ano nga po ba 'yun? 'Yung seryoso na po ah?" Loko 'to ah, baka pinapatsugi na ako ni 'te jhen. Baka nakarating na sa kanya 'yung ginawa namin ni Iyel kay Jude.

*iling*iling*

Erase!Erase! Tingin mo naman kay 'te Jhen Mai? Mafia goddess?

"Ah, pinasasabi po ni Miss Jhen na kapag tinanong nyo raw po kung bakit nya kayo pinasundo e sabihin ko raw po, ~*flip ng invisible hair* kasi bumalik na Jake mo Mai! *sossy shaking of left hand in the air* Isn't it amazing?! Eiiii~"

Na-ka-ka-ta-wa- sya!!

"pft..Ahahahaa... waley! Ampanget po ng itsura nyo mang Glen!ahahahaha!" Grabe epic fail ang pag-impersonate nya kay 'te Jhen.

"Ahahhaha! Pasensya na po miss"

" 'Wag nyo na po uulitin Mang Glen! Baka banugungutin pa tayo pareho! Ahahahaha!" napakapit na ako sa tyan kong sumasakit na sa katatawa.

Nang mahimasmasan kami sa kakatawa, nagkachance magsink in sa utak ko ang sinabi ni Mang Glen.

Hugh?? Si Jake bumalik? Bakit? Umalis ba? Jake ko daw? Hanubayun~

****

"Ah, I'm sorry Mai, false alarm lang pala" she sounds so dissappointed.

Nandito kami ngayon ni 'te Jhen sa garden ng Mansion nila. Dalawa lang kami kasi nung makita akong bumaba ni Jake mula sa family car nila 'te Jhen. Biglang nagbago 'yung mood nya. Masakit mang sabihin pero parang nairita. Yung ganun? Tapos nauna na syang pumasok sa school.

[14] Fourteen Pages of Fate (Tagalog) EditingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon