3rd Page: Ikatlong Araw
#-+#-+#
[[JUDE'S POV]]
"Great. Another day." Tamad na bati ko sa sarili ng magising ngayong umaga.
I lazily walked to my bathroom. Took a quick shower.
When I was about to leave, I took my phone and found out several messages and missed calls which belongs to a single number so, I made a short phone call to inform her that I'm up for school.
I rode my red sedan, drove, and arrived at school 15 minutes late. Hindi pa ako nakapag-almusal. Kung sabagay, wala rin akong ganang kumain.
As soon as I walked in I saw everyone in the class was a bit shocked to see me. Yes they are. And it's because today was the first time in my whole life that I came to school late.
"MISTER JUDE CRIS CABALLERO!" Exclaimed Sir Mabini when I headed for my seat. Ah! I forgot to apologize for being late. D*mn!
"ISA KA PA! NAHIYA NAMAN AKO SA PRESENSYA MO.. WHERE DID YOUR MANNERS GO!? YOU ALL?! ARRGGG! I DON'T EXPECT FOR THIS! " Nanggagalaiti nyang sambit at padabog syang umalis. Tss. Pasalamat pa nga sila pumasok pa ako.
"F*ck, Antagal ng litanya niya!" Guy 1
"Chill dude, at least sumuko rin naman." Guy 2
"e 'yun nga aalis rin naman dami pang seremonya!" Guy 1
"Hey, yow, Mr. Salutatorian to be, nice one dude" Guy 2 told me but I just ignored what he said.
Napalingon ako at napansin ko ang nakasulat sa blackboard. Kaya pala, binully na naman s'ya ng mga brat kong kaklase. Kawawang teacher.
Nagsimula na naman silang mag-ingay. Nagsama-sama na ang magkakabarkada na parang may kanya-kanyang mundo ang bawat grupo.
Kung ano-ano lang ang pinag-uusapan nila kaya napatanaw na lang ako sa bintana. There I was able to see the park.
"Mai.." Malambig kong tawag sa pangalan nya.
"um?"
"Alam mo ba dati ang puso ko ay mura lang? Pero dahil sa'yo, ngayon ito ay nagmahal na."
Napangiti naman ako ng makita kong nawala ang fokus nya sa tinatahi nya.
"Loko ka Jude. 'Pag ako lang natusok ng karayom dahil dyan sa kakornihan mo, sasamain ka sa 'kin." Natatawa nyang angal habang hindi pa rin inaalis ang titig sa tinatahing teddy bear.
"Mai." Natutuwa talaga ako kapag tinatawag ko ang pangalan nya. 'Di baleng tawagin nya akong korni basta mapaalam ko lang sa kanya kung gaano ko s'ya kamahal.
"bakit po?" may himig pa ng sorry po ni Chichay ba 'yun-- ang turan nya.
"Calculator ka ba?"
"Naku ayan k---"
"Sagutin mo na lang este tanungin mo na lang ako kung bakit." pakli ko sa pagka-kill joy nya. Ahaha.
"Calculator ka ba?" pag-ulit ko pa.
"Hindi e-este bakit?" sambit nya sa tonong mapangasar habang tuloy pa rin sa pagtatahi nya.
"Kasi, solved na ako sa'yo e." napansin kong natigilan sya saglit at nilingon nya ako ng may nakakalokong tingin.
Nakorhihan tuloy ako sa sarili ko kaya napakamot batok ako at mukhang nakuha ko ang pansin nya dahil dun.
BINABASA MO ANG
[14] Fourteen Pages of Fate (Tagalog) Editing
Romance[{ BOOK 1 }] "That one chance to see through the eyes of fate can make you dead desperate." -- Isang kwentong susubukin ang tatag ng pangako, pagkakaibigan at pagmamahalan. Magagawa bang ipaglaban ang nakaraan kung taliwas ito sa dikta ng kapalaran...