The Consequences

121 23 24
                                    


2nd Page: Ikalawang Araw

#-+#-+#

[[ IYEL's POV]]

"An-an, anak bumaba ka na rito, have a lunch with your Papa Ninong." Si mama pala. Tawag na'ko sa baba. Pero 'di naman ako gutom e. Kunwari na lang tulog ako.

Alam ko namang kukulitin lang nila ako 'to change my course to Entrepreneurship since nagdecide naman na ako to stay here in Mindoro for good. Sa Accountancy ang gusto ko e. Wala silang pake. Nakakainis talaga ang nakakadiring nick name ko here in the province.

Dahan-dahan kong kinuha ang isang tin can box ng fita sa closet ko. Binuksan ko at syempre walang laman. Hindi ko trip kumain 'no. Busog nga ko diba?

Kumuha ako ng isang chalk sa bag ko, pinulbos ko with my bare hand, at ikinalat sa loob ng box ng fita. Tulad ng inasahan ko, nag-appear ang 14 pages of Mai's fate. Ang pages ng book na pinunit at itinakas ni Mai from San Pedro's Books of Fate.

"Nagtataka lang talaga ako kung paano ito binabasa ni Mai." Reklamo ko sa sarili ko sabay kuha ng isa sa mga pahina. Anong nakasulat?

Wala.

It's just an empty sheet. Isang punit na pahina ng libro.

Si Mai lang talaga ang nakakabasa nito.

Si Mai. Ang "The Perfect Cousin" ko na hanga ako sa lahat ng bagay tungkol sa kanya.

Matalino, mabait, maganda at higit sa lahat sobrang mapagmahal. Nagawa ko pa nga syang kainggitan dati nung mga bata pa kami kaya ko sya iniwan sa province. Pero tinanggap nya pa rin ulit ako sa buhay nya.

At muli ko syang 'di naiwasang kainggitan.

Tapos isang araw ang dumating. 'Di ko alam kung nakakatawa, nakakatuwa, nakakalungkot o nakakatakot. Basta nakakabaliw ang araw na 'yon para sa'kin.

*PAST

"Papa ang anak mo!!!" Nakakatoreteng sigaw ni Auntie Yna isang umaga.

Sa kanila kasi ako nakikitira dahil sa mas malapit ang Felisco Residence sa MCA kung saan parehas kami ni Mai pumapasok kesa sa family house namin.

Nagkakagulo ang lahat ng lumabas ako sa kwarto.

Wala namang problema. Naglaslas lang naman si Mai emo.

*Wang....wang... wang....*

"Sorry to say, pero wala na po tayong magagawa. Nasa pasyente na po nakasalalay ang lahat. Let's just pray na 'wag sumuko ang pasyente. Ito ang narinig kong sinabi ng doctor kina Auntie at Uncle.

Sobrang lungkot ng lahat.

Kung bakit nag-suicide si Mai?

Broken hearted kasi ang gaga. Si kuya Jake kasi na love of her life nya ay biglang nagka-amnesia at nakalimutan ang lahat ng tungkol sa kanya.

Ang masaklap pa, naging super desperate suitor pa ito ng bestfriend nyang si ate Jhen. Kung bakit? Aba ewan ko.

2 weeks din sya nagpabaya sa pag-aaral. Kung hindi cutting ay absent. Iyak lang ng iyak. Walang kinakausap kahit sino.

February 9 sya nagsimulang matulog nun. Higit 4 months din syang in coma. Pero 'di sumuko sila Auntie at Uncle. Kaya naman sobrang saya ng lahat ng magising sya nung pasukan.

Akala ng lahat bumalik na sa earth ang my "Perfect Cousin". Pero wala silang idea kung ano ang baon ni Mai mula sa lugar na pinanggalingan nya.

[14] Fourteen Pages of Fate (Tagalog) EditingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon