Chapter 45: "Feel the Polluted Air" Part 2

53 0 0
                                    

*Kinabukasan sa school

STEPH'S POV

Nandito na kami ngayon sa classroom. 5 minutes na lang at magsisimula na ang klase pero wala pa rin yung seatmate ko. Si Chris. Ah ewan! Bahala sya sa buhay nya.

Konsensya: Hala ka! Paano kung may sakit pala yun dahil nababad sya sa ulan kahapon?

Bahala sya sa buhay nyang leche sya. Di ko na kasalanan yun. Pinilit ko naman syang isama pauwi kahapon. Pero nag iinarte pa syang bwisit sya.

Konsensya: Kasalanan mo pa din. Ang sakit mo kasi magsalita.

And so? Tumigil ka nga dyan!

Konsensya: Oo na. Oo na. I'm outta here!

Dumating na din yung teacher namin at nagdiscuss ng kung ano ano sa harap. Wala ako sa mood makinig. Sabagay kailan nga ba naman ako nakinig? Papaexplain ko na lang kay Shane yung lesson mamaya.

Lunch na at hindi talaga pumasok ang gunggong. Bahala sya sa buhay nya.

"Wait, what?! Anong nag aagaw buhay?!" Napatingin naman kaming lahat kay Grey. Nandito kasi kami sa cafeteria. Having lunch. At nasa iisang table lang din kami.

"What's the matter?" Concerned na tanong ni Shane.

"Kasi si Chris. Ano daw--"

"TNGNA ANO?! ANG BAGAL MO NAMAN MAGSALITA!" Ngayon lahat na sila nakatingin. Takte! Bwisit naman na bibig to! Kusa na lang nagsasalita.

STEPH'S POV

"Si Chris daw kasi, wala na siya." Tulalang sabi ni Grey

"Anong wala na? Umalis ba siya?" Kinakabahang tanong ko.

"Oo, umalis na siya at kailan man hindi na siya babalik. Patay na si Chris guys."

"ANO?!" Sabay-sabay na sigaw nung lima pa naming kasama. Ako kasi, wala akong maramdaman. Ayaw tanggapin ng utak ko yung sinabi niya. Di ko na namalayan na tumutulo na yung luha ko.

"Steph." Lumapit si Shane at agad niyang hinagod yung likod ko.

"Guys puntahan natin siya please." Paki-usap ko sa kanila. Hindi na alam ang gagawin ko.

"Let's go." Pag-aya sa amin ni Nick.

The next thing I knew nandito na kami sa sasakyan at papunta na sa bahay nila Chris.

Si Thea na yung nagdrive. Buong byahe namin blangko ang isip ko. Wala ding tigil sa pagtulo tong mga pesteng luha na to.

After 15 minutes, nakarating kami sa bahay nila Chris.

"Nasan sya?" Tanong ni Grey sa katulong.

"Nasa kwarto niya po Sir."

Agad kaming umakyat sa taas at nasa tapat na kami ng kwarto niya.

Binuksan ni Nick ang pinto at nakita namin si Chris sa kama. Walang malay.

"CHRIS! CHRIS! PTNGNA MO NAMAN EH! SINABI KO NA KASI NA SUMAMA KA SA AKIN KAHAPON PAUWI PERO ANG TIGAS NG ULO MO! HINDI KA NAMAN ISTORBO PARA SAKIN, NAIINIS LANG AKO KAHAPON. BUMANGON KA DYAN ZAMBRANO! HINDI KA PA NAMAN PATAY DIBA?!"

When They METTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon