"Hi! Good Morning! I am Shane Alvarez. 14 years old. I am the daughter of Dylan and Hannah Alvarez. I hope that we could all be friends." - Akala nyo nagsalita sya? Eh PUTEK! Isinulat nya yan sa board alam nyo yun?! Magsasalita na nga lang tinatamad pa sya! Ang kaibigan ko nga naman.
Ella's P.O.V
Nung pabalik na sana si Shane sa upuan niya may babaeng sumigaw.
"Ang pangit naman ng babaeng ito. Hoy Nerd lakas ng loob mo! Layas ka! NERD, NERD, NERD!"
Aba't mga alipores pala nung babae kanina yung sumisigaw e. Nagkatinginan kaming tatlo nila Theang at Steph. Hindi pwede ito! Kami lang ang pwedeng tumawag ng NERD kay Shane.
Ipahiya daw ba? Lagot ka sa amin. Tinignan ko si Shane at binigyan naman niya ako ng ITS-OKAY-LOOK. Ang bait niya talaga. Pero kami hindi lagot ka sa'kin makikita mo.
Ako na ang sunod na magpapakilala. Umupo na din si Shane. Yun pumunta na ako sa harapan. Humanda kayo sakin *evil laugh*
"Hi classmates! Ella Valdez . I am 15 years old. I am beautiful right? Yung mga nagmamaganda diyan, BACK OFF wala pa kayo sa kalahati ng ganda namin ng mga kaibigan ko. Yung mga sumigaw kanina tumayo nga! (ayan nag-sitayuan sila.) Do you think you're beautiful? (Yes!-Chorus nilang sagot) Weh? Talaga? Sino nagsabi? Nanay niyo?!(Nagtawanan naman yung mga kaklase namin) Oh hindi kayo makasagot? To be honest, ang papangit niyo. Nagmumukha kayong clown dahil diyan sa kapal ng mga make up niyo! Kaya naman wala kayong karapatang magsalita ng ganyan kasi ang papangit niyo naman! That's all. Kung sino man ang sumuway sa rules namin, be ready to be kicked out.
Natapos na ang speech ko. Paupo na sana ako ng biglang.....
"Akala niyo naman ang gaganda niyo!"- Girl
"Aba kumpara naman sa pagmumukha mo?! OO NAMAN!!!" Thea.
Pagkatapos nun, tumayo si Steph at nilapitan yung babaeng may matabil na DILA
"ANONG SABI MO?!"- bulyaw niya dun sa babae.
"Ang sabi ko, SKANDALOSA kang babae ka! Ang sama ng ugali at ang PANG--ARAY!!" Hindi niya na natapos ang sasabihin niya ng biglang hinila ni Steph ang buhok niya at kinaladkad palabas ng classroom.
Grabe galit na galit si Steph at sinundan naman namin siya. Dinala niya yung babae sa ground at doon niya inaway.
"Ano?! Sinong duwag ha?! Baka gusto mong gawin kong misirable ang buhay mo! Sisiguraduhin kong pagsisisihan mo ang araw na kinalaban mo kami! Sisiguraduhin kong maghihirap ka at magsisisi. "-Steph.
Ang saya ng pangyayari haha. Conference na naman ang abot nito. Si Theang, binugbog yung mga alipores, walang patawad.
Ako? Ang ginagawa ko nagreresearch tungkol sa mga nakakaaway namin ngayon. Ibablack-mail ko sila!
"Oh ano?! Wala na ba?! Sinong gustong suumunod?!"- Si Thea yan
"Wag na wag niyo na ulit kaming babanggain dahil sinisigurado ko sa inyo, doble pa diyan ang aabutin niyo." Steph at naglakad paalis.
"BYE!"- *smirk* ako
Umalis na kami sa school wala na daw klase since first day palang naman daw. The day goes on and it went so boring. walang BOYS.

BINABASA MO ANG
When They MET
Teen FictionDifferent persons, different personalities. What if God already planned their lives? What if their destiny collide? Will this be a happy ever after?