Chapter 36:"Reason Why"

165 5 0
                                    

Steph's P.O.V

Andito ako ngayon sa bar, all by myself. Trip ko. Angal kayo?

"Yo. A shot of whisky, with ice."-sabi ko sa bartender habang umuupo sa harap ng Bar Counter.

"Coming right up Ma'am!"-masiglang sabi niya.

"A shot of whisky, for a beautiful lady."-sabi ng bartender.

"Ptngina. Wag mo kong landiin, hindi ka pogi. Get lost."-Mataray kong sabi. Lakas maka-Ella. Takte.  Halata naman ang pagkadismaya nung bartender. 

Kinuha ko agad yun at tinungga. I need this...Pain Reliever?

"Hey. Give me more. Bilisan mo."-sabi ko ulit sakanya.

"Okay po."

1 hour....2 hours.....

Nakakarami na ko, medyo hilo. Umiikot ang mundo.  Lasing na yata ako eh?!

"One more shot of whiskey.  Hangb-bagal!"

Nataranta yung bartender kaya mabilish niyang inabot shakin yung drink ko. Hehehe.

Iinumin ko na sana yung drink ko nang may narinig akong *hik* pamilyar na boshesh *hik*

"C-Chrishhh? Ikaw ba *hik* iyaaaaan?"tanong ko.

Chris' P.O.V.

Nandito ako ngayon sa paborito kong bar. Mga mayayaman lang yung pwedeng makapasok dito at makaka-afford. Sa 2,300.00 per shot ng drink? Haha!

Umupo agad ako sa bar counter. Naguguluhan ako, ang daming tao at ang ingay. Punyeta.

"Shot ng vodka, no ice. With lime, stirred."-mayabang na sabi ko. I'm Christopher Zambrano, mess with me and die. Bago ko inumin yung drink....

"C-Chrishhh? Ikaw ba *hik* iyaaaaan?" tanong niya. Ha? W-Wait.

"Honey Ko? Why are you here? Sinundan mo ko no?"-pang-aasar ko sakanya. Akala ko makikipag-away siya pero NO. Tumawa siya.

"Hahaha! Hang galing kuuuu! Honey Ko....Hi! Kamusta ka? Hahaha!"-masigla niyang sabi.

"Are you drunk?"-tanong ko.

"Drunk? Hahaha! No, I'm Steph! You *hik* are Chris diba? Haha! I'm Steph, you're Chris!"-sagot naman niya. Tngina. Grabe naman to malasing!

"Stop it! Will you? Halika na, hatid na kita."-sabi ko. Di siya sumagot, tumawa lang ng tumawa. "Bakit ka ba nandito? Gabi na oh!"-sabi ko habang inaakay siya.

"Gabi na nga! Look! Ang daming stars! Hahaha!"-sabi niya ulit habang umiikot. Puta! Ano banaman yan!

"C-Chris...Honey Ko..."-sabi niya habang humahawak sa balikat ko. What the?

"Ano? Tara na!"-hindi siya umimik. Kinuha niya yung mga kamay ko at nilagay niya sa bewang niya. Tapos binalik niya agad yung kamay niya sa balikat ko.

"Let's dance. Kanta kaaaa...."sabi niya. "Nasa parking lot na tayo. Tara na sa sasakyan."seryoso niyang sabi. Pero tumawa lang ulit siya habang nakakapit sakin.

"C-Chris..*sob* Bakit-Bakit ganon?" Boom. She bursted into tears. "W-What's wrong?"mabilis kong sabi. Yumuko lang siya pero nakahawak parin ako sa may bewang niya. Vas happenin?

Steph's P.O.V.

"Andami na, patong patong na eh."-umiiyak kong sabi. Ugh! I hate this.

*4 years ago...*

"Walang hiya kang babae ka! Malandi! Ano pa ba ang kulang ha?"-naglalakad ako papunta na sana sa kwarto ko ng marinig ko ang sigaw ni Papa.

"C-Charles patawarin mo ako. Hindi ko sinasadya."hagulhol naman ni Mama ang narinig ko.

Sinundan ko ang mga boses at namalayan ko nalang na nandito na ako sa harap ng kwarto nina Mama at Papa. Medyo nakaawang ang pintuan kaya naman dahan-dahan akong sumilip doon.

Ang gulo ng kwarto. Parang dinaanan ng signal number 8 na bagyo. Basag ang mga displays. Nakita ko si Mama na umiiyak habang nakaupo sa sahig habang si Papa naman ay nakayukom ang mga kamay.

Halaa! Ano bang nangyayari?

"Hindi mo sinasadya ha?! Hindi mo sinasadyang magpabuntis sa iba at ipinaako mo sakin?! Tangina naman oh!"-Huh?! Buntis si Mama?! Di ko maintindihan!

"Charles maniwala ka, anak mo si Stephanie!" Ako? Ano daw?

"At paano ka naman nakakasigurado na anak ko nga siya ha?!"-galit na tanong ni Papa.

"Anak mo siya Charles! Walang nagyari samin ni Patrick. Mahal na mahal kita Charles."-Niyakap ni Mama yung tuhod ni Papa. Umiling naman ng pagalit si Papa.

"Hindi mo na ako madadaan diyan Xyriel. Hinding hindi na ako maniniwala sayo."-sabi ni papa habang tinataboy si Mama at naglakad palabas. Meaning, papunta sa direksyon ko.

O___O-huli na para makapagtago pa ko.

"P-Papa."Kinakabahan ako. Magsasalita pa sana ulit ako ng bigla akong tinulak ni Papa na dahilan ng pagkabagsak ko sa sahig. Ouch.

"Wag mo akong tawaging Papa! Wala akong anak na bastarda!"napaiyak na lang ako sa sinabi ni Papa at nakita ko nalang si Mama na papalapit na pala sakin. Samantalang si Papa naman ay umalis.

"Anak. Wag ka ng umiyak. Andito lang si Mama." pagcomfort sa akin ni Mama. Hindi ko parin  masyadong maintindihan ang mga pangyayari. Ang malinaw lang sakin ngayon ay galit si Papa samin.

*End*

"Shhh..Tama na, baka maubusan ka ng deposito ng tubig sa katawan."pabirong sabi ni Chris sakin. Pakiramdam ko, umiikot yung mundo ko. Argh!

Silence. Nakatayo parin kami dito sa Parking Lot. Sa gitna pa yata to o imagination ko lang. Hehehe! Pero madaming stars! Nagulat ako ng biglang--

I'll never go far away from you

Even the skies will tell you

That I need you so...

Nagsimula kaming magsway habang kumakanta siya. Ang ganda ng boses niya. Am I giving him a compliment? This is so wrong. So damn wrong.

Bigla na naman akong naiyak. Bigla kong nilabas lahat ng sama ng loob ko. At habang naiyak ako, I felt comfortable with Chris. Am I really that drunk?

For this is all I know

I'll never go far away from you.

Napayakap ako sakanya habang nagswa-sway kami.

I'll never go far away from you....

After singing that part I felt something different I felt weird. Yeah, I am fucking hurting because of my problems. But somehow, I now feel strange. I felt my heart skipped a beat. Oh no. Damn it.

Lumayo ako ng konti. All I see is him. His eyes, his pretty light brown eyes. Then everything turned into black.

 ---

A/n: Eto na po updaaaate! Paramdam kayo. XD 

When They METTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon